Eksena V: I missed you so bad: FINALE

284 9 2
                                    

Ngayong araw, ngayong oras na ang flight ni Mitch. Hindi ko na sya hinatid sa Airport. Ayaw nya rin daw kasing magpahatid. Ok na daw syang magisa. Hindi narin naman daw sya bata e. Umalis si Mitch ng hindi ko man lang nasasabi yung nararamdaman ko sa kanya. Hindi lang ako torpe e, tanga rin. Sa totoo lang, sa mga oras na'to. Gusto ko narin bumalik sa Pinas pero may mga dapat pa kong ayusin dito sa Japan.

[6 Months later]

"CONGRATS KEIKO!!Hanep! graduate ka na.wohooo!" sigaw ni Badz. sabay tawa ko. Ako na ata ang pinaka masayang kuya sa buong mundo.

"Ang OA mo ha!" sabay tawa ni Keiko, "Kuya.." sabay hug sakin, "Kuya salamat sa lahat"

Napa-smile lang ako. Speechless. Ang sarap ng feeling.

"Anung salamat?! dahil sayo kaya wala pang asawa yang kuya mo!Malapit ng magTimes up yan oh" sabay tawa ni Badz

Binatukan ko nga si Loko. "Sira ulo!"

"Pasensya na kuya ha?Pero salmat sa lahat lahat. Pangako kuya, kung sino man yang magiging future wife mo, hindi ako magiging kontrabida sayo" sabay smile ni Keiko

"Pramis?" sabay taas ng kanang kamay ko.

"Promise kuya!" sabi ni Keiko.

"Sus! e hindi na nga nya ulit nakausap at nakita yung babaeng yun e." sabi ni Badz.

"Tara na nga! nagaantay na cla Papa dun sa Restaurant" pagyayaya ko sa kanila.

Pag dating namin sa Restaurant, andun lahat. Si Papa, Si Tita Ayame, Si Katsuki, si Akiko, at 4 na friends ni Keiko. Mga Bestfriends ata nya.

"Sit Sit!" sabi ni Papa

"Upo daw sabi ni Tito" sabi ni Badz

"So, hindi kami nakakaintindi ng English badz?" sabay tawa ni Keiko

Nagtawanan ang lahat. Si Tita Ayame, bumubulong kay Papa. Baka naiilang kaya nagtanong nako kay Papa,

"May problema ba Pa?"

"Wala anak. May surprise lang sayo si Tita Ayame mo. Yung friend kasi nya nakausap na nya. Pupunta daw ngayon yung irereto nya sayo."

"Ayun e! Anak ng tipaklong oh! eto na e. Kamukha ni Baba G yan.Pupusta ako" sabi ni Badz

"Gagu! wag naman.." sabay tawa ko. Saktong natanggal yung tali ng sapatos ko, kaya yumuko ako para itali to.

"Kanojo wa koko ni aru [She's here]" sabay tayo ni Tita

Parang ayoko na atang tumayo.Kinakabahan ako baka tama si Badz.Baka kamukha ni Baba G o ni Diego yun.Anak ng tokwa talaga. Mula dito sa baba, nakita ko yung paa nya, maputi sya.Tsaka parang familiar yung sapatos nya. PArang yung suot nung babaeng nadapa sa airport.

Hinihila ako ni Papa para tumayo.No choice pero kailangan ko na 'tong harapin..

"Hi..I'm...." Tulala.Nganga.speechless.

"Hayyyy....Kenzo?" sabay gulat nya rin ng makita ako.

"Mitch?" sabay turo sa kanya. "ba-bakit?A-anung? Si-sino?Pa-pano?"

Nakasmile lang sya.Pero dama ko sa mukha nya yung saya.Hindi lang basta ngiti e.Basta masaya e.

"Anata wa kanojo o shitte imasu ka? [You know her?]" tanong ni Tita Ayame sakin.

"Hai, [Yes]" sabay smile ko sa kanya.

"Sya yung matagal ng gustong ipakilala sayo ni Tita mo.Yung friend kasi ng tita mo, Mama ni Chelly" sabi ni Papa.

Sa sobrang shocked ko, niyakap ko ng mahigpit si Mitch.

"Kung alam ko lang na ikaw yun, matagal nakong pumayag sa blind date na yan.Akala ko hindi na kita makikita. Namiss kita ng sobra!" bulong ko kay Mitch.

"Ako rin e.Matagal nakong kinukulit ni Mama pero natatakot ako.Baka kasi hindi mo katulad yun.Namiss din kita Kenz" bulong sakin ni Mitch.

"Hindi ko alam na masyado na palang nagaantay yung Chance para sating dalawa. This time Mitch, hinding hindi na kita pakakawalan.I love you." mas niyakap ko sya ng mas mahigpit.

"Mahal din kita Kenzo" sabay smile nya.

Hindi ko inakalang sa huli, kami rin pala ni Mitch ang magkakatuluyan. Worth it ang pagaantay ko sa dalawang mahalagang babae sa buhay ko. In God's Plan nga naman talaga oh. Hindi ko inakalang everything will fall into pieces. Ganun talaga siguro pag marunong kang magantay. Pag hindi mo minamadali ang lahat. Love really takes time.

-THE END-

SALAMAT SA LAHAT NG SUMOPORTA SA BY CHANCE..

Pasensya na kung maiksi. Pero sana nag-enjoy kayo.

Suportahan nyo rin sana yung ibang gawa ko.

Marami pang mga susunod.Iba’t ibang istorya.

Sana suportahan nyo pos a pamamagitan ng:

Pag VOTE o Pag COMMENT.

SALAMAT NG MARAMI!! ^_____^

By Chance..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon