"H-Hindi ah.!" pagkakaila ko.

Biglang hinatak ni Kenneth ang kamay kong nakatakip sa bibig niya.

"Anong hindi? Eh diba crush ka niya kaya lagi siya sa bahay?" wika nanaman ng kapatid kong chismoso.

"Really?" hindi ko alam bakit ako kinakabahan sa mga tanong ni Sandro. He's like a detective trying to interrogate me with his stare. Nakakataas balahibo.

"Uhhh.." Hindi na ako makasagot. Nacorner na ako ng mga mata niya. Pasimple akong kumamot sa ulo ko at ngumisi na akala mo totoo.

"Kung liligawan ba kita? Okay lang din sayo?" nabura ang ngiti ko sa sinabi niya.

"Ha!" gulat ko at halos lumuwa ang mata ko sa narinig.

"Think of it. I can wait." matipid niyang sinabi at nauna ng lumakad sa amin. Humabol sa kaniya si Kenneth habang ako hindi makagalaw sa kinatatayuan.

Did he just confessed?

Humawak ako sa dibdib ko. Halo halong emosyon na hindi ko mapakawalan. Sandro likes me?

--

Wala ako sa sarili na nakauwi ng bahay. Pagbukas ko palang ng gate ay nagtatakbo na si Kenneth papasok sa bahay. Hindi na ako nakapagpaalam kay Sandro dahil gumulo ang utak ko sa bigla niyang pagtatanong kanina.

But he said, he can wait?
Ano ba dapat ang maramdaman ko? Kiligin.

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ko na pakiramdam ko ay mapulang mapula pa din hanggang ngayon..pati ang dibdib ko na akala mo may kabayong itinatakbo ang puso ko.
Nakakabaliw.

Una si Zion and now, Sandro?
This is crazy.

Binuksan ko ang front door habang hawak ang bag ng kapatid ko.

"Ma?" huminto ako nang makita siya sa sala at tahimik. Nagtataka ako sa kinikilos niya. Kapag uuwi ako, nasa kusina palang I'll heard her voice pero ngayon, she seems gloomy. Nilapag ko ang mga bag na dala ko sa sofa at lumapit sa kaniya kahit hindi pa ako nakakapaghubad ng sapatos.

"Ma? Nakauwi na ako." mahina kong wika at humalik sa noo niya." You okay?" sunod kong sinabi. Humawak siya sa braso ko. I felt her trembling.

"Your dad wasn't at school. Ang sabi ni Jeremy umuwi na siya. Pero pag uwi ko. Wala siya." parang naluluha na si Mama habang nagsasalita. Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan siya sa dalawang tuhod niya.

"Baka may pinuntahan lang si Papa." pagpapakalma ko sa kaniya.

"I guess so. He was so guilty on hurting you. He was crying." nagulat ako. Papa is crying? Pero hindi siya ang taong tipong iiyak.

"Ma, may kasalanan din naman po ako." wika ko.

"Alam ko. Pero anak, patawarin mo na ang Papa mo. He just wants the best for you. Wala siyang intensiyon na masaktan ka." namumuo na ang mga luha niya pero pinipigilan lang niya.

"Opo Ma." sagot ko pero sa loob ko ay parang ang hirap. Ayoko lang mag aalala si Mama kaya't sumang -ayon nalang ako sa mga sinasabi niya.

"Uuwi din si Papa." wika ko at niyakap siya. Lalo akong naiinis kay Papa. Pinag aalala niya si Mama. Hindi niya alam kung gaano kabado si Mama at takot kapag nawawala siya na parang hindi na siya uuwi sa tuwing nagkakaproblema sila. Ganito ba siya humarap sa problema? Tinatakasan niya? Paano siya naging haligi ng tahanan kung ganyan siya?

Inasikaso ko ang pagluluto ng hapunan para sa amin. Habang si Mama ay nakaupo sa sofa malapit sa bintana at doon  ay nakalingon sa labas at naghihintay kay Papa. Nadudurog ako habang nakikita siyang ganon. Pabalik balik siya sa pagchecheck ng phone kung nag message si Papa. Wala ba siyang pakiramdam. Hindi man lang niya sabihin kung nasaan siya.

The Professor's Daughter ! ✔Where stories live. Discover now