Chapter 6: Nurse

6K 249 31
                                    

Sofiya Alexandria Bliss POV

Argh! Hindi ako makatulog! Nakakainis naman kasi si Lance, may pahabol pa siya kanina sa parking!

FLASHBACK

"Fuck! Fine, you look so beautiful the whole day!"

Yan ang sabi niya tapos mabilis na sumakay sakanyang sasakyan at umalis

What did he just say?

You look so beautiful the whole day..

You look so beautiful the whole day..

You look so beautiful the whole day..

Kyaaah! Wait, what is going on?! Hindi ako kinikilig, hindi ako kinikilig! Pero shemay naman, kinikilig talaga ako!

*Beep!* *Beep!*

"Alexandria! Let's go, it's getting late!"

Bakit ako kinikilig? Kyaaa!

"Ouch! Aray! Kuya Eauen naman eh, bakit ba?!" pitikin ba na naman ang noo ko, ang sakit kaya.

"Sabi ko, it's getting late kaya umuwi na tayo."

"Yun lang pala sasabihin mo tapos pinitik mo pa noo ko, ang sakit kaya!"

"Haha! Eh wala ka sa pagkatao mo eh! What's wrong with you?"

"Hmm, nothing."

"Your face is red. Are you not feeling well?" sabi niya tapos tinapat niya sa noo ko ang likod ng kamay niya

"No, I'm perfectly fine. Let's go?"

END OF FLASHBACK

--

It's Sunday, wala ang mga kuya may lakad silang lahat. Suddenly may kumatok sa kwarto ko, tumayo ako at binuksan 'yon. Si manang lang pala.

"Oh manang bakit po?"

"May tumatawag, galing sa Hermoso's Mansion" kinuha ko ang telepono. Hermoso? Hermoso si Lance diba?

"Hello?" tanong ko

["Hello Sir Kenshin si Manang Melda ito."] natatarantang sabi niya

"Ah, eh. Wala po si kuya Kenshin, kapatid niya po ito ako po si Alexandria. Bakit po?"

["Ah, eh Ma'am Alexandria pweding pakitulungan niyo po kami. Inaapoy po ng lagnat si sir Lance eh ayaw naman niya po kaming papasukin sa kwarto niya, tinanong po namin siya kung gusto niya dalhin na namin siya sa hospital pero ayaw niya."]

"Ha?! Sige po pupunta na ako diyan. Saan po ba sila nakatira?" tanong ko

["Hindi niyo po alam?"]

"Hindi po." Sagot ko, sinabi na niya ang lugar at binababa ko na ang cellphone ko. Nag pantalon lang ako at nag t-shirt kinuha ko na ang susi ng kotse ko at dumeretso na sa mansion nina Lance

"Ma'am buti po nakarating po kayo. Tara na po sa kwarto ni ser"

(Now playing: Ngiti by Ronnie Liang - this is optional guys)

"O sige po manang." sumunod lang ako sakanya, ang laki ng bahay nila Lance. Malaki ng kaunti kesa sa amin. Pero halos magkasinglaki lang naman. Huminto kami sa tapat ng isang pinto, I guess ito na ang kwarto ni Lance. Hindi na kumatok si Manang dahil alam naman daw niya na hindi naman bubuksan ni Lance ang pinto. Binuksan niya nalang ito gamit ang susi. May mga naka sunod pala na maid saamin, may dala-dalang tray na may pagkain specifically hot soup with some sea shells noodles at tubig at mga medicines. Kinuha ko ang tray at pumasok sa loob. Nilapag ko muna iyon sa isang mini table.

My Four BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon