©pinaykimchii
Maagang nagising si Tinkerbell dahil ito ang unang araw niya bilang fourth year highschool na wala ang tatlong nag aastang body guards niya. Ito na rin ang huling taon niya sa highschool at susunod na rin siya sa mga MonteCarlo boys.
"Tinkerbell, eat your breakfast. Niluto 'yan ng mama mo hindi iyan mauubos kung tititigan mo lang." Seryosong sabi ng Daddy niya habang nagbabasa ng newspaper.
Tamad na hinawakan ni Tinkerbell ang tinidor at pilit na kinain ang pancake.
Ito ang unang araw niya sa eskwela na hindi niya na makakasabay sa pagpasok at makakasama ng madalas si Clayton, Cole at sempre si Peter. This day will be boring without them, wala kasi siyang kaibigan at nakakasama buong araw sa school bukod sa tatlo kaya himalang tamad na tamad siyang pumasok. Noong enrollment nga, hindi siya makakaenroll kung hindi lang
siya pinilit ng mama niya.
"Dad, lipat akong school." She said while pouting. Nagpapacute at the same time nag papa-awa siya para pumayag sa gusto niya ang Daddy niya.
"Napag-usapan na natin 'yan. Tyagain mo na dahil huling taon mo na ito, sa susunod na taon makakasama mo na rin naman sa iisang university si Peter." Saad ng Daddy niya.
Alam na alam ng daddy niya ang dahilan kung bakit gusto niyang magpalipat ng school. Alam nila na mayroon siyang gusto kay Peter, but they are just shutting their mouth kasi wala naman silang problema doon at ayaw nilang panghimasukan kung sino ang nagugustuhan ng anak nila.
"But this day will be boring without them. Tsk!" Naiinis na sabi niya habang ngumunguya.
Inilipat ng Dad niya ang pahina sa binabasang newspaper.
"My sweetheart, try to make friends with other people. Hindi puwedeng kila Peter lang umiikot ang mundo mo, hindi habang buhay sila ang kasama mo." Sabi ng Daddy niya.
"But you already know it Dad, kinakaibigan lang naman nila ako dahil ang popogi ng mga pinsan ni Peter, they are using me." Depensa ni Tinkerbell sa ama.
Nailing nalang ang kanyang ama sa sinabi nito.
"You won about this argument, but I will not let you to transfer in another school my sweetheart." Sagot ng ama niya.
"Daaaaaad." Pagmamaktol niya.
Dumating ang mama niya na mayroong dalang gatas at kape para sa mag-ama, naupo siya sa gilid ng kabisera kung saan nakaupo ang asawa nito sa gitna.
"You always throw tantrums na naman Tinkerbell." Sermon sakanya ng mama niya.
"That's too much, my sweetheart." Ani naman ng Daddy niya sakanya.
"Finish your food, malelate ka sa first day mo." Saad ng mama niya sakanya.
"Yes po." Matamlay na sagot ni Tinkerbell.
Mabilis na kumilos si Tinkerbell para maligo at mag-ayos, pasado alas siete na kasi ng matapos siyang kumain. Aminado naman siyang may pagkamabagal talaga siya kumain lalo na't kapag oras ng almusal. Sa Daddy niya rin siya sasabay ngayon dahil wala ang kotse ni Peter para isabay siya school, paniguradong tulog pa ang isang 'yon dahil hindi pa naman simula ng klase nila. Ang alam niya, sa susunod na linggo pa mag uumpisa ang klase ng mga college. Sasanayin niya na ngayon ang sariling gumising ng maaga at walang Peter na maghahatid sundo sakanya sa pagpasok ng isang buong taon.
"Sweetheart, malelate na tayo!" Rinig niyang sigaw ng daddy niya mula sa ibaba.
Kaya mabilis niyang sinuot ang sapatos at nag madaling bumaba ng hagdanan kahit na hindi pa nakakasuklay.
YOU ARE READING
I'm only just your Tinkerbell
ChickLitTinkerbell is secretly in love with his bestfriend named Peter. They are cats and dogs but cannot lived without each other. One day, they are doing the things that "bestfriend" don't usually do. Until they caught. And Wendy, came into the picture. ...
