58. Off With Your Head, Now Slither Out the Door

1.8K 149 48
                                    

Survey: Malapit na bday ni Uncle Mew, may gusto ba magpasabay ng gift?

Pree's POV

"Sir Pree, tumawag po si Mr. Kritapon. Nagpa-appoint po s'ya ng meeting sa inyo at..."

Hindi na naituloy ng bagong secretary ko ang sasabihin n'ya dahil tinignan ko s'ya nang masama.

Don't get me wrong, hindi ko gustong sungitan s'ya or anything.

Sadyang lagpas na lang talaga sa threshold value ang stress levels ko ngayong araw kaya ayoko nang makarinig ng 'additional' workload mula sa kan'ya.

Pwera biro, buhat nung pumasok ako kaninang umaga ay hindi na ako napahinga dahil sa kaliwa't kanang appointments.

Katunayan nga ay hindi pa rin ako nakakapag-lunch kahit quarter to 4PM na ngayon.

Patapos na kasi ang fiscal year ng corporation kaya gan'to ka-busy.

Idagdag mo pa yung nalalapit na renewal of contracts ng mga partner companies namin kaya patayan na talaga ang schedule ko ngayon.

"Vinseth.." pinilit kong ngumiti para 'di tuluyang matakot 'tong bagong secretary ko sakin.

"I-cancel mo lahat ng appointments ko for today." kalmadong utos ko.

"Sir? Seryoso po ba kayo?" nanlaki ang mga mata n'ya dahil sa sinabi ko.

"Yeah, you heard me right. After that, pwede ka nang mag-early out sa trabaho kung gusto mo."

Pagkatapos ko s'yang bigyan ng instruction ay tumalikod na ko para magpatuloy sa paglalakad.

Gusto ko na lang umakyat sa office ko ngayon para magpahinga.

"Sir.. Hindi ko po pweding cancelin yung mga appointments n'yo. Lalo na po yung kay Mrs. Vitakroom, manggagaling pa po s'ya sa Japan."

Napatigil ako sa paglalakad dahil 'di pa pala sumusuko 'tong baguhan kong secretary.

Lumingin ako sa kanya sabay hawak sa balikat n'ya.

"Vinseth.. Sino bang boss mo?"

Napa-iwas s'ya nang tingin bago sumagot, "Kayo po Sir Pree.."

"Yun naman pala eh.. sundin mo na lang ang utos ko."

"Pero sir..."

"Wala ng pero-pero. Sabihin mo na lang sa kanila na inatake ako ng migraine ko. Huwag kang mag-alala, sila ang mag-a-adjust para sakin dahil kailangan nila ako."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin nitong secretary ko.

Mukhang natauhan naman na s'ya eh.

Kailangan n'yang maintindihan na isa sa mga pinakamakapangyarihang businessman ng Thailand ang boss n'ya.

*Penthouse (office)

Tuloy-tuloy akong naglakad nung makarating ako sa floor ng office ko.

Ni-hindi ko na nga pinansin yung sinasabi sakin ng office secretary ko bago ako pumasok sa pinto.

Gusto ko na lang talaga humiga sa bedchamber ng office ko para matulog.

"Pree..."

Napatigil ako sa paglalakad at agad napalingon sa direksyon ng office table ko.

Si babe.

Nakaupo s'ya sa swivel chair ko at may tinitignan na mga folders.

"Babe! Anong ginagawa mo dito? Akala ko busy ka?"

Lalapit sana ako sa kan'ya para humalik pero agad akong natigilan nung nakita ko yung dalawang folder na tinitignan n'ya.

Yung isang folder ay files ng case ni Wayo.

ThirstyWhere stories live. Discover now