33. Ominously Hovering

2.4K 211 239
                                    

Qm's Note: 130votes / 300 comments! Good luck!

Wayo's POV

*Sunday morning

"Good morning prinsesa ko." bati ni Kuya Pent nung sagutin ko ang video call nya.

Andito ako ngayon sa balcony ng hotel room para 'di ko ma-distorbo ang tulog ni Kuya Nick sa loob.

"Good morning din kuya." I greeted him dryly.

Wala pa kasi ako sa composure dahil kagigising ko lang.

Ilang seconds din akong iniscrutinize ni kuya sa screen bago sya nagsalita ulit.

"Hmmm.. Mukhang deprived ka sa tulog prinsesa ko ah? Anong nangyari sayo at mukha kang puyat? Ang aga mong nag-paalam sakin kagabi na matutulog ka na ah? Hindi ka ba nakatulog dahil sa sea urchin injury mo?"

Napa-iling na lang ako sa plethora of questions ni kuya.

"Deprived nga ako sa tulog kuya pero hindi dahil sa sea urchin injury ko." I answered matter-of-factly.

"Then ano pala ang dahilan at 'di ka nakatulog?" napa-frown si kuya.

"Nag-alaga ako ng lasing. Nalasing si Kuya Nick sa bonfire session nila kagabi."

"What?! Wala naman syang ginawa na masama sayo 'di ba? I mean, hindi kayo nag-sex?"

Ugh.

Medyo naging uneasy ako sa tanong ni Kuya Pent.

Bigla kasing nag-flashback sa isip ko yung pag-ngasab ni Kuya Nick sa mga labi ko kagabi.

Pero hindi naman counted as sex yun, 'di ba?

"Of course not!" mabilis na depensa ko sa sarili ko. "Anong klaseng tanong yan? Alam mo namang 'di ako uminom kagabi 'di ba? What makes you think na makikipag-sex ako kay Kuya Nick with my sane mind?" I vindicated.

"Sorry naman prinsesa ko. Advance lang talaga ako mag-isip. So ano palang ginawa ni Kuya Nick kagabi at 'di ka nakatulog?"

"Uhm wala naman. Kinulit lang nya ako magdamag, asal bata pala si Kuya Nick kapag lasing."

Gusto ko rin sanang sabihin kay kuya yung 'ibang' ginawa sakin ni Kuya Nick pero 'di ko na tinuloy.

For the mean time kasi ay ayaw ko muna gawing issue ang 'drunkard acts' ng eldest brother ko.

Gusto ko munang siguraduhin kung sino talaga yung taong tinutukoy nya noong lasing sya.

Even though kasi na iniisip kong 'ako' talaga yun, still, ayoko maging padalos-dalos sa mga conclusions ko. Hindi naman kasi ako advance mag-isip gaya ng iba.

I need more receipts bago assume. 

"I see. Ganyan nga si Kuya Nick kapag nalalasing. By the way, kumain ka na ba ng breakfast prinsesa ko?"

"Uhm 'di pa, hinihintay ko pa magising si kuya."

"Naku, wag mo nang hintayin yan. For sure, mamaya pa ang gising nyan."

"Hindi ko sya hindi pwedeng hintayin prinsipe ko."

"Bakit naman?" napa-squint si Kuya Pent dahil sa sinabi ko.

"Wala akong dalang pera eh. I mean meron naman. Yun nga lang, ang mamahal ng food dito. 'Di ko afford. Haha!"

"What? Iba ka talaga prinsesa ko. Alam mong pupunta kayo sa malayo pero 'di ka nagdala ng malaking pera?" evident sa tono nya na 'di nya ma-fathom ang sinabi ko.

"Sorry." nag-peace sign ako. "Nasanay kasi ako kay Kit, parati nya akong nililibre." I explained further.

"I see. Pero sa susunod magdala ka na ng emergency money mo ha? Ano palang debit number mo? Papadalhan kita ng pera para makapag-breakfast ka na."

ThirstyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin