"Aishhh... Nakakagigil naman tong si Master eh! ako pa talaga ha!"
naiinis na sabi ni Yena

*tinawanan lang namin sya hanggang sa makarating kami saaming bahay*

"Ingat ka sa pag-uwi mo Yena ha.."
nakangiti kong sabi sakanya

"Basta na hatid na kita ha..."
sabi naman ni Yena at tuluyan na syang umalis

*Agad na kaming pumasok sa aming bahay at nagdesisyon na magpahinga na sa aming kwarto*

"Good night! gisingin nyo nalang ako bukas ha!"
nakangiti kong sabi at pumasok na sa kwarto

'aishh bakit ba hindi ko pa rin maiwasang malungkot ha?'

*matapos akong makapaglinis ng aking katawan ay agad na akong humiga sa kama at isinapaw ko sa lamesa ang aking phone*

"Aishhh nakakapagod!"
sabi ko

*pagkapikit ng aking mga mata ay naalala ko ang sinabi ni Chaewon saakin kanina na ibinigay daw nya kay Jjaeyeon yung number ko*

'hindi kaya ni text nya ako? iba kasi itong phone kong gamit kasi nagbili kami ni Kangchan ng phone para dun kami lalaro since unsupported sa dati kong phone yung mga gusto naming games eh.... tsaka hindi naman alam ni Chaewon yung number nitong isa kong phone.... tama baka nga nag text sya!'

*agad akong bumangon at kinuha ko ang dati kong phone sa sulong ng table na malapit saaking kama*

"Andaming memories ko sa phone na ito..."
nakangiti kong sabi

'ito pa yung inagaw sakin ni Eunbi nung nag date kami sa mall tapos nagalit sya kung bakit ko daw ba ni silent.... buti nalang tinantanan na nya ako at mukhang gusto na nya si Nako..'

*napangiti na lamang ako sa naalala ko at binuksan ko na ang phone ko mabuti nalang at hindi ito lowbat kahit magiilang araw ko ng hindi ginagamit*

"Na...nag text nga si jjaeyeon...."
mahina kong sabi at agad ko ng ni click ang message nya

[ps:medyo bawas yung message ni Chaen kasi masyadong mahaba]

~       ~       ~       ~  


My Jjaeyeon
+639*********

》Kkura-ya! first of all gusto ko sanang mag-sorry sayo, nadala lang siguro ako pagka-selos ko kay kwangbae kaya sana mapatawad mo pa rin ako....
alam ko rin naman na nagkakamabutihan na kayo eh..
palagi ko kayong nakikita na masaya, tsaka infairness ha hindi kana ginugulo ni Eunbi kasi parang trip na nya si Nako!
So ayun since mukhang mission accomplished na tayo eh ibig-sabihin tapos na yung deal nating dalawa right? Siguro masaya kana kasi wala nang bakulaw na aaway, mangyayakap kahit di required, mang-gugulo at tatawag sayo ng bruha...ako kasi hindi masaya eh pero syempre wag mo nang isipin ako hehe (kahit alam kong hindi naman talaga)
Kaya naman hinahayaan na kita na makipag-relasyon kay Hyewon(wow parang kelangan ng permission ko eh di mo naman talaga ako jowa hihi),
sa nakikita ko naman eh gusto ka talaga nya at mukhang gusto mo na sya...
Kkura ko sana maging masaya ka palagi ha.. wag ka rin palang magagalit kay Yena kapag ihahatid ka nya kasi wala kang karapatanㅋㅋ
Ay sure naman akong palagi kang ihahatid ng jowa mong si kwangbae no? sorryyyy(2)
Sana hindi mo din nabalitaan ang nangyari kasi ok lang talaga ako!(di ko nga sure kung nagaalala ka! isa lang ang sure ko, nagbubunyi ka kasi mawawala na din sa wakas ang bakulaw ng buhay mo!)
opxss di nga pala ako parte ng buhay mo hehe sorry(3)
Isa lang ang masisiguro ko sayo... na nabago nang isang bruhang katulad mo ang buhay ng bakulaw na jjaeyeon na ito....
aish bwiset kalimutan mo na mga sinabi ko ha!
at sana din mag send pa tong message ko kasi sobrang haba na..
Masaya ako para sayo, sainyo ni kwangbae...
I will always be happy for you...
Sana ako padin yung jjaeyeon at bakulaw mo ha kasi ikaw lang talaga ang kkura at bruha ko eh!... aishh nevermind!
basta balitaan nyo nalang ako sa kasal nyo... sagot ko na pa foods tutal food is life naman jowa mo!ㅋㅋㅋ see you soon( kahit ayaw mo na akong makita) ㅅㄹㅎㅇ♡
sent 8:55pm yesterday

The Way I Love YouWhere stories live. Discover now