Naglagay ako ng simpleng make-up para kahit papaano ay ma highlight ang tingkad ng aking mukha. Pinabayaan ko naman na nakalugay ang aking buhok. Kahit paano ay kulot ang ilalim ng aking buhok, kahit hindi na ayusan dahil natural na may arte naman ang aking buhok.
Kinuha ko ang aking purse at nilagay ko doon ang cellphone ko. Bumaba na ako para makapunta na sa hotel kung saan gaganapin ang party.
"What are you wearing?" Matigas na tanong ni daddy pagkababa ko ng hagdanan.
Napatingin ako sa aking suot at sa suot nilang tatlo. Kumpara sa aking suot, silang tatlo ay napaka eleganteng tignan. Daddy's wearing a tux. My mom's wearing a gold evening gown and my sister is wearing a revealing red evening gown. And me? A plain white dress na pinang-sisimba ko pa.
What do they expect? Alam naman nilang hindi ako palasuot ng ganyang klase ng damit. Hindi din naman nila ako tinanong kung may susuotin ba ako o wala.
"A dress, dad." Sagot ko.
Dismayado akong pinagmasdan ni mommy. Si Wendy ay nakangisi lang habang pinapasadahan ang aking buong kasuotan.
"Party ang pupuntahan natin, Tinkerbell. Hindi tayo magsisimba! Hindi mo ba ito pinaghandaan?" Galit na sabi niya.
Napayuko ako dahil sa kahihiyan.
"Kapag nakita ka ng board? Mga investors? Mga empleyado? Anong sasabihin nila samin? Sa suot mo?" Galit niyang tanong.
So, iniisip niya ang mga sasabihin ng ibang tao. In short, ayaw niyang mapahiya.
"W-wala akong pera pambili ng gown. And what's wrong with my dress? You bought this for me. It's my favorite! And I am comfortable with this." Sagot ko.
Hindi siya nakasagot. Pinigilan ko ang luhang gustong kumawala sa aking mga mata.
"Enough with this, Allan! Hindi tayo puwedeng malate. Let's go. Tinkerbell, halika na." Ani mommy at akma na siyang aalis nang magsalita si daddy.
"Don't you dare sit with us! Ayokong may mapag-usapan ang mga tao doon. Doon ka uupo sa mga kasama mong OJT's! Understand?" Galit na saad ni daddy.
"Allan!" Suway ni mommy.
"You're so hard on her, dad." Ani Wendy pero may himig na pang-uuyam sa boses niya.
Tinatagan ko ang aking sarili. Matapang akong tumingin kay daddy ngunit nangingilid na ang luha sa aking mga mata.
"Don't worry, daddy. That's my plan. Wala po kayong dapat ikabahala." Sabi ko at nagpasalamat na hindi nabasag ang aking boses.
Tumalikod na siya para lumabas ng aming bahay. Sumunod sakanya ang nakangising si Wendy. Si mommy ay tinignan ako.
"Come on, Tink. Umalis na tayo." Yaya niya sakin at inabot ang aking kamay.
Pilit akong ngumiti sakanya at humakbang paatras. I saw pain and shock in her expression dahil sa ginawa ko.
"Mauna na po kayo. M-may nakalimutan ako sa itaas. Susunod ako doon." Nabasag ang aking boses kaya mabilis akong tumalikod para hindi niya makita ang luhang kumawala sa aking mata.
"O-okay." Saad ni mommy at narinig ko ang pag hakbang niya paalis.
Ako naman ay dumaretcho sa aking kuwarto para ibuhos ang sakit na nararamdaman ko.
Bakit ba ang arte ko? Simpleng bagay, nasasaktan na ako. Sanay naman na ako sa galit ni daddy pero bakit ang sakit sakit parin at hindi ko mapigilan na hindi umiyak? Everything that he said is killing me. It pains me. Tangina palagi nalang.
YOU ARE READING
I'm only just your Tinkerbell
ChickLitTinkerbell is secretly in love with his bestfriend named Peter. They are cats and dogs but cannot lived without each other. One day, they are doing the things that "bestfriend" don't usually do. Until they caught. And Wendy, came into the picture. ...
Chapter 32
Start from the beginning
