Chapter 23

1K 24 0
                                        

©pinaykimchii

After that painful night halos ilang araw akong nagkulong sa aking silid. Hindi ko kayang tignan ang kapatid ko, hindi ko siya kayang makita dahil nagagalit ako sa ginawa niya. She fucking betrayed me! Sa lahat ng lalaki ay si Peter pa talaga. Hindi niya na nirespeto ang pagmamahal ko para kay Peter at alam niya iyon. Alam niya kung gaano kalalim ang pagmamahal ko para sa aking best friend pero isinawalang bahala niya ang lahat ng 'yon. Ang malala pa at hindi ko matanggap ay sila na ngayon!

"Tinkerbell. Pinatatawag ka ng mommy at daddy mo sa ibaba!" Anunsyo ni manang habang kumakatok sa aking pinto.

Napatayo ako mula sa pagkaka-higa. Tamad kong binuksan ang pintuan at tumambad sakin ang mukha ni manang na tila naiinip na pagbuksan ko siya ng pintuan.

"Bakit daw po?" Tanong ko.

Sinuri niya muna ako bago sumagot. "Nasa ibaba ang pamilya ni Peter, gusto nilang sumabay ka sa hapag kainan." Aniya.

Nag igting ang panga ko dahil sa sinabi niya. Parang hindi ko yata sila kayang makita lahat.

"I'll just take a bath." Sabi ko at akma ko ng isasarado ang pintuan ng biglang magsalita si manang.

"Tinkerbell, may sakit ka ba? Namumutla ka at nangangayayat!" Aniya sabay tingin muli sakin.

Mabilis akong umiling. "No! Of course not. Wala akong sakit. Sige na, maliligo na po ako." Mabilis kong sinabi at sinara ang pinto.

Humarap ako sa salamin para titigan ang sarili ko sa salamin. Tama si manang, I look so pale and thin. Ito na siguro ang resulta ng pagiging broken hearted ko. Damn!

Nagpunta na ako sa banyo para maligo. Binilisan ko lang para hindi na sila maghintay sakin ng matagal. Kahit na ayoko silang makitang lahat ay I don't like them waiting for me na para akong isang mahalagang tao pero hindi naman. Ayokong may masabi sila sakin. Matapos kong maligo ay nagsuot ako ng pullover na kulay itim at short. Hinayaan ko lang nakalugay ang mahaba kong buhok dahil basa pa ito, hindi na kasi ako gumamit ng blower dahil baka matagalan ako.

Pagkababa ko ay naabutan ko sa sala namin si Wendy at Peter na magkatabi sa isang single couch, nag tatawanan habang nakalingkis ang braso ng kapatid ko sa leeg ni Peter. I looked away. Hindi ko sila kayang tignan dahil nasasaktan at naiirita ako sa tuwing magkalapit ang mga katawan nila. Dinig ko naman sa patio ang halakhak nila daddy at tito. Marahil ay okay na sila ngayon. Thanks to Wendy and Peter, kahit paano ay may kwenta pala ang pagiging mag girlfriend at boyfriend nila.

Nang mapansin ni manang na nakababa na ako ay nagpunta siya sa patio para tawagin siguro sila mommy. Ako naman ay nauna na sa hapag kainan para maupo. Dumating din naman sila agad at para akong isang hangin lamang dito. Hindi man lang ako binati ni mommy at daddy, tinignan lang nila ako at naupo na sila sa usual seat nila. Ganoon din si Peter at Tito Ferdinand, ang tanging bumati lang sakin ay si Tita Clarissa at ang sarcastic na pagbati sakin ni Wendy.

Kagat labi kong tinitignan ang pagkain na nakahain sa harapan ko habang ginagalaw-galaw ang hawak kong tinidor. Wala akong gana kumain lalo na't nakikita ko ang nakakasukang amoy ng sinigang. All I want to do is to puke dahil kanina pa bumabaliktad ang sikmura ko. Hindi lang ako makatayo dahil nahihiya ako, ayokong mahalata nila na nasusuka ako. Kaya ko pa naman magpigil.

"Iha. You don't like the food? Hindi mo kasi ginagalaw ang pagkain mo." Puna ni Tita Clarissa.

Napatingin ako sakanya at tipid na ngumiti. Binalingan nila akong lahat, ramdam ko ang paninitig ni Peter sakin pero hindi ko siya matignan pabalik kasi baka maiyak lang ako at hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin siya at itakbo palayo sa aking kapatid. Damn, My thoughts!

I'm only just your TinkerbellWhere stories live. Discover now