28. How I Wish You Only Knew (How I Love You Baby)

2.5K 243 210
                                    

Qm's Note: Guys wag nyong kakalimutan na panoorin ang LOVE BY CHANCE trailer ha? (nasa fb page ko ang link.)

Wayo's POV

*Thursday

"Teka Wayo. Off-key ka nanaman." puna sakin ni Kuya Nick as he stopped playing the piano.

Agad naman akong napayuko dahil evident na yung iritasyon sa boses nya.

For sure ay inis na inis na sya sakin.

Well, hindi ko naman sya masisi. Kung ako ang nasa lagay nya ay inis na rin talaga ang mararamdaman ko ngayon.

Paano naman kasi, second day(last day) na ng practice namin pero 'til now ay madalas pa rin akong masintunado.

"S-sorry kuya..." nautal na ako dahil sa kaba.

"Okay lang, wag kang mag-sorry. Sabihin mo na lang sakin ang problema mo. I mean, may dinaramdam ka ba ngayon? May masakit ba sayo?"

"Wala..." I shook my head.

I'm perfectly fine right now.

Sa tingin ko, ang culprit nang pagkasintunado ko ay ang mga titig nya.

Everytime na tumitingin kasi sya sakin ay nate-tense ako.

Sino ba naman kasing hindi kakabahan sa titig ng isang Nick Pranapong 'di ba?

"Hindi ako naniniwala sa 'wala' mo Wayo. Sa tingin ko ay may dinaramdam ka or something. Nakapagtataka naman kasi masyado. Mas mataas pa yung key nung kantang kinanta mo sa video, tapos ngayon napa-flat ka sa kantang mas mababa ang key?"

Ugh. Aminin ko na ba?

Nakakahiya!

"Sabihin mo na sakin yang problema mo para maayos natin. Kung 'di natin pag-uusapan yan ay baka mapahiya tayong dalawa bukas. Ayoko namang mangyari yun." he added.

Hmmm.

I think kailangan ko na ngang umamin.

Ayoko ring mapahiya. Ayokong mag-trending in a bad way.

For sure naman kasi ivi-video nanaman nila ang performance namin.

"Nahihiya ako sayo kuya." I mumbled.

"What? Nahihiya ka sakin?" hindi makapaniwala yung tono ni Kuya Nick.

"Ganun na nga..."

"Paanong nahihiya? I mean, in what way?"

"Uhm, nate-tense ako kapag tinitignan mo ako habang kumakanta."

"Seryoso? Masyado ba akong intimidating?"

"Hindi naman kuya. Masyado kang gwapo siguro kaya nahihiya ako." pabiro yung tono ko.

"Haha. Loko-loko. By the way, mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit ka nate-tense sakin. Siguro kinakabahan ka dahil alam mong alam ko ang sikreto nyo ni Pent, tama ba?"

Hindi ako nakasagot sa tanong ni Kuya Nick.

I swear, mas lalo akong kinabahan ngayon dahil binanggit nya yun.

"Hmmm. Mukhang tama nga ako. Wag ka nang mag-alala sa bagay na yun dahil ligtas ang sikreto nyo sakin. Hindi na ako makikielam sa inyo ni Pent, bahala na kayo sa gusto nyong gawin. Ang tanging hiling ko na lang ay wag kayo masyadong blatant sa relasyon nyo."

Whaaaaaaat?!

"Totoo kuya?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo. Kahit naman kasi pinagalitan ko na kayong dalawa, alam kong 'di pa rin kayo tumitigil. Atsaka 'di ako mananalo ng patigasan ng ulo kay Pent. Alam kong kahit anong mangyari, ipipilit nya ang gusto nya."

ThirstyWhere stories live. Discover now