Chapter 19

1.6K 59 3
                                    

[LWTCB: Butterfly Sanctuary]

Denzerie Ramirez Pov

Maaga akong nagising para maghanda ng mga dadalhin. Napangiti ako.

Agad akong naligo at nagbihis para magluluto nalang ako.

Pagkababa ko ay agad akong nagluto ng agahan sinangag at nagluto ako ng sopas para mainit sa tiyan.

Nagtimpla ako ng hot choco para saming lahat. Sana naman walang humadlang sa araw namin.

Kinalimutan ko lahat ng nangyari kahapon pati na ang pagconfess ni Moon na biro lang pala.

Napag-isipan kong mas maguguluhan ako kung iisipin ko iyon.

"Ang bango." Nabigla ako nang sabay-sabay silang bumababa at lahat ay naligo na at may dalang bag.

"Sopas ba yung naamoy ko?" Sabay upo ni Zhairon. "Amoy hot choco." Sabay sambit ni Lance at Lei.

"Enthusiastic." Ani Raven na nakapagpangiti sakin. "Ang aga mo ding nagising." Ngiti Ni Allister.

"Butterfly Santuary kasi ang pupuntahan natin. Meaning peaceful at maganda." Pero agad ding napawi ang ngiti ko nang maalala ko ang bills sa hospital.

Napapikit ako at bumuntong hininga. Ngayon na pala 'yon....

Agad tumunog ang phone ko at nakita ko ang pangalan Ni Moon kaya sinagot ko ito. "Hey, uhm.... Nagising ba kita?" Tanong niya.

"Hindi naman." Sagot ko. "Nabayaran ko na pala yung bills sa Hospital kaya wala ka nang dapat alalahanin. Hati kami ni Xyrille tig 5k kami." Kala ko ba abala lang ako kay Xyrille?

"Pinapasabi Ni Xyrille na pasensya na daw sa sinabi niya. Bad mood daw siya that day." Napabuntong hininga ako.

"Wag ka nang magalit sa kanya."

"Hindi ko kayang magalit kay Xyrille. She's my friend." Sambit ko.

"Tsaka salamat I'll promise babayaran ko kayo kapag nakauwi na ako." Sambit ko.

"Kahit hindi na, alam mo namang gagawin namin yun kasi mahal ka namin." Sambit niya. "Sige na." Dagdag pa niya.

"See yah." Sambit ko tsaka binaba ang telepono. "Sino yung tumawag?" Tanong Ni Raven.

"Si Moon lang 'yon." Sambit ko. "Anong sabi?" Tanong ni Allister. "Nabayaran na daw nila yung bills sa hospital." Ngiti ko.

"Ano?" Biglang tanong ni Lei. "May babayarang 10k sa hospital dahil sa ginawa ko sa kanila." Sambit ko.

"Pwede namang kami nalang magbayad non. Tsaka isa pa, hindi Ikaw yung may kasalanan noon...." Sambit Ni Lei kaya ngumiti ako.

"Ayokong makaabala sa inyo." Sagot ko.

Uminom naman sila lahat ng hot choco. "Hindi ka abala." Sabay-sabay nilang sambit kaya nagkatinginan sila at nagkangitian.

"See?" Sambit Ni Raven.

"You've been a family to us Rie." Sambit ni Lance. "Anong family? She's like my Girlfriend you morons." Ani Allister.

"Stop it, she's already mine." Tawa Ni Raven.

"Enough, don't play with my wife." Napatingin kaming lahat kay Zhairon. "Ano?" Ngisi ni Lei.

"May gusto ka kay Denzerie?" Malademonyong tanong ni Lance pero nagkibit balikat lang si Zhairon at uminom ng hot choco.

"Tama na nga 'yan tara na." Aya ko kaya nagsitayuan silang lahat.

Nang makasakay kami sa kotse ay nagsimula nang mag-ingay si Lei dahil inagaw ni Lance ang unan niya.

