Chapter 25

8.1K 407 175
                                    

Simon's POV

"Tignan lang natin kung hindi na magmakaawa sa harap ni Thirdy ang Damo Dela Cruz Jr. na iyon...." kasama ko ngayon dito sa loob ng aking sasakyan ang kaibigan niyang si Paris habang palihim na nag-uusap dito sa parking area ng New Rizal Library.

"Talagang ipapayari mo si DJ?" pangungumpirma ni Paris sa akin.

"Mage-enjoy naman siya siguro sa tatlong yayari sa kanya, kung hindi naman eh karma na lang niya 'yon sa pagbangga niya sa amin at sa ginawa niyang pagpapahiya sa amin ni Thirdy sa cafeteria........ Paris, hindi ka ba namamangka sa dalawang ilog???? Siguraduhin mo lang na huwag kang babaliktad sa amin," paniniguro ko sa kanya, at kung hindi........siya ang isusunod ko!

"Ipinagpapasalamat ko ang hindi niyo pagbibigay ng red knuckles kay John Lloyd at sa akin bilang kaibigan ni DJ, at saka hindi ba kita bibigyan ng tip kung kay DJ ako kakampi?"

"Naroon na nga sa may rooftop si DJ, sa tambayan ni Lee, tsk, tsk.......kakaibang klase rin 'yang Damo Dela Cruz na 'yan," habang napapailing ako....... Ang sabi sa akin nitong si Paris ay parati daw si DJ sa tahimik na gusali malapit sa audio visual building, at pumasok kaagad sa isip ko na doon tumatambay si Lee. May balak yatang akitin ni DJ si Lee, well hindi siya magtatagumpay! Natawagan ko na rin ang housekeeper ng building at nakumpirma kong naroon nga si DJ, wala pa naman tao ngayon doon kaya timely ang pagpapadala ko ng tatlong gym instructor (matagal nang nangangarap na pumasok sa kapatiran sa distritong pinamumunuan ko ng the High Five), sana magtagumpay sila sa kanilang misyon. Ahahahaha! Masibak sana nila ang lagusan ni Damo Dela Cruz Jr.!

Tumatawag ang isa kong alipores na nagbabantay sa building na tambayan ni Lee, tila emergency kaya inangat ko ang tawag, "oh bakit???"

"Master nakita kong paakyat ng rooftop si Master Thirdy......."

"What????!!!!!"

----------






Thirdy's POV

"Lee nasaan ka na ba!" buntong hininga ko, nauubos na ang pasensiya ko sa paghahanap sa kanya. Sana nasa may rooftop siya! Mabilis akong umakyat ng hagdan hanggang sa may makasalubong akong housekeeper.

"Manong nakita niyo ba sa taas si Lee???"

"Ah, eh, uhmmm.... Sir hindi pa po....." nauutal si manong? Sa tono at kilos niya ay parang gusto niya akong pigilang umakyat. Anong mayroon sa kanya?

"Tabi nga diyan manong......aakyat na ako baka naroon ang kaibigan ko...."

"AAAARRRRRRGGHHH, TULONG!!!" sabay kaming napatingala ni manong sa itaas nang may parang narinig kaming sumigaw doon, "ano 'yon??"

"Baka may mga nagprapractice ng stage play sa taas," tila nagdadahilan ang tono ni manong.

"Stage play???" at isa rin itong si Sim, tumatawag.......mamaya ko na ito kakausapin, ano 'yong nasa taas mapuntahan nga kung mga estudyante ang naroon.

"Sandali lang," si manong ang boses niyang pumipigil habang mabilis akong paakyat ng hagdan.

"AAAARRGGGHHH!!!" mas malakas na ang pagsigaw ng isang binata na tila nagpupumiglas nang malapit na ako sa lugar ng pinanggagalingan nito.

Hanggang sa maaktohan ko ang tatlong malalaking mama na pinagtutulungan si Damo Dela Cruz Jr., napahinga ako ng malalim at napabuntong-hininga, ito ba ang plano ni Sim???? Aaaarrrgghhhh!!!

Mabilis kong hinila ang likod ng lalaking nakaharap kay Damo, ang nanuntok sa kanyang tagiliran ng dalawang beses. Dinapuan ko ng isang malakas na suntok sa mukha ang kalbong lalaki, nabitawan naman ng dalawa ang pagkakahawak kay Damo, napaluhod sa sahig si Damo na humahagulgol sa sobrang takot.........at saka ko pinaulanan din ng magkakasunod na suntok ang dalawa, kumaripas na ng pagtakbo ang kalbong lalaki at ang dalawang natitira ay lubha kong nakitaan ng matinding takot sa mukha nang makilala nila ako kaya nagsitakbuhan na rin ang dalawa.

"Aaaaarrrgghhhhh!!!!!!" rinig na rinig ko ang malakas na paghagulgol ni Damo habang nakaluhod ito sa sahig hawak-hawak ang sarili......damang-dama ko sa kanyang mga pagluha ang puot at galit.

Pinulot ko sa sahig ang napigtas niyang ID at ID lace, at saka ko siya tinulungang tumayo.... "Tama na ang pag-iyak, tumayo ka na........" concern tinig, at napansin kong punit ang kanyang damit.

Nanlaki ang aking mata at napanganga ako nang bigla niya akong dapuan ng isang malakas na suntok sa mukha.

"Hey! What the hell with you????" napahawak ako sa aking pisngi sa sakit ng pagkakasapak niya sa akin.

"Ikaw Darren Sy III, masaya ka na ba sa nangyayari sa akin ngayon????" nanunuot ang galit sa puso sa mga salitang binitawan niya habang patuloy ang pagdaloy ng kanyang mga luha. "Parte ba ito ng plano niyo para durugin ako????" pinahid nito ang kanyang luha.......... "Itong sakit na nararamdaman ko ngayon sa mga insulto at pang-gagago niyo sa akin??? Alam kong pansamantala lamang ito...........dahil wala sa bokabularyo ko ang sumuko, sarili ko lamang ang may kayang dumurog sa sarili ko, hindi ikaw, hindi kung sino! Tandaan mo ito........hindi ako luluhod sa harapan mo!"


----------

written by J J Tilan

THE FALL OