Chapter 41

1.4K 51 1
                                    

[LWTCB: Don't leave]

Zhairon Contejo's Pov

Isang malaking paghinga ang ginawa ko at napatingin sa kanila. "I'm sorry for bothering you." Sambit ko.

Kita ko ang paglapit nila sakin. "I'm sure that Rie is shocked that's why her mind rumbles..." Wika ni Rica.

"Ano kayang nangyari kay Rie? Hindi siya ganon..." Sabay hawak ni Allister sa baba niya.

"Let her be..."

"Ang tanga ko dahil hindi ko nahalata..."

"Alam ko namang ikaw na ang mahal ni Rie ngayon..." Napatingin ako kay King at tinuro niya ang sarili niya.

Tumawa siya hanggang sumakit ang tiyan niya. "Fuck! That's funny!" Gusto kong sapakin ang lalaking ito dahil sa kakatawa niya.

Is he fucking with me?!

"Rie looks at you." Sambit ko. "You misunderstand it Zhairon." Wika niya.

"Hindi ako gusto ni Denzerie. May dahilan siya kung bakit niya ginawa yoon." Napakunot ang noo ko.

"Alam mo?" Tanong ko. "Ayaw niyang pasabi sayo kaya hindi ko sasabihin."

***

Dumaan ang gabi at wala akong ibang iniisip kung hindi ang sinabi ni King.

Ano bang bagay ang hindi masabi sakin ni Denzerie na kaya niyang sabihin kay King?

Tinignan ko ang wallpaper ko at napangiti. Ito ang kuha namin noong festival...

Ang sarap pagmasdan nang mukha niya...

Sinubukan kong tawagan ang cellphone niya pero walang sumasagot...

Ano bang tinatago mo sakin?

Kasunod nang pag-iisip ko ay ang pagtawag nang hari na 'yon.

Sinagot ko naman ito. "Hey!" Masiglang bungad ni King. "Figure it out already?"

"Kung tumawag ka para asarin ako papatayin ko ito." Bagot kong sambit.

"Ano ba sa tingin mo ang dahilan kung bakit ka nireject ni Denzerie?" Tanong niya.

"I can't think of anything." Sagot ko.

"Ano sa palagay mo ang gagawin mo kung sakaling gusto mo ang tao pero hindi pwede dahil masasaktan kalang?" Malalim niyang tanong.

"Bakit ako masasaktan?"

"Gago! Hindi mo man lang ba pupuntahan si Denzerie sa bahay nila?"

"Bakit ko naman gagawin 'yon she rejected me already Wala na akong karapatang guluhin siya."

"Bobo!" Napakunot ang noo ko.

"Fuck your mouth King! DALAWANG BESES NA YAN!" Gigil kong sambit sa telepono. Papatayin ko na sana ito nang mapahinto ang daliri ko.

"Bobo ka talaga! Di mo ba nahahalata na umiiyak si Denzerie noong nireject ka niya?" Hindi ako nakapagsalita.

"Hindi mo alam na mahal na mahal ka ni Rie!"

Living With The Contejo Brothers [Completed]Where stories live. Discover now