Chapter 1: My Four Brothers

9.9K 264 25
                                    

Sofiya Alexandria Bliss POV

"Splassssshhhh!"

Napabalikwas ako ng bangon.

"Hahahahaha!"

"Hahahahaha! Ayos bro!"

Napatingin ako sa mga tumatawa. Grrr!

"Kuya Kenshinnnnnn!" tawag ko kay kuya Kenshin na hanggang ngayon tumatawa na may hawak na pitcher, katabi niya si kuya Eauen na tumatawa din. Mga bwiset talaga ang sarap ng tulog ko, buhusan ba naman ako ng malamig na tubig?! Aish!

"Hahahaha! Grabe! Priceless mukha mo Bliss! Hahaha!" sabi ni kuya Kenshin

"Hahahaha!" -kuya Eauen

Humanda ka talaga saakin kuya Kenshin! Argh! Tumayo ako tapos tinignan ko ng masama si kuya Kenshin na hindi padin tumitigil sa kakatawa. Tumakbo ako palapit sakanya, tumakbo na din siya palabas sa kwarto ko habang dala-dala niya parin yung pitchel. Hinahabol ko siya, malapit na lang maabutan ko na siya.

"Waaaa! Manang! Manang! Tulungan niyo po ako! Hinahabol ako ni Bliss! Waaaaa! Manang!" sigaw niya kay Manang na nasa dining table, habang inaayos yung breakfast namin, iniikutan namin ang dining table.

"Sige magsumbong ka hangga't kaya mo!" sigaw ko sakanya

"Tse! Panget! Waaaa! Manang tulungan niyo po ako!" sigaw niya ulit, na hangga ngayon iniikutan parin namin itong dining table. Medyo nahihilo na ako. Ikutin mo ba naman ng ilang beses to?!

"Ano ba?! Bakit ang ingay niyo?!" napatigil kami sa kakatakbo ng sumigaw si kuya Pierce katabi niya si kuya Eauen at Kuya Alfon na tawa ng tawa, pero si kuya Pierce seryoso yung mukha niya.

"Paano naman kasi! Ang sarap ng tulog ko ng biglang binuhasan ako ng malamig na tubig ni kuya Kenshin!"

"Hahahahahaha!" sabay na tawa nilang apat. Argh! Nagkampihan nanaman sila. Tumalikod na si kuya Pierce saamin, pero bago siya makatalikod. Tumalon ako sa likod niya.

"Ang sama mo kuya! Akala ko pa naman kakampihan mo ako! Kainis ka kuya!" sigaw ko sakanya habang pinapalo yung likod niya.

"A-aray! A-ano ba! Bumaba ka nga! Mahuhulog ka niyan eh! A-aray!" patuloy pa parin ako sa paghampas sakanya.

"Kainis ka kuya Pierce!"

"Hahaha! Buti nga sayo!" sabi niya.

"ARAYYYYYY!" kinagat ko yung tenga niya. Tapos bumaba na ako. Napatingin naman ako sakanya na hawak-hawak niya parin yung tengang kinagat ko

"Isusumbong kita kay Mommy!" sigaw niya saakin.

"Tse! Buti nga sayo!" sigaw ko rin sakanya!

Napatingin naman ako sa likod, at ayun tawa ng tawa yung tatlo. Nung nakita nilang nakatingin ako sakanila tumgil sila sa kakatawa tapos tumingin sa ibang direksyon na parang walang nangyari. Si kuya Alfon, nag whi-whistle, si kuya Kenshin naman nakatingin sa taas na. Si kuya Eauen naman nakatingin sa kanyang mga kuko. Mga baliw talaga!

"Halina kayo! Kumain na kayo ng almusal ninyo!' sigaw ni Manang mula sa dining area.

Nauna na akong naglakad. Pero ramdam ko parin na tumatawa yung apat, mula sa likod ko. Tumingin naman ako ng masama sa kanila tapos ayun nakatayo habang walang expression na nakatingin saakin. Tss! Nagpipigil lang sila ng tawa. Dire-diretso na akong umupo, nagutom ako sa kakahabol kay kuya Kenshin.

"Hoy! Pagkatapos niyong kumain. Magsi-ligo na kayo, baka ma late kayo. Hoy ikaw, Eauen! Pumasok ka! Isusumbong kita kay Daddy kapag hindi ka pumasok." sabi ni Kuya Pierce.

