©pinaykimchii
Naramdaman kong mayroong maliliit na kamay ang humahaplos sa aking mukha at mga hagikgik ng kung sino.
"Wake up, Tita Tinkerbell." Boses bata na sabi ni Peter habang karga niya si Baby Kyle.
Napatayo ako sa gulat. Kinusot ko ang aking mga mata at nakita ko si Peter na nakaupo sa aking tabi habang karga-karga si Baby Ryle. Nakatayo naman sa hamba ng pintuan si Kuya Ryan na humahagikgik.
"Paano kayo nakapasok dito sa kwarto ko?" Gulat na tanong ko.
"Through doors, I guess?" Kunot noong sabi ni Kuya Ryan.
"Why are you so surprised? Hindi naman kami pinagbabawalan pumasok dito diba?" Nakangiting sabi ni Peter sabay halik sa pisngi ni Baby Ryle.
"Amina nga si Baby, baka malamog! Bumaba na rin kayo ha. Papaarawan ko muna si baby sa baba." Ani Kuya Ryan sabay kuha kay Baby Ryle.
Maingat naman itong binigay ni Peter. I pouted ng hindi ko siya nahalikan sa pisngi.
"Bumangon kana diyan! Maligo kana at hihintayin ka namin sa baba, let's eat breakfast together." Sabi ni Peter sabay tayo mula sa pagkakaupo sa aking kama.
"Dito rin kayo kakain ng breakfast?" Gulat ko paring tanong.
Tumango siya.
"Yup. Is there something wrong?" Aniya.
"Wala naman. Sino-sino kayo?" Tanong ko.
"Kuya Ryan, Cole, Diego and me. Wala si Clay, dahil may lakad daw. Wala rin si Kuya Dan, nasa office. Brian is still dead, lasing na lasing kagabi iyon." Ngisi ni Peter.
Tumango ako. Lumabas na siya ng aking kwarto. Pagkalabas niya ay agad din akong naligo para hindi na sila matagal maghintay sakin. Pagkatapos ay nagbihis ako ng simpleng maong short at tshirt na kulay itim.
Naabutan ko silang lahat na nilalaro si Baby Ryle habang kalong ni Kuya Ryan ang anak niya. Dumapo agad ang tingin sakin ni Peter at pinasadahan niya ang aking suot. Hmm. Maayos naman ang suot kong damit ah? Bakit niya pa tinitignan ang aking suot. May mali ba sa suot kong damit?
"Fucking asshole! Huwag mong lamutakin ang pisngi ng anak ko, Cole! Baby pa 'to." Iritadong saway ni Kuya Ryan.
"Kuya, stop cursing." Saway ko naman.
Napatingin silang lahat sakin.
"Kuya, dapat ay hindi ka nagmumura sa harapan ng anak mo. Sige ka, baka gayahin ka niyan kapag lumaki na si Baby Ryle." Sabi ko pa.
"You heard that, Daddy Ryan?" Tawa ni Diego.
"Affirmative, boss!" Ngiti ni Kuya Ryan sakin.
Hinawakan ni Cole ang kanyang tiyan. "Mag-breakfast na tayo. Ginugutom na ako."
Nagpunta kaming lahat sa dining namin para sabay-sabay na kumain ng almusal. Nadatnan namin doon si manang na nag-aayos ng lamesa para saming lahat.
"Kumain na kayo at baka lamigin ang pagkain. Maglalabas lang akong tinapay." Ani manang.
"Manang, saan po sila mommy? Hindi ba sila kakain?" Tanong ko.
"Maaga silang umalis, may meeting yata ang daddy mo at sinama ang mommy mo. Ideya ng mommy mong dito sila kumain para may kasabay ka." Ngumiti si manang at umalis para kumuha na ng tinapay.
Natigilan ako at napatingin sa mag pipinsan na nagsisimula ng kumain sa hapag kainan.
"Hindi ka pa ba kakain, Tink?" Tanong ni Kuya Ryan sakin habang sinusubuan si Baby Ryle ng parang oatmeal.
YOU ARE READING
I'm only just your Tinkerbell
ChickLitTinkerbell is secretly in love with his bestfriend named Peter. They are cats and dogs but cannot lived without each other. One day, they are doing the things that "bestfriend" don't usually do. Until they caught. And Wendy, came into the picture. ...
