Umasim ang mukha niya nang mag-park ito mismo sa harap niya kung saan siya nakatayo.

"Aba. Kanina pa to ah. Pinipikon ata ako nito eh." She muttered. Taas-noong hindi siya umalis sa kinatatayuan at mainit ang ulong hinintay kung ano ang susunod na gagawin ng driver. Ganun din ang dean na nakatayo lang at nakatanga sa nakitang magarang sasakyan.

Pero nagtaka siya nang hindi bumaba ang driver. Sa halip...

"Aray ko!"

Bumukas lang naman ang pinto ng backseat na katapat lang niya at nadala siya sa pagkabukas nito. Mukha siyang hinawing langaw.

Hayop! Wala man lang warning??

Sunod ay nakita niya ang pares ng makintab at malinis na leather spadrills na umapak sa semento.

At nang mapatingala... ay biglang kumabog ang dibdib niya. Natigilan siya at di makakilos. Bahagyang napalaki ang mga mata at umawang ang kaniyang bibig.

F-fudge... b-ba't siya nandito?

"M-Mr. L-l-Laxel?" Kung siya ay nagulat, sa tingin naman niya ay mas nagulantang ang dean, sa boses pa lang nitong natataranta, ay para itong binuhusan ng malamig na yelo.

Ang lalaki namang nakatayo na parang bato sa harap niya ay binigyan lamang ang dean ng malamig na tingin, walang emosyon ang mukha pero ang mata nitong nakatitig ay tagos hanggang sa kaluluwa.

"Dr. Pagnayon." Hindi masigla o hindi galit ang pagsambit nito ng pangalan ng dean. Isa iyong mahina ngunit may awtoridad na baritonong boses.

Di maiwasang magsitayuan ang kaniyang mga balahibo. His deep, blunt and cold baritone voice, only can give her an odd chills to her innards. Only him...

"M-Mr. Laxel! N-nandito po kayo?"

Lukot ang mukhang nalipat ang tingin niya sa dean.

Ay wala. Napuwing ka lang kaya guni-guni mo lang siya. Wengya.

Napairap siya sa hangin. Gusto niya sanang isagot yun sa dean kaso sa bigat ng aura sa paligid ay parang umurong ang dila niya.

"Indeed." Tipid na sagot nito. Na ang translation nun ay 'Oo. Shunga ka?'

Natataranta namang umatras ang dean.

"O-opo sir. S-sandali lang p-po. Tatawagin ko lang po y-yung mga a-admin sir." Hindi niya maintindihan kung natatawa o natatae ang mukha ng dean.

Tinanguan lang ito ni Mr. Laxel kaya dali-dali naman itong umakyat ng main building na nagkakandarapa.

Imagine, ang  terror na dean na kinakatakutan ng lahat dito sa campus parang naging basang sisiw nakaharap lang tongㅡ

"You." Nagulat siya nang lumingon ito sa gawi niya. "Get out of my way."

Napasinghap siya at namewang dito.

"Ano? Ha! Bakit, sa'yo ba tong daan, ha? Tatayo ako dito hanggang gusto ko no. Balakajan." Pagmamatigas niya at nagcross-arm pa.

Nilabanan lang niya ang kaba sa pagsagot dito. Ikaw ba naman titigan ng malamig nitong maiitim na mga mata eh.

He narrowed his dark, thunderous eyes on her.

"You annoying creature, get out of my way or else..." He trailed off.

"Or else what?" Nanghahamong sinalubong niya ang nagbabantang tingin nito. Pero naapatras siya nang humakbang ito papalapit sa kaniya.

He lowered his head and met her anxious eyes.

Master of Assassins (Completed)Where stories live. Discover now