68. When I'm with him, I am Thinkin' of You

Start from the beginning
                                    

"I see. So I assume na ikaw rin yung nagpabago ng wedding songs namin ni Kit, tama ba?"

"Yeah ako nga, that's part of my plan." I confirmed. "May tanong ka pa ba?"

"Hmm last question Wayo.." naging seryoso yung expression ng mukha ni Pree.

Medyo kinabahan tuloy ako sa kung anong tatanungin n'ya.

"Ano yun?" I gulped.

"Gusto ko lang ng confirmation Wayo, totoo ba talagang handa ka nang papasukin ako sa buhay mo?"

Tinignan ako ni Pree sa mata kaya agad akong napabaling ng tingin sa ibang diresyon

Damn question..

Handa na nga ba talaga ako?

Well, gusto ko na rin talagang mag-start over with him. The only problem is, I still love Frank.

"Answer me Wayo.." hinawakan ni Pree yung baba ko at dahan-dahang hinarap yung mukha ko sa mukha n'ya.

I swear, pakiramdam ko'y malulusaw ako ngayon dahil sa eye contact naming dalawa.

"Bago kita sagutin Pree, pwede ko ba munang malaman kung anong naging reaksyon mo sa mga ginawa ko kahapon? Galit ka ba sa'kin?"

"Bakit naman ako magagalit? Silly. Ang tanging naging reaksyon ko lang ay saya at pagkagulat. Hindi na kasi talaga ako umaasa na dadating ka, I mean, ni-reject mo na ako 'di ba? Ang saya-saya ko Wayo dahil finally ay may chance na ako sa'yo.

Damn.

Pree really reminds me of Frank.

Ganyan na ganyan din ang sinabi n'ya sa'kin noong binigyan ko s'ya ng chance eh.

"I see.. Now my turn to answer.." huminga ako nang malalim bago nagsalita ulit. "Honestly Pree, ang main reason kaya ko ginawa ang lahat ng yun ay para turuan ng leksyon si Kit. Regards naman ng feeling ko para sa'yo, medyo unsure pa ako. Alam mo naman kasing 'di pa ako fully nakaka-move on kay Frank 'di ba? Pero ayun na nga, gustong-gusto ko na talaga mag-start over sa buhay ko and I wanna do it WITH YOU. Come to think of it kasi, ikaw lang yung never nawala sa ups and downs ng buhay ko. I hate the fact na kinontrol mo ang college life ko secretly, but because of that, napatunayan kong iba talaga yung devotion mo sa'kin. Pree, my feelings might be unsure but one think I'm certain is that I really wanna give 'us' a try."

Nanlungkot yung expression ni Pree dahil sa mga sinabi ko.

Hindi na rin s'ya nagsalita ulit or anything.

"Galit ka ba sa'kin?" I asked the obvious.

I really hate myself right now.

Tama si Doc Beam, I'm nothing but a beautiful disaster.

"I'm sorry Pree kung dinamay pa kita gayong unsure pa ako sa feelings ko. I'm really sorry."

Maiiyak na sana ako pero biglang natigilan dahil niyakap ako ni Pree.

"Galit? Never akong magagalit sa'yo Wayo, keep that in mind. Sorry kung 'di ako agad nakasagot, wala eh, pakiramdam ko kasi ay maiiyak ako dahil sa mga sinabi mo. Hindi ko talaga ma-absorb 'tong mga nangyayari Wayo.. Hindi ako makapaniwalang abot kamay na talaga kita after all these years na tinitignan lang kita sa malayo.. I love you!"

Damn this boy!

Ano ba talagang ginawa ko sa kan'ya at gan'to kalakas yung tama n'ya sa'kin?

"Salamat sa unconditional love Pree. Balang araw, mapapantayan ko rin lahat ng feelings na binigay mo para sa'kin."

This time ay ako naman ang yumakap sa kan'ya nang mahigpit.

I choose you, Pree.

•~•~•~•~•~•~•

ThirstyWhere stories live. Discover now