Nagsimula na ding maasar sa ingay si Raven kaya pinatahimik niya ang dalawa na sinabatan Ni Allister. Habang kami ni Zhairon ay tahimik lang.

Ilang oras din at nagpark na kami tsaka namin hinanap ang butterfly Sanctuary.

Nang makita namin ito ay napamangha ako. So this is what it looks like......

Nilatag nina Lei and Lance ang kumot. Madaming paru-paro ang nagliliparan dito kaya napangiti ako.

"Hindi pa pala nagbabago itong lugar... Ganun parin siya...." Kakain na sana kami ng may lumapit saming staff.

"Bawal pong magkalat kaya pakilagay lang po yung mga kalat sa basurahan." Ngiti niya samin kaya tumango kami.

Umalis na ito at kanya-kanya kami ng kain. "Gusto niyo bang ituloy yung laro?" Napatingin kami kay Allister.

"Sige." Sagot ni Lei at kumuha ng bote tsaka inikot at tumama naman ito kay Raven na ikinagulat niya. "Bakit ako agad?" Tanong niya.

"Wala nang tanong truth or dare." Sambit ni Lei.

"Truth." Napangisi si Lei. "Kaano-ano mo yung babaeng lagi mong kasama?" Tanong ni Lei.

"Sino si Jillian?" Tanong niya. "Oo siya." Sagot ni Lei. "Kaibigan ko lang siya." Sambit ni Raven.

"Pero nireject mo siya diba? Nandoon ako that time when she confessed. Ang sabi mo may natitipuhan ka na and you can't hurt that girl. Sino siya?" Mapaglarong tanong ni Lei.

"Abuso ka? Isang tanong lang." sambit ni Raven kaya tumawa si Lei. "Ang hirap mong utakan." Tawa ni Lei.

"Next." Pinaikot ang bote at tumama ito kay Lance." Napangisi si Raven at siya naman ang nagtanong.

"Truth or Dare" Sambit ni Raven. "Truth." Sagot ni Lance. "Ano bayan wala bang magdedare sa inyo?" Sambit ni Allister.

"There is this girl that you like right? So tell us who's this lucky girl." Ngiti ni Raven.

"Magkaparehas kami ng crush ni Lei." Sagot niya. "Sino?" Tanong ni Raven. "One question at a time Raven." Ngiti ni Lance na nakapagpaamang ng bibig ni Raven.

"Ok ne---" Biglang tumunog ang cellphone ko sa hindi inaasahan.

"Excuse me for a while." Sambit ko. Umalis ako sa pwesto namin at tinignan ang cellphone ko.

*Kuya Ezren Calling*

Sinagot ko na ito. "Nasan ka?" Bungad Tanong Ni kuya.

"Nasa Butterfly Sanctuary kasama yung Contejo...."

"Listen Rie, wag na wag kang uuwi sa bahay."

"Bakit kuya?" Tanong ko. "Hinahanap ka nang mga suspect para kidnappin. Mom called me at sabi niya ilayo daw kita sa mansyon. Bihag na nila lahat ng nasa mansyon."

"You're not safe on the outside Rie. Magtago ka." Binaba ko na ang telepono at napayukong bumalik sa pwesto ko.

"ANG DAYA NIYO!"

Dinig ko ang sigaw nila Pero hindi ko ramdam ang saya.

Lagi naman.....

Lagi akong nagtatago....
Nakakulong sa sarili kong kulungan....
At pinagkakaitan nang kalayaan...

"Rie?"

I'm used to it... I've been a prison since I was young....

"Rie?"

Bakit tuwing nagiging masaya ako
May kapalit?

"Rie, ayos kalang?" Pero syempre natutunan ko na ring magkunwari...

"Oo, Ayos lang ako." Isang ngiti kapalit ng masakit na nararamdaman.

"Ang lalim ata ng iniisip mo?" Tanong ni Zhairon. "Iniisip ko lang kung saan pa magandang spot." Sagot ko.

"We can travel around Rie." Ngiti nila.

How I wish I could treasure that smile....

Living With The Contejo Brothers [Completed]Where stories live. Discover now