46. My P and Nong

2.4K 216 334
                                    

Qm's note: 130v 300c for next chap! Good luck!

Frank's POV

Ako na ata ang pinakamasayang lalaki sa Earth ngayon!

Halos mapunit na nga ang pisngi ko dahil kanina pa ako ngiti ng ngiti.

Seryoso, hanggang ngayon ay 'di pa rin ako makapaniwala na akin na talaga si Wayo!

Gusto ko ngang magsisigaw ngayon dito sa bar at ipaalam sa lahat ng tao na official na kami!

Pero syempre 'di ko gagawin dahil alam kong magagalit sakin si Yo.

"Sir Frank, pinapabigay po sa inyo ni Boss Blaire. Libre."

Bumalik ako sa wisyo ko nung biglang may nagsalita sa gilid ko.

Yung waitress na kaibigan ko.

Nag-serve sya ng tatlong specialty platter at dalawang cocktail drink.

"Ang dami naman ata nyan P', libre ba talaga yan?"

Ano kayang nakain ni P'Blaire at may palibre sya ngayon?

"Opo, libre talaga yan Sir Frank. Para raw po matikman ni Sir Wayo ang mga specialty nitong bar."

Fuck.

Iba rin 'tong si P'Blaire, nagpapapogi ba sya kay Wayo?

Nakakapagtaka lang kasi, sobrang kuripot nya kayang tao tapos bigla syang manlilibre ngayon!

Hindi 'to pwede. Kailangan ko ng bakuran ang Wayo ko.

"Ganun ba, sige, pakisabi naman kay P'Blaire na salamat. Siguradong magugustuhan ng BOYFRIEND ko ang mga 'to."

Damn! Sarap sa pakiramdam na pwede ko nang angkinin si Wayo! Hahaha.

Mukhang nagulat naman ang waitress dahil sa huling sentence ko.

"S-sige po Sir Frank, sasabihin ko." nautal pa sya sa pagsasalita.

Nag-wai na lang ako sa kanya.

Agad kong tinulak sa harap ni Wayo yung isang cocktail drink nung makaalis ang waitress.

"Okay ka lang ba?" I asked.

Ngayon ko lang napansin na parang uneasy ang expression nitong mahal ko.

"Okay lang ako." he smiled.

Kahit ngumiti sya sakin ay 'di ako kumbinsido sa naging sagot nya.

"Sigurado ka?"

"Yes, don't worry." he assured. "Mukhang masarap 'tong mga bigay ni Dj Blaire ah.." binago na nya ang usapan.

Hindi na ako nakapagtanong ulit dahil ayaw ko naman syang istorbohin sa pagkain nya.

Nagpanggap na lang ako na busy sa pag-inom ng alak habang pinapanood sya sa gilid ng mga mata ko.

As expected, may mali talaga kay Yo at sa tingin ko ay alam ko na ang dahilan.

Napansin kong paulit-ulit nyang tinitignan yung mga naka-upo sa dulong table sa right side namin.

Grupo ng mga lalaki, to be exact.

"Kung gusto mo silang kausapin, puntahan mo na. Okay lang sakin." binasag ko ang katahimikan dito sa table.

Mukhang na-gets naman agad ni Yo ang ibig kong sabihin.

"No need, 'di ko rin naman sigurado kung gusto nila akong makita ngayon." umiling sya sakin. "Ang gusto ko talagang gawin ngayon ay sumayaw tayo sa harap."

Agad akong napalunok dahil sa suggestion ni Yo.

I don't dance!

"Yo, 'di ako marunong sumayaw.." pag-amin ko.

ThirstyWhere stories live. Discover now