Chapter 29

5.2K 207 16
                                    

Thirdy's POV

Martes ng gabi, umuwi ako sa Tagaytay, bigla akong nakaramdam ng matinding pangungulila sa aking pamilya, hindi ko rin alam kung bakit ako ganito kaapektado sa mga sinabi sa akin ni Damo.

"Itong sakit na nararamdaman ko ngayon sa mga insulto at panggagago niyo sa akin??? Alam kong pansamantala lamang ito...........dahil wala sa bokabularyo ko ang sumuko, sarili ko lamang ang may kayang dumurog sa sarili ko, hindi ikaw, hindi kung sino! Tandaan mo ito........hindi ako luluhod sa harapan mo!"

Para bang sirang plakang paulit-ulit kong naririnig ang kanyang boses sa aking isip......

Pagbaba ko sa sinakyan kong chopper sa malawak at mahamog na golf course ng aming tahanan ay sumalubong na ang imahe ng aking lolo na si Darren Sy Sr. at ang aking ama na si Darren Sy Jr., pigil luha akong naglakad dahil mga alaala na lamang ang tanging mayroon ako ngayon sa kanila. Nakangiti si lolo habang pinapanood niya kaming dalawa ni Papa, ito ang unang pagkakataon na natutunan ko ang paglalaro ng golf......kitang-kita ko ang ngiti sa mga labi ng batang si Thirdy, tumatalon sa tuwa. Kung pwede ko lang ipagpalit kahit isa kina Papa at Lolo kay Virgilio Sy na aking great grandfather gagawin ko, maibalik ko lamang ang isa sa kanila sa aking buhay. Subalit kahit anong gawin ko, sa tingin ko, magtatagal parin sa mundong ito ang kinasusuklaman kong matanda!

Paghinto ng maliit na coaster sa aking harapan ay sumakay na ako papuntang entrance ng aming bahay, malawak ang aming lugar, kung tutuusin ay kasing lawak ito ng unibersidad na aking pinapasukan. Pagbukas ng pinto ni Mr. Lars, ang personal assistant ko ay binati na ako kaagad ng napakarami naming tagapagsilbi sa aming mansion, naiisip ko na lamang kapag wala ako o si Mama dito sa bahay ay parang isang napakatahimik na museo itong tahanan namin. Napakaraming silid ng aming mansion ngunit wala namang tao, napakalawak ng tanawin dito ngunit wala ka namang makikita dito sa aming tahanan na isang pamilyang magkakasama na masaya.

Pagpunta ko sa malawak na pool area ay kita ko ang imahe ng kuya Gino kong naliligo, kahit ilang beses niya akong pilit turuang lumangoy ay hindi ko magawang pumayag, nagkaroon ako ng trauma noong 6 years old ako nang makita ko ang lola ko kasama ang kanyang wheelchair na lumulutang at wala nang buhay sa swimming pool doon sa lumang mansion namin sa Batangas kaya magmula noon ay natakot na ako sa malalim na tubig.

Nasa may pinto kami noon ni lola papuntang pool area, binabantayan ako ni lola habang naglalaro. At nang makita ko ang anino ni Virgilio Sy na siyang patungo sa amin ay mabilis akong nagtago sa may malaking paso sa gilid.

"Papa, Papa, anong gagawin niyo??" Pilit bumababa si lola sa kanyang wheelchair ngunit hindi siya makagalaw. Sumilip ako at nakita ko ang malademonyong mukha ni Virgilio na may binabalak na masama kay lola.

"Noon pa lamang hindi na kita gusto Barbara para sa aking anak na si Darren, kung hindi ka lamang tagapagmana ng mga Lopez ay hindi ako pabor sa kasalan niyo ng anak ko.....maswerte ka dahil hindi magiging mapait ang iyong kamatayan!" ang demonyong si Virgilio, kahit sa wikang Mandarin ang pagkakasaad nito ay naintindihan ko ang kanyang sinabi, dahil ang lola Barbara ko ang nagturo sa akin nito. Gusto kong sumigaw at humingi ng saklolo ngunit si lola, kita ko ang kanyang mga mata na nagsasabing huwag akong umalis sa kinaroroonan ko.... Iyak ako ng iyak habang tinatakpan ko ang bibig ko. Kitang-kita ko kung papaano itinutulak ng demonyo papunta sa gilid ng pool ang wheelchair ni lola habang nagtatago ako sa gilid ng malaking paso.

Hanggang sa walang awang inihulog ni Virgilio si lola sa pool. "Papa! Huwaaaaaaag!"

Nalunod si lola, lumutang sa pool kasama ng kanyang wheelchair at namatay. Pinagmasdan pa siya ni Virgilio, at ilang sandali ay napatingin siya sa direksyon na kinaroroonan ko. "Alam kong nariyan ka sa gilid Thirdy...." aniya sa wikang Mandarin. Yumuko ako, ayaw kong makita ang mukha niya, hanggang sa damputin niya ang ulo ko at iangat sa kanya.

The Fall of Achilles (BL Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon