Chapter 59

3.9K 173 11
                                    

Warren Lee's POV

"Kamusta ang maagang hapunan niyo kasama si kuya?" text message ni Jayson habang nakasandal ako dito sa may pinto ng aking sasakyan. Malawak itong parking area ng mall kaya pansin ko sa dulo pumarada ang bagong Lamborghini ni Thirdy. Naroon siya sa parking area ng mga executives, sa kanila kasi itong mall, kita kong medyo naiinip na rin ito sa paghihintay ng paglabas ni DJ sa mall.

"Enjoy nga ang kuya mo at marami siyang nakain! Hahaha!" reply ko kay Jayson.

"Ano ba ang kinain niyo?"

"Isang buong Lechon de Leche!"

"Wow! Sana sumama na lang ako! May natira ba??? Pa-take out naman diyan Warren! Hahaha!"

"Don't worry maraming iuuwi ang kuya mo.... basta ang mga tip mo huwag kakalimutan?"

"Tip?? Saan?"

"Nakalimutan mo na?"

"Tungkol kay kuya?"

"Oo!"

"Sige, makakaasa ka!"

"Anong sabi niya, papalabas na siya?" si Jerrold nang bigla itong magsalita sa harap ko. "Mukhang napapasaya ka yata ng ka-text mo, kitang-kita sa mga ngiti mo......" akala niya siguro ay si DJ ang ka-text ko.

"Oo nga eh.... Uhmmm, ba't hindi mo rin i-text ang asawa mo nang mapasaya ka naman niya, diba?" medyo sarkastiko ang tono ko, hindi ko napigilan ang sarili ko, haaaay..... I had moved on, tapos na ang lahat sa amin. Lee, sa inyong dalawa? Wait lang, naging kayo ba???

Napailing ako habang nakangiting nakatitig sa kanyang mga mata.

"Lee..... We both knew," natigil siya nang makita niyang nariyan na si Thirdy parang may gusto siyang ipaintindi sa akin. "Nasabi mo na ba sa kanya na hindi sasama si DJ sa Tagaytay?" na-divert niya kaagad kay DJ. Kami lang ang nakakaalam na ikinasal na si Jerrold sa US, walang sinuman........not even the rest of our friends and some of his family.

Napahinga ako ng malalim, bumigat yata ang dibdib ko........ "Hindi pa, ikaw na ang magsabi," habang nakatingin ako sa paparating na si Thirdy.

"Si Damo, nasaan siya??" bungad ni Thirdy sa amin, alam kong mabilis niyang napansin ang paglabas ni Jerrold kanina sa mall na hindi kasama si DJ.

"Papalabas na rin siya...... hinintay lang niya ang iuuwi nitong pagkain....."

"Haist, ang kupad........." ang hindi makapaghintay na si Thirdy, at saka ito nagmadaling kumilos papasok ng mall, hindi niya narinig siguro ang kabuuan ng sinabi ni Jerrold. "Thirdy, saglit.......... hindi sasama si DJ," hindi na narinig ng kaibigan namin si Jerrold, ambilis kasi nitong maglakad.

"Lee okay lang ba...... sumunod ka sa amin sa Tagaytay pagkahatid mo kay DJ?" ba't ba parang nakikiusap ang kanyang boses, at parang pigil ang lungkot nito?

"Sundan mo na si Thirdy, hintayin ko na lang si DJ dito......" tamad kong bigkas, binuksan ko ang pinto ng sasakyan, "sige na......." nakita ko ang pagtalikod niya pagpasok ko ng sasakyan. Napayuko na lamang ako at napatiim ng pikit sa aking mga mata. Aaarrrgghh!!

Hindi na dapat ako maapektohan sa kanya, at saka may sarili na siyang buhay sa Amerika......... Ba't pa siya bumalik???

----------







Thirdy's POV

Nasaan si Damo? Hindi ko man lang siya nasalubong...... Ba't andaming tao sa bungad ng restaurant???

The Fall of Achilles (BL Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon