Chapter 9: Secret Place

Börja om från början
                                    

Booogsh! 

"Ay!" sigaw ko. 

Grabe, may parang nabasag or something. Grabe lang, muntik na akong halikan ni Aldrin! Napatingin naman ako kay Aldrin, parang napapatawa siya. 

"Tara na nga! Baka may makakita pa saatin, baka akala nila may ginagawa tayong masama dito."

Hindi na lang ako sumagot, dumeretso nalang kami sa classroom. After ilang minutes pumasok na ang prof. May gagawin daw na activity. Hahanap daw ng magandang lugar na malapit lang sa West High university, basta daw hindi daw lalayo ng mga one hour.Tapos e-explain kung bakit iyon ang napiling lugar. By partner daw. Sino kaya kapartner ko? Sana si Kylie nalang. 

"By partner to ha? Boy and a Girl of-course" 

The hell? Boy and a Girl? Sino naman ang makakpartner ko? Sana naman matino. 

"Okay, settle down now. I will announced the partners" 

"Jhuel and Jean"

"JC and Jaziel"

"Kenji and Elaine" 

"Marion and Andrea" 

"Dave and Sarah" 

"Lee and Rencee" 

"Al and Leah" 

And so on..

"Stephen and Krysna" 

"Kylie and Aldrin"

"And last" sabi ng prof

"Lance and Alexandria" 

"Ma'am! Pwedi po bang kaming dalawa nalang po ni Alexandria?" sigaw ni Aldrin

"Ayyiee!"

"Yes naman!" 

Hiyaw nila. Pagdating sa love team love team, gising sila. Tss, bahala sila sa buhay nila. 

"I'm sorry, Mr. Buenavista. Bawal ng palitan ang kapartner." 

"Sayang!" sabi ni Aldrin

"Okay, may 3 hours kayo para gawin ang activity! For sure naman may mga sasakyan kayo diba? Mas okay na isa nalang ang gamitin niyong sasakyan ng partner niyo. Take care of your partner and take care of yourselves. Nagkakaintindihan ba tayo guys?" 

"Yes prof!" sigaw namin. 

Lumapit saakin si Aldrin. "Uy! Sayang hindi kita kapartner." 

"Okay lang yan. Mag ingat kayo ha? Ingatan mo si Kylie ha?" sabi ko sakanya. 

"Aye! Aye! Sir!" sabi niya saakin. Humarap naman siya kay Lance "Pare, ingatan mo ang nililigawan ko ha?" sabi niya kay Lance, binatukan ko siya. 

"Baliw ka talaga eno?" sabi ko sakanya. Tumawa lang siya, tsaka lumbas na sila ni Kylie. Kaming dalawa nalang pala ang naiwan sa classroom. Nagsi-alisan na sila, excited sila masyado. Psh. 

"Tara na?" aya saakin ni Lance. Bakit ang tahimik ata nito? 

"Huh? Sige." sabi ko at lumabas na kami. 

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sakanya, habang naglalakad kami sa hallway

"Basta, sunod ka nalang saakin. Huwag kang maingay."

"Ang kapal mo oy, hindi ako maingay no psh!"

Nakarating nakami sa parking lot. Hindi ko naman dinala ang sasakyan ko kaya, sasakyan nalang niya ang ginamit namin. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hindi ko nalang siya tinanong, ang sabi niya kasi siya nalang daw ang bahala. 

My Four BrothersDär berättelser lever. Upptäck nu