4. Boy Under You

3.8K 244 225
                                    


QM's Note: 80 comments / 150 comments for next update. (yamot na ako sa wattpad.  Parating nabubura mga sinusulat ko pero tinatyaga ko i-rewrite parati dahil abot nyo na yung qouta.)

Wayo's POV

-weekend-

"Enjoy sa trip Ma!"

Niyakap ko nang mahigpit 'tong mama ko na bagong kasal.

Kakalabas lang namin sa office ng judge na nag-kasal sa kanila ni Tito Daddy.

Ngayon ay papunta na sila sa airport dahil sa Maldives ang venue ng honeymoon nila.

"Parang ayaw ko na ata tumuloy, hindi ako sanay na iwan ka nak." sa tono ng boses ni Ma ay parang maiiyak sya.

Napa-iling na lang ako.

Mahal na mahal talaga ako nitong si Ma eh!

"Ma, bayad na lahat ni Tito Daddy ang expenses ng trip nyo. Too late na para umatras ka pa."

"Yo, alisin mo na yung tito, daddy na lang ang itawag mo sakin from now on." biglang nagsalita ang stepdad ko.

Lumapit pa sya samin ni Ma at ginulo ang buhok ko.

"Sa ayaw at sa gusto mo ay tatay mo na talaga ako ngayon." biro pa nya.

Ngumiti naman ako sa kanya bago sumagot, "Masusunod po daddy."

Tumango na lang sya sakin then niyaya na nya si Ma.

"Hon,baka ma-late tayo sa flight. Alam mo namang palaging traffic dito sa Bangkok."

"Saglit na lang hon. Isasaulo ko lang 'tong amoy ng baby damulag ko. Ngayon lang kasi kami magkakalayo nito kaya 'di talaga ako sanay."

Napakamot na lang ng ulo si Dad habang tumatawa dahil sa ka-dramahan ni Ma.

"Yo, wag kang papagabi ng uwi ha? Sa bahay ka agad ang dumiretso kapag kagaling mo sa school, okay? Tatawagan ko si manang para i-monitor ang uwi mo araw-araw."

"Ma naman, 'di na ako elementary." reklamo ko.

"Yun nga nak eh, 'di ka na bata. Nakita ko nga kagabi na may lalaki kang ka-videochat sa phone mo. Natatakot ako na baka pag-uwi namin ng daddy mo ay buntis ka na."

What the fucking fuck?!

Nakita pala nya na ka-videochat ko si Oat kagabi?

Argh! Hindi talaga kinaya ng sistema ko ang mga kinuda ni Ma.

"Ma, wala akong matres atsaka kaibigan ko lang yung ka-videochat ko kagabi!" I protested.

Nakita ko na tawang-tawa si Dad sa usapan naming mag-ina.

"Biro lang nak, ang ibig kong sabihin ay wag ka munang magbo-boyfriend ha? Aral muna, okay?" bumitiw na si Ma sa pagyakap sakin.

Napa-iling na lang ako.

"Ma, boyfriend talaga? Hindi ba pwedeng girlfriend muna?"

"Ang sabi sakin ni Kit ay puro lalaki ang nagkakagusto sayo. Atsaka sa itsura mo nak, malabo talaga na magustuhan ka ng mga babae dahil mas maganda ka pa sa kanila."

"Grabe ka sakin Ma! Kung makasabi ka nang magkaka-boyfriend ako ay parang wala lang sayo?!"

"Wala naman kasi talagang kaso sakin kung magkaroon ka ng boyfriend o girlfriend nak. Ang ayaw ko lang ay maapektuhan ang pag-aaral mo kapag nadistract ka ng lovelife."

"Tama ang mama mo nak, aral muna okay?" sumali na rin si Dad sa usapan.

Gusto ko na lang mapatakip ng mukha ngayon!

ThirstyWhere stories live. Discover now