"Yes naman bro, syempre papasok ako! Ako pa? Running for Summa Cum Laude kaya ako!" sigaw ni kuya Eauen, tss ang yabang talaga.

"Ang yabang mo gago!" sigaw ni kuya Alfon

"What is the problem?" tanong niya. Hindi nalang sinagot ni kuya Alfon ang tanong. Pa english-english pa siya

Kinuha ni kuya Kenshin ang pitchel, tapos ngumiti ng nakakaloko kina Kuya.

"HAHAHAHAHA!" tawa nilang apat.

"I hate you kuya Kenshin!"

"I love you too baby girl! Hahaha!"

Tumayo na ako at dumeretso sa kwarto ko dinig ko parin yung tawanan nila. Mga baliw talaga. Pumasok na ako sa bathroom tapos ginawa ko na ang morning routine ko. I'm wearing my mint green short, plus a plain black v-neck shirt and for my shoes I were my white low top converse. Oh! Hindi pa pala ako nagpapakilala, My name is Sofiya Alexandria Bliss S. Morisson. 17 years of age. 1st year college in West High University. Taking Business Management. Sina mommy at daddy naman may business trip sa Amsterdam. Pero atleast, may tumatayong mga magulang saakin kapag wala sina mommy at daddy.

Alam niyo kung sino yung mga tumatawa mula kanina? Yun yung mga baliw ko apat na kuya. Ever since loko-loko na sila.

Pierce Kai S. Morisson

Alfon Clark S. Morisson

Eauen Charles S. Morrison

Kenshin Flip S. Morisson

Ayan ang apat kong mga loko-lokong kuya.

I grabbed my body bag and I go downstairs. Nakaupo silang apat sa salas, habang nanunuod ng basketball. Ako nalang pala ang hihinatay. Napatingin naman sila saakin, tapos ilang saglit lang ang sama na ng tingin nila saakin.

"Why?" curious na tanong ko.

"Sino may sabi magsuot ka ng short?" seryosong tanong nilang apat saakin.

"Ha? Ah..eh.. A-ako?"

"Tch! Go changed that stupid short of yours! So short! Tch!" reklamo ni kuya Eauen

"Psh! Malamang maikli! May short bang hanggang paa?!" tanong ko.

"Psh! Magpalit kana ng jeans. Dalian mo! Ma lelate na kayo eh! First day na first day late kayo?" sabi ni kuya Pierce. Oo nga pala, graduated na si kuya Pierce.

Bumalik na ako sa kwarto ko tapos, nagpalit ako ng maroon skinny jeans. Ayaw talaga nilang nagshoshort ako. Ewan ko ba sakanila!

Bumaba na ako.

"Okay na ba ito mga kuya?" sarcastic na tanong ko.

"Yeah, much better" sabay na sabi nilang apat.

"Tara na!" sigaw ko, nagsitayuan na sina kuya Alfon, kuya Eauen at si kuya Kenshin. Si kuya Pierce mamaya palang papasok sa trabaho niya.

Lumapit ako kay kuya Pierce. "Bye kuya Pierce! I love you!" sabi ko sakanya tapos hinalikan ko siya sa cheeks.

"Bye, baby! I love you too! No to suitors okay?" sabi ni kuya Pierce.

"Aye! Aye! Sir!" sabi ko, napatawa naman siya tapos kiniss niya ako sa ulo.

"Hoy aswang! Dalian mo!" sigaw ni kuya Kenshin saakin.

Tumakbo na ako. "Bye kuya Pierce!"

Pumasok na ako sa sasakyan. Si kuya Alfon ang nagdadrive katabi niya si kuya Eauen sa harap.

"Bakit ba ang tagal mo?" tanong ni kuya Kenshin na siyang katabi ko.

"Ewan ko" sabi ko.

"Aish!" sigaw niya tapos umakbay saakin.

"Hoy! Ikaw! Wag ka munang magpapaligaw ha?! Anong sabi namin sayo nila kuya?"

"Psh. No to suitors" sabi ko.

"Good!" sabay na sabi nilang tatlo tapos ginulo naman ni kuya Kenshin ang buhok ko tsaka hinalikan sa ulo.

Ilang minutes bago kami makarating sa West High. This is it, kinakabahan ako. Syempre College na ako ngayon. Bumaba na kami sa sasakyan.

"Good luck baby girl!" -sabay na sabi nilang tatlo saakin.

"Thanks, mga kuya!" tapos nag group hug kami.

My Four BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon