Chapter 9: Secret Place

5.1K 199 57
                                    

Sofiya Alexandria Bliss POV

Sino ang may gawa nito? Bakit niya ginawa ito? Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Inuulit kong binabasa ang naka hand written sa papel..

"You're so near, yet so far. I miss you so much."

-H

Hindi ako mapakali! Gusto kong malaman kung sino ang may gawa nito. Wala akong idea. Si Aldrin? No, baka hindi siya. Pero may percent na siya ang may gawa nito. Pero ayokong mag assume na siya. Si Lance kaya? Hala bakit nabanggit ko ang unggoy na yon? Baka may secret admirer ako. Ang haba naman ng buhok ko.

--

Nandito na ako sa classroom. Umupo na si Aldrin sa tabi ko. Mag mula daw ngayon, katabi ko daw dapat siya. Nandito na din si Lance sa right side ko, himala maagang pumasok ito.

"Aldrin?"

"Hmm? Miss mo ko?"

"Baliw! Hinde no."

"Sayang, oh bakit may problema kaba?"

"Wala naman. Pero may itatanong ako sayo."

"Itatanong mo ba kung gusto kita? Oo naman!" binatukan ko siya.

"Umayos ka nga, ayan kana nanaman. Tss. Wag na nga lang."

"O sige na, seryoso na."

"Ikaw ba ang nagbigay ng mga flowers saakin?"

"Oo. Bakit?"

"Bakit ang dami mong binigay? Bakit mo ako binibigayn ha?" tanong ko sakanya. Kumonot ang ulo niya.

"Madaming binigay? Edi, marami na pala ang 1 bouquet of flowers ngayon?"

"Huh?"

"Diba, isa lang ang binigay ko sayo kahapon?"

"Eh bakit sinabing mong OO?"

"Eh sabi mo kasi nagbigay ng flowers?"

"Ng mga flowers. Hindi ng flowers."

"Ah, so marami? Hindi ako yon. Wag kang mag-alala, sa susunod pupunuin ko ng bouquet of flowers ang mansion niyo, para matalo ko ang ginawa ng lalaking yon sayo."

"Hay nako, bahala ka na nga Aldrin."

"Sama ka saakin mamaya?" sabi niya

"Saan naman?"

"Sa music department."

"Mag gigitara tayo? Sige ba!"

"Ayun! Oo mag gigitara tayo!" sabi niya, tapos ginulo niya ang buhok ko.

--

Music Department

Naka-upo kaming dalawa, magkatapat kami sa mga single chair. Tinuturuan niya ako. 

"Gusto mo mag piano?"

"Bahala ka sige"

"Tara doon tayo, nakakasawa na ang gitara haha!" 

"Nagsasawa na rin siya sayo no! Tss."

Tumawa lang siya, umupo na kami sa piano chair, pwede naman pang dalawa ito. Tinuturuan niya ako. 

"Wow! Ang galing ko na! Haha!" sabi ko sakanya, siya nakatingin lang siya saakin. Napatingin din ako sakanya.

Unti-unti lumapit siya saakin. Shet! Hahalikan niya ba ako? Nararamdaman ko na ang hininga niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko, ito na. 

My Four BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon