©pinaykimchii
"Tink, nakausap kana ba ni Sir. Salazar?" Tanong sakin ni Terrence habang nakaupo kami sa bench tapat lang ng basket ball court.
"Hindi, bakit?" Sagot ko.
"Ang balita ko kasi nirecommend ka ng teacher mo dati noong high school ka kay Sir. Salazar." Anunsyo niya.
Tinignan ko siya habang kunot ang noo. Ano ba ang pinagsasasabi nito?
"Pinagsasasabi mo? Anong nirecommend? Saan?" Sunod sunod kong tanong. Tila naguguluhan.
Humigop muna siya mula sa softdrink na nakalagay sa plastic. Ganoon rin ang ginawa ko.
"Swimming." Maikling sabi niya habang nahigop sa straw.
Nanlaki ang aking mata.
"Hindi nga?" Gulat na tanong ko.
Tumango siya at tinuro kung nasaan ang faculty room.
"Nadinig ko lang kanina habang nasa loob ako ng faculty, may mga taga San Carlos kasi kanina doon. Nadinig ko na isa sa mga teachers ng San Carlos ay naging teacher mo noong highschool ka. Naghahanap sila ng magiging athlete para ilaban sa swimming competition." Aniya.
Mabilis na kumabog ang puso ko dahil sa binalita niya. Si Sir. Louis, nandito. Ang coach ko dati sa swimming class noong nag-aaral pa ako sa Sacred Heart School.
"Ano pang narinig mo?" Kuryoso kong tanong.
"Ayun lang naman. Nirecommend ka ng dati mong teachers at gusto ka nilang isali, alam yata nila na dito ka nag-aaral. Nag-agree sila Sir Salazar eh! It's for the sake of the university daw, naghahanap sila kada university ng isa o dalawang athletes na puwedeng ipanglaban." Patuloy niya.
"I'm not even an athlete. Marunong ako magswimming pero hindi ako athlete." Sabi ko sakanya.
"Ganoon na rin 'yon. Ikaw ah! Why so talented?" Aniyan at tumawa.
Sinimangutan ko siya. "Manahimik ka nga diyan! Para kang baliw kung tumawa."
"Pikon! Pero seriously, totoo 'iyong sinabi ko. And speaking of the devil." Aniya habang natatawa pa rin.
Siniko ko siya ng makita kong papalapit si Sir. Salazar sa kinauupuan naming dalawa ni Terrence.
Tumayo ako sa aking kinauupuan para batiin si Sir. Ngumiti siya pabalik sakin at bumaling rin kay Terrence na nakaupo. Masyado talagang bastos ang hinayupak na 'to. Hindi man lang tumayo para magbigay galang sa Professor namin.
"Sinadya talaga kita Ms. Pascual, may gusto sana akong sabihin sayo." Aniya.
Kumabog na naman ang puso ko. Alam ko na ang gusto niyang sabihin sakin, dahil chinismis na ito ni Terrence sakin pero mas gusto ko parin na marinig ito mula kay Sir.
Ngumiti ako. "Ano pong sasabihin niyo, Sir?" Magalang kong tanong.
Biglang nilagay ni Sir ang kamay sa kanang bahagi ng kanyang tenga. Bigla kasing nagsigawan ang mga estudyante at mostly puro babae, mayroon kasing laban ngayon ng basketball ang college of Engineering at college of Criminology. It's a friendly game match lang ito actually, pero almost ng students ay nanunuod kahit kaming dalawa ni Terrence.
"Mas maganda kung sa faculty na tayo mag-usap, Ms. Pascual. Hindi tayo magkakaintindihan kung dito tayo mag-uusap, masyadong mainit ang laban sa pagitan ng Engineering at Criminology." Aniya sabay ngisi.
Tumango ako at sumunod sakanya papuntang faculty. Nilingon ko naman si Terrence na nakasunod din ang tingin samin, may sinesenyas siyang hindi ko maintindihan .
YOU ARE READING
I'm only just your Tinkerbell
ChickLitTinkerbell is secretly in love with his bestfriend named Peter. They are cats and dogs but cannot lived without each other. One day, they are doing the things that "bestfriend" don't usually do. Until they caught. And Wendy, came into the picture. ...
