Chapter 16: Harold

4.2K 193 23
                                    

Sofiya Alexandria Bliss POV

"Sofiya, nag review ka ba para sa prelim exam niyo today?" tanong ni Kuya Pierce saakin, nag bbreakfast lang ako kasama ang apat.

"Yes kuya, last night."

"Good. How about the three of you?"

Walang sumagot. Kumakain lang sila.

"Kenshin. Eauen. Alfon. Sagutin niyo tanong ko."

"Oo kuya, nagreview kami. Nag group study kami kagabi, kaso tulog kana, sayang." sabi ni kuya Kenshin habang yung dalawa naman tumatawa ng mahina.

Napa iling nalang si kuya Pierce, dahil kahit anong sermon niya sa tatlo hindi sila magtitino, si Lolo Marcial lang ang nagpapatino sa apat, takot lahat kami kay lolo. Father siya ni Daddy. Nasa US sila Lola and Lolo, malakas pa sila, sila parin ang naghahandle sa company nila.

Nasa school na ako. Umupo nalang ako sa upuan ko.

"Hi, alex! Tagal nating hindi nagusap ah?" sigaw ni Aldrin habang papalapit saakin.

"Oo nga eh, kumusta ka naman?"

"Ayos lang naman, eto miss na miss kana."

"Baliw ka talaga kahit kailan haha!"

Nakita ko nalang na nakaupo na si Lance sa upuan niya. Naka earphones lang siya.

"Alex? Alam mo ba paano i solve to?" tanong ni Aldrin habang pinapakita saakin yung problem.

"Sige sige."

Tinuro ko lang sakanya kung paano solve yon. Mukhang seryoso naman siya.

"So dapat, x ang sagot mo. Nakuha mo ba?"

"Medyo?"

"Bigyan pa kita ng isang problem."

"Sige sige."

Nagsulat ako ng isang problem. Sinosolve na niya iyon.

"Hey."

"Oh Lance bakit?"

"Lapit ka dito."

"Huh? Bakit?"

"Basta lapit mo nalang upuan mo."

"Bakit nga?"

"Ay ang kulit!" sabi niya tapos hinila nalang niya ang upuan ko papalapit sakanya.

"Bakit ba?!"

"Bakit mo ako sinisigawan? Sige balik kana lang sa pwesto mo kanina." sabi niya na parang nagtatampo. Anong klaseng tao to?

"Ano ba kasi yon?"

"Wala."

"Ano nga yon?"

"Wala, hayaan mo na. Balik mo na upuan mo don."

"Laki ng problema mo ah? Hinila-hila mo ako tapos wala ka naman sasabihin? Ay nako Lance." babalik ko na sa yung upuan kung saan ako kanina kaso hinawak ni Lance yung upuan para hindi ako makaalis. Tinignan ko lang siya ng masama.

"Sorry. Papat-turo din sana ako s-sayo. Pero parang ayaw mo ata eh."

"Sus yun lang pala, nagaway pa tayo."

"Oh sorry na, bati na tayo. Turuan mo na ako."

Tinuro ko lang sakanya kung ano yung pinapaturo niya saakin. Hindi ko alam kung nakikinig ba siya or what.

"Alex? Tama ba tong pagka-solve ko?"

"Hindi mo ba nakikita aldrin, nagpapaturo ako?"

Tinignan ko ng masama si Lance.

"What?"

Hinarap ko nalang si Aldrin at tinignan yung sinagutan niya. Dumating na yung prof na magbabantay saamin.

Umuwi na kami nila kuya. Nasa sala lang kami habang nanonood ng movie. Nandito din si Lance. Niyaya siya nila kuya. Si kuya Pierce wala pa, mamaya palang uuwi yon.

Magkatabi kami ni Lance. Seryoso lang siyang nanood. Minamasahe ko lang yung palad ko, dahil ilang gabi ng sumasakit ito.

"Anong ginawa mo?"

"Huh?"

"Anong ginawa mo sa palad mo?"

"Eh masaket kasi. Ewan ko ba napano to."

"Akin na nga." sabi niya at biglang kinuha ang kamay ko at minasahe niya yon. Medyo nailang ako dahil baka makita kami nila kuya. Mga 15 mins niyang minamasahe ang palad ko.

"Salamat." hindi man lang siya ngumiti or what, tinignan niya lang ako tapos binalik na ang tingin sa TV. Dapat na ba akong masanay sa kaibigan ko na to?

Bumukas bigla lang ang pinto. Bakit ang aga ni kuya Pierce?

"Nandiyan na ba si Alex?"

"Yes kuya, I'm here." tumayo ako at lumapit kay kuya.

May pumasok na isang lalaki. Ang gwapo niya! Pero baka katrabaho ni kuya pierce ito?

"Alexandria. Do you remember him?"

"Huh? N-no?"

"I'm Harold"

Harold? Harold? Wait siya ba yung nagmessage na akala ko wrond send lang? Omg!

"Wait. What? Ikaw ang nag message saakin last 2 days?"

"Yes, the one and only."

"Ngayon palang kita nakita." sabi ko. As in ngayon ko palang siya nakita, sino ba tong lalaki na to. Tumingin ako kay kuya Pierce na parang nagtatanong.

"You guys are really best friend noong bata kayo."

"Huh?"

Pinalobo ng lalake yung pisngi niya at hinila ang mga tenga niya.

"Omg! Monkey?!"

"Finally!"

"Monkey is that you?! Omg ang payat payat mo na!!!"

"Ayos ba?"

"Sht. I can't believe it!"

"Ikaw ah, nakalimutan mo na ang monkey mo."

"I'm sorry! I haven't seen you in such a long time! Almost 10 years! Ikaw na pala yan Harold!"

Si Harold/Monkey ang nagiisa kong best friend. Simula bata palang super close na kami.

"I miss you!" sabi niya at niyakap ako.

"Grabe miss din kita!"

"Dito siya mag sstay ngayong gabi. Sasamahan ko muna siya sa guest room."

"Sige kuya."

"Wait lang ha?" sabi ni Harold.

"Yes sure!" umakyat na sila.

"Tss. Bat nandito yon?" tanong ni kuya Alfon

"Bakit? Masama ba?"

"Ayoko yon." sabi ni kuya Alfon

"Hello?! Kuya best friend ko siya since I was a little."

"Whatever." sabi niya at tumayo at lumabas.
"Problema non?"

Tumayo si Lance at lumapit saakin.

"Aalis na ako. Have fun talking to your monkey." 
















My Four BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon