6. My Suitor's Bestfriend

3.5K 248 255
                                    

Qm's Note: 100 votes / 200 comments for next update. (okay lang na tagalan nyo. Hahaha.)

Wayo's POV

*weeks later

"Hoy Kit! Wala ka ba talagang balak mag review?" bulong-sigaw ko dito sa bestfriend ko.

Vacant time ngayon at lahat ng mga classmate namin ay busyng nagre-review para sa weekly test namin sa parasitology.

Pero itong si Kit ay petiks lang.

Pangisi-ngisi lang sya sa harap ng phone nya.

For sure ay naglalandian nanaman sila ng fiancé nya sa LINE messenger.

Hindi kaya sila nagsasawa?

Like seriously, tuwing breaktime namin sa klase ay 'di ko na nakaka-usap nang matino 'tong si Kit dahil parating nasa phone ang attention nya.

"Ai'Yo, papakopyahin mo naman ako 'di ba? Walang sense kung magre-review pa ako." confident na sagot nya sakin.

Agad naman nagsalubong ang mga kilay ko dahil don.

"Kit, namimihasa ka na ha. Dati questions lang na 'di mo alam ang kinokopya mo sakin pero ngayon every itema na talaga!" nalakasan ko yung boses ko.

"Shhh Ai'Yo! Baka marinig ka naman nila." nguso nya sa mga classmate naming naka-upo sa harap.

Dito kasi kami naka-pwesto sa likod.

"Hay nako Kit, matagal na nilang alam na nangongopya ka sakin."

"Kahit na Ai'Yo, nakakahiya pa rin kapag sinasabi mo."

"Oh nahihiya ka pala pero ayaw mong mag-review? Atsaka paano ka papasa sa boards in the future kung wala ka naman natutunan dito sa university?"

Imbis na mag-worry ay bigla pang naging dreamy ang expression ng mukha ni Kit.

"Hindi na ako magbo-boards at 'di na rin ako po-proceed sa medicine kapag grumaduate tayo Ai'Yo. Ang sabi kasi sakin ni Pree ay gusto nyang mag-hands on na lang ako sa pag-aalaga ng mga magiging anak namin kapag kasal na kami."

Mahihiya ang Marianas trench ngayon sa lalim ng dimples ni Kit dahil 'di nya napigilang ngumiti sa mga sinabi nya.

"Anak? Big word! Feeling mo naman may matres ka?" sarcastic yung tono ko.

Inirapan ako ni Kit.

"Sinabi ko bang ako ang magdadala ng baby? Syempre sa surrogate mother. Parang ewan 'to!" he exclaimed.

Ay oo nga naman.

Bakit ba hindi ko naisip yon?

"Whatever Kit. Wag mong baguhin ang usapan. Mag-review ka na dahil 'di kita papakopyahin ngayon. Masyado ka nang nagpapabaya sa pag-aaral dahil sa lovelife mo na yan."

Sa wakas at naging worried din ang facial expression ni Kit.

"Ai'Yo grabe ka naman sakin! Pakopyahin mo naman ako please. Sa susunod na test na lang ako babawi..." pleading yung tono nya.

Umiling ako sa kanya.

"No." tipid na biro ko.

Kahit ano naman kasing mangyari ay 'di ko matitiis 'tong bestfriend ko.

Gusto ko lang talaga na mag-review naman sya kahit papano para magkalaman ang utak nya.

Masyado nya na kasing pinapaikot ang mundo nya kay Pree.

Paano na lang kung isang araw ay mag-away at maghiwalay sila?

Double-kill ang labas nya kapag nangyari yun.

ThirstyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora