Chapter 4

3.4K 90 2
                                    

[LWTCB: Ciel Montez]

Denzerie Ramirez Pov

Pagkamulat nang mata ko ay tumama sakin ang liwanag ng araw na ikinapikit ko ulit tsaka dahan-dahang umupo sa kama. Damn... My head kinda hurts...

Napahawak ako sa mata ko tsaka ito kinusot. "Denzerie." Dinig kong katok sa kwarto ko.

"Denzerie wake up." Tinignan ko ang relo ko. 7:15am.

"45 minutes nalang papasok na tayo." Ani Allister. Unti-unti ko nang narerecognized ang boses nila. I just need more days to fully recognized this systems.

Naghanda na ako katulad ng ginawa ko kahapon. Pero ngayon, nagsuot na ako ng salamin pero walang grado at naghigh ponytail. Nagsuot lang ako ng white t-shirt na may tatak at Pantalon.

But what worries me the worst is wala pa akong bag.... Second day ko na rin. I didn't even have enough time dapat pala bumili na ako kahapon. Why am I so fucking careless?

Agad akong nagmadali sa pagbaba at dahil may pagkalampa ay muntikan na akong mapatid ay may sumalo sakin sa likod.

"Opps." Dalawang kamay ang nakahawak sa braso ko tsaka nila ako inayos ang pagkakatayo ko.

Napatingin ako sa nakangiting kambal na sina Lance at Lei. "Muntik na." Ani Lance tsaka sila bumaba parehas kaya napababa na rin ako. It's actually normal but why does it feel that they have this seductive charisma? Teka, kulang na ba ako sa tulog?

Napangiti naman ako. "Wala na atang makapaghihiwalay sa kanila." Bulong ko.

"Hey, don't space out." Nagulat ako nang may humawak sa ulo ko. "Allister," Sambit ko. "Papasok ka na?" Tanong niya.

"Sabay-sabay naman tayo diba?" Tanong ko. "Sasabay ka muna sakin." Sambit niya sakin na ikinapagtaka ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming bumaba ng hagdan. Pagkababa namin ay nandoon na sila Zhairon.

"Sorry, but we have to go somewhere." Sabay higit niya sakin papalabas. Raven looked at me with an unknown face. I'm confused as him. Sa'n naman kaya kami pupunta?

Patuloy niyang hatak-hatak ang kamay ko. "Sa'n ba tayo pupunta?!" Tanong ko.

"National bookstore libre ko." Napaamang ang bibig ko. "Ayaw mo naman sigurong pumasok ng walang bag diba?" Tanong niya sakin.

"Pero malelate tayo." Tumawa naman siya at hindi na nagsalita. I thought studies are the most important?

Pagkarating namin sa National ay agad siyang humanap ng Basket. May nilagay agad siyang silver na bag at binuksan ito.

Nanlaki ang mata ko nang ilang minuto lang ay puno na ito lahat ng gamit na kailangan.

"Bibilhin mo ito lahat?!" Tanong ko. "Hihiramin natin tapos ibabalik din." Ngiti niya sabay hawak sa ulo ko.

"Silly Rie, of course I'll buy it for you." Napanganga ako as in.

"Seryoso ka? Ang dami niyan." Sa totoo lang ay marami akong dalang pera at kaya ko itong bayaran pero... Seryoso ba siya? This cost a thousand.

"It's fine. Sayo ko naman bibigay." Napairap ang mata ko. "Ang cheesy non." At doon siya tumawa.

"I just want to look at your reaction. Hindi ako magkakagusto sa tulad mo." Sabay tawa niya habang nasa counter kami. So tingin niya magkakagusto rin ako sa kanya? Ha, NO WAY! OVER MY DEAD AND SEXY BODY.

"Bakit gusto ba kita?" Mataray ko na tanong. "Hindi." Sambit niya.

"Hindi naman pala." Pagkasabi ko nito ay nilagay niya ang bag at lahat ng gamit sa counter. Assumero tsk -.-

Living With The Contejo Brothers [Completed]Where stories live. Discover now