Chapter 71

3.5K 131 14
                                    

Thirdy's POV

"Huwag po kayong lalapit sa akin, maawa po kayo......." ang takot na takot na si Damo nang makita niya ang hitsura ng doktora kasama ang dalawang nurse na kapapasok ng pinto. Lumapit kaagad si Lee at kuya Jerrold sa kanya upang pakalmahin ito.

"DJ it's alright, narito lang sila para magbigay ng gamot mo at lagyan ka ng swero...." si kuya Jerrold, kinakalma si DJ ngunit nanginig ito ng sobra nang makita niya ang mukha ng doktora.... mahaba at kulot ang buhok nito. Gusto ko nang magalit sa ER department, ang sabi ko huwag silang magpapadala ng mga babaeng doctor, maski babaeng nurse. Napaatras pa si Lee nang makakita siya ng syringe sa tray na hawak ng isang nurse. Iniwas ko rin ang tingin ko rito.

"Please lumabas muna kayo, maaring matignan muna siya ng espesyalista sa kanyang condition bago kayo magbigay ng kung ano???" napataas ng kaunti ang boses ko.

"Pasensiya na po kayo Sir, namali lang po kami ng pagpasok ng kwarto," nasabi ng isang nurse.

"What??? Napaka-incompetent niyo naman para hindi mag-verify!" gusto ko nang sabihing they are fired ngunit nagpigil na lamang ako. "Sige na, lumabas na kayo....."

"Kuya hayaan niyo lang na mapag-isa si DJ, huwag niyo po siyang lalapitan, magiging okay rin po siya...." bigkas ni John Lloyd sa amin, mukhang alam nito ang kundisyon ng kaibigan.

"Okay na po ako, magbabanyo lang ako......." si Damo, at nagtungo kaagad ito ng bathroom.

"Matagal ko na pong kaibigan si DJ, kapag bumabalik at naaalala niya ang mga masasamang memories noong bata siya ay hinahayaan lang namin siyang mapag-isa, mas maganda pong huwag din siyang lalapitan ng kahit sinomang babae. May phobia po siya sa mga babaeng doctor, mga puting lab gowns, injection at kahit anong matatalim na bagay lalo na ang mga kutsilyo pero I think na-overcome niya iyong sa kutsilyo nang matuto siya ng self-defense. Uhmmm, kinausap na rin ako ng pamilya niya tungkol dito pero hindi nila binabanggit kung ba't nagka-trauma si DJ...." kwento ni John Lloyd sa amin.

Bumukas ang pinto, "hello po sa inyo....... wow ang ganda naman ng kwarto ni kuya, may malaking TV, living room, kitchen, mas malawak pa sa bahay namin...." si Jayson na manghang-mangha. "Kuya Thirdy si kuya DJ nasaan??" may dala pa siyang malaking lalagyan ng pagkain.

"Nasa loob ng banyo, kinakalma ang sarili...." sagot ko.

"Magiging okay rin si kuya basta hayaan niyo lang siyang mag-isa, at may dala akong chicken soup, makakapagpagaan sa kanyang pakiramdam, gawa ni Papa..."

"Guys labas muna tayo siguro, eksaktong may dala-dala akong free tickets para sa benefit concert bukas, uhmmm, sinong gustong sumama sa akin para mamigay ng tickets???" pag-aaya ni kuya Jerrold. Nagtaas naman ng kamay si John Lloyd at Jayson.

"Kuya basta kasama ako diyan sa concert niyo, gusto ko rin manood.... isasama ko ang mga barkada ko sa Macabebe College..." si Jayson.

"Oo naman, may VIP tickets ako para sa inyo....." sambit ni kuya Jerrold.

"Lee hindi ka sasama??" saad ko, napaisip pa siya, gusto rin niya yatang bantayan si Damo. Ako na ang kinausap kanina sa telepono ni Tito DS.

"Halika na Lee sumama ka na sa amin, tutal parte ka rin ng concert bukas...." si kuya Jerrold.

"Okay," tipid niyang salita parang napilitan lang.

Paglabas nilang lahat ay nagtext bigla si Tito DS, at ang sabi niya sa mensahe ay ipatugtog ko daw ang Unchained Melody ng Righteous Brothers, makakagaan daw sa pakiramdam ni Damo ito. Okay, masubukan ko mamaya paglabas niya ng banyo.

The Fall of Achilles (BL Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon