Chapter 32

1K 24 8
                                        

©pinaykimchii

After the incident, sinikap kong layuan silang dalawa. Masakit parin. Hangga't maaari ayoko silang makita. Nasasaktan ako kapag nakikita ko silang dalawa na magkasama. Kaya ako na itong umiiwas sa kanilang dalawa.

Napag alaman kong dito din pala nag o-ojt si Peter. Under siya ni Tito Ferdinand. Kaya pala siya nandito noong nagkita kami sa office ng daddy niya, tulad ko ay nasa iisa kaming company. Kaya naman talagang pinag sisikapan kong hindi mag tagpo ang landas naming dalawa ni Peter.

On the other hand, Wendy is ALWAYS here in our company para bisitahin si Peter. Walang kaso sa akin iyon basta ba hindi mag krus ang landas naming tatlo. Pero si Wendy ay palaging nadadaan dito sa cubicle ko para lang mang-asar. Hindi ko nalang siya pinapansin dahil ayokong patulan siya. Nananahimik nalang ako dahil ayokong palakihin ang gulong ito. Pero ang totoo, gustong-gusto ko na siyang labanan.

"Bakla! May isusuot kana ba para mamayang gabi?" Tanong sakin ni Amarah. Ang bading na kasama kong OJT dito.

"Wala pa." Maikling sagot ko.

Nanlaki ang mata niya. "ANO?! My god, Tinkerbell! Nung nakaraan pa 'to inannouce! Bakit wala ka pang susuotin?" OA na tanong niya.

Pabiro ko siyang inirapan. Kahit kailan ang baklang ito ay nasobrahan sa pagka-OA.

"Madami naman akong dress sa bahay. Siguro ay mamimili nalang ako doon." Tamad kong sabi habang nilalaro ang ballpen kong hawak.

Hapon na kasi at nag papatay oras nalang kaming dalawa dito. Wala na kaming ginagawa kaya hinihintay nalang namin ang alas kwatro para mag-out.

"Ang yaman-yaman mo! Bakit hindi ka bumili?! At saka anong dress? Gown ang isuot mo, bakla!" Aniya pa at maarteng hinawi ang kanyang mahabang buhok.

"Bakit ako mag susuot nun? It's for the employee, hindi para satin ang party na 'yon. I'm sure mao-OP lang tayo kasi OJT lang tayo dito." Sabi ko.

Maarte siyang umirap at inayos na naman ang mahaba niyang buhok.

"Kailangan kabog ang isuot mo mamayang gabi. Kahit OJT lang tayo dito atleast invited parin tayo. Tska anak ka kaya ng may-ari nitong kompanya na pinapasukan natin! Basta ako magsusuot ako ng gown mamayang gabi. Iyong labas ang legs para bongga!" Maarte niyang sabi.

"Baka hindi ka papasukin dito mamaya ah dahil revealing ang susuotin mo. Nako! Hindi kita tutulungan diyan." Sabi ko.

Malandi siyang tumawa. "Hindi 'yan! Basta dapat bonggahan mo ang isusuot mo mamaya para naman matalbugan mo ang kapatid mong may lahi yatang linta."

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Baka may makarinig sayo."

Humagikgik siya. "Ayyy."

Napailing nalang ako at napangisi. Kahit kailan talaga 'tong si Amarah! Actually, naging magkasundo kaming dalawa dahil kay Wendy. Wendy is always here para pestehin ako at palagi naman to the rescue si Amarah para supalpalin ang kapatid ko. Mabuti na nga lang ay hindi napapa-alis dito si Amarah kahit na palagi niyang binabara si Wendy. Mabuti nalang ay hindi siya gaanong sineseryoso ni Wendy sa mga pambabara niya dito, or else babye OJT siya.

When the evening came. Abala ako sa pag pili ng aking susuotin. All of my dress in my closet ay nilabas ko na. Wala naman kasi akong masyadong cocktail dress o gown na nakatabi dahil hindi ako mahilig sa ganoong klase ng damit. May isa akong gown, kaso iyon ay ang ginamit ko noong nag debut ako. Pero alangan namang suotin ko iyon mamaya diba?

In the end. Isang puting simpleng dress ang kinuha ko para suotin. After all, that's not our party. Saling pusa lang kaming mga OJT doon. It's for the employee. Wala rin naman papansin sakin dahil hindi ako uupo kina daddy o kahit kanino. I'll stick to my OJT friends.

I'm only just your TinkerbellDonde viven las historias. Descúbrelo ahora