Chapter 9: Secret Place

Start from the beginning
                                    

After 45 minutes nakarating na din kami. 

Just wow! Anong lugar to? Bakit hindi ko alam to! Pero wait, parang nakapunta na ako dito. Grabe napaka peaceful dito. Greenland. Tapos may isang puno sa gitna. At may duyan doon. Tapos sa bandang gilid, may maliit na lake. Ang fresh ng air grabe. 

"Do you like it?" tanong saakin ni Lance, nag nod lang ako. 

"Tara doon tayo sa puno." aya niya saakin

"Sige ba!" tapos naglakad nakami papunta doon sa puno, grabe ang ganda dito. 

Umupo kami sa grass, for sure malinis naman dito. 

"Saan mo nalaman tong place na to?" tanong ko sakanya

"Sayo" sabi niya

"Huh?! Baliw, hindi ko nga alam tong lugar na to eh.' 

"Haha! Joke lang." 

"Psh! Saan mo nga nalaman tong lugar nato?" 

"Basta! Wala ng maraming tanong." ang sungit talaga neto. 

"Ang sungit mo! Eh paano natin magagawa ang activity ha?"  

"Ako na ang bahala doon." tapos ngumiti siya ng nakakaloko

"Ang yabang mo." 

Ilang minutes din walang nagsasalita saamin. 

"Marami kana bang sinama dito?" tanong ko sakanya. 

"Isa palang." 

"Ah, ganon ba? Sino?"

"Hindi mo kilala."

"Malamang hindi ko kilala, kaya nga tinatanong kita diba?" 

"Ang wifey ko." 

"Huh?" 

"Ang wifey ko lang ang dinadala ko dito" 

"Wifey? Wait." nakatingin lang siya saakin.

Wifey? Wifey? Wifey? 

"Aha! Nung binantayan kita, may nabanggit kang wifey. Sabi mo pa nga I missed you so much wifey." 

"Hindi nga?" sabi niya

"Oo nga, ang corny mo nga eh! Haha!" 

"Ah ganon?" sabi niya tapos kiniliti niya ako. 

"Wag ka! Ha-ha..ha! Tama na ano b-ba! I-sa! H-ha..ha!" 

"Sa susunod wag mo na akong tawagin na cornyi ha?"

"Opo! Hahaha!"

"Tsk!" 

"Sarap mong inisin eno?" 

"Psh!" 

"Doon lang ako sa duyan ha? Iwan muna kita diyan" sabi ko sakanya. Habang naglalakad ako papunta sa duyan, napatingin ako sa puno. May naka-hukit and nakalagay..

Hubby ♥ Wifey

at umupo na ako sa duyan. 

"Oy, tabi tayo. Swerte mo naman kung ikaw lang ang nagdu-duyan." 

Medyo malaki ang duyan, kaya kasya kami. Tumabi siya saakin. Ang layo ng tingin niya. 

"Uy, may problema kaba?" tanong ko sakanya. 

"Huh? Wala no." sabi niya. 

"Nakita ko ang naka-hukit sa puno. Hubby love Wifey. Wow naman pre, sweet natin ha? Hahaha!" 

"Tsk. Wag ka nga." 

"Mahal na mahal mo talaga yung wifey mo no?" sabi ko sakanya. Tumingin siya saakin. 

"Sobra" sabi niya habang nakatingin saakin. Medyo nailang ako. Kaya umiwas ako ng tingin. 

"Swerte ng wifey mo ha, may sweet na hubby na katulad mo." 

"Swerte din naman ako sakanya." sabi niya. 

"Ilang years na kayo?" tanong ko sakanya.

"Supposedly, dapat  mag to-two years na." 

"Supposedly? Break na kayo?" 

"Not really, I don't know. But for me, hindi pa kami break. Pero mahirap ng ibalik. Nakalimutan na niya ako." nakaramdam ako ng lungkot para sakanya. 

"Wag kang mag-alala, may mahahanap ka pang iba na hihigit pa sakanya." 

"Para saakin, wala ng ibang babae na hihigit pa sakanya. Naniniwala ako na, siya ang babaeng nakatadhana para saakin." 

Ang swerte ng babae kung sino man siya, pero wala siyang konsensiya. Kinalimutan na niya si Lance? Isang malaking kagaguhan  iyon. 

Ilang minuto din na tahimik kaming dalawa.

--

"Hey, wakeup" may tumatapik sa pisngi ko. Minulat ko ang mata ko. Nasa harap ko si Lance, at nasa harap narin kami ng mansion namin. 

"Hala, nakatulog na pala ako. Sorry. Sorry."

"No, it's okay. Mukhang napagod ka." sabi niya. Niyayaya ko siyang pumasok, pero next time nalang daw dahil may bibilhin daw siya. Nag thank you lang ako at pumasok na sa loob. Naabutan ko ang apat kong kuya na nanonood ng basketball sa living room. 

"Where have you been?" tanong saakin ni kuya Pierce. 

"Uh, may activity kaming ginawa kuya. Ka partner ko si Lance." 

Hindi na sumagot si kuya Pierce. Pumasok nalang ako sa kwarto. I did my night routine, tapos humiga na ako. May nahawakan akong maliit na enveleope. Huh? Ano to? Binuksan ko iyon at, halos atakihin nanaman ako sa nakasulat doon, sino ba ito? Gusto ko na talagang malaman kung sino!

"I want to hug you, but I can't. I really miss you so much.." 

-H


My Four BrothersWhere stories live. Discover now