Chapter 46

2K 57 0
                                    

[LWTCB: I love You]

Denzerie Ramirez Pov

Pagkarating namin sa presinto ay nabigla ako nang sapakin ni Moon ang suspect na sinasabing totoo kong ama. Kaya Ramirez ang naging apelyido namin at hindi Silverio ay dahil pinapalitan ito nang aming ama't ina .

"BURN IN HELL YOU FUCKING ASSHOLE!" Hindi ito tinigilan ni Moon at patuloy niya itong sinusuntok kahit pinipigilan na siya nang mga pulis. Alam kong masamang manakit nang magulang pero siguro ay grabe na ang pinsalang nagawa niya sa amin.

Di rin nagtagal ay kumalma na ang panig namin. Napahawak nalang ako sa kamay ni Papa dahil alam kong masasapak niya rin ang taong nasa harapan namin.

"Bakit mo binaril ang anak mo?" Napatingin ako sa aking ina na tila kinain nang yelo sa lamig nang tingin kay ama.

"Dahil ba naaasiwa kang makita kaming masaya?" Ngumisi si ama.

"Matalino ka rin pala." Sambit ni ama. "Sa una palang noong lumusob ka sa mansyon dahil inaasahan mong makikita mo doon ang mga anak mo pero dahil wala sila doon ay maids nalang ang hinold-up niyo." Sumagot na si Ama.

"Nakakairita kayong makitang masaya habang ako nagdurusa." Biglang may kumirot sa puso ko.

"Hindi ba't binaril mo ang kapatid ko? Pinagbantaan, sinaktan, at pinaglaruan sa tingin mo hindi siya NAGDUDUSA?!" Pinigilan ko si Kuya Ezren at tumingin kay Ama tsaka ko siya unti-unting nilapitan.

"Gaganti ka?" Pero imbes na magalit ako ay nginitian ko siya at hinawakan ang kamay niya. "Salamat Pa." Kumunot ang noo niya.

"Ano?" Taka niyang tanong kaya nagsalita ako. "Salamat Pa kasi kung hindi moko binaril hindi ko makakalimutan lahat nang masakit na ala-alang nakatatak sa utak ko. Inalis mo lahat nang sakit na nararamdaman ko simula nang pagkabata hanggang sa ngayon.... Siguro kung hindi dahil sayo nakatanim parin lahat nang masasakit na ala-ala sa isip ko. Kahit na binaril moko papa parin kita mahal na mahal kita..." Pumatak ang luha niya na ikinaluha ko na din.

Niyakap niya ako at hinimas ang likod ko. "Anak... patawarin mo si Papa... patawarin moko sa lahat nang nagawa ko sayo...Nadala lang si papa dahil sa emosyon... Hindi ko gustong saktan ka anak... Patawarin moko ahh? Ang laki-laki na nang anak ko..." Napahagulgol ako.

"Miss na miss at Mahaaaaaaaal na mahaaaaaaaal ka ni papa... Patawarin moko..." Umiling ako at hindi nakapagsalita. Tuwang-tuwa ako sa pagkakataong ito nakita ko narin ang tunay kong papa... Kahit na masama ang ginawa niya sakin mahal na mahal ko siya...

Lumipas ang ilang minuto nang pag-iyak at pagyakap ay napakalas na ako. Pinunasan ni papa ang mga luha ko.

"Pagbabayaran na ni papa ang kasalanan niya.... sana dalawin moko ahh?" Mangiyak-ngiyak na sambit ni papa.

"Opo papa..." Sa huling pagkakataon ay nagyakapan kami bago siya ikinulong.

Hanggang sa muli Papa....

***

Nang makaalis kami ay hindi kami sumabay ni Zhairon sa van. Gusto raw niya kasi akong makasama. Dinala niya ako sa pinakamalapit na dalampasigan at napaupo kami sa purong buhanginan.

"Bakit mo ba ako dinala dito?" Tanong ko pero inilagay niya ang ulo ko sa balikat niya. "Pagod ka ba?" Tanong niya sakin.

Living With The Contejo Brothers [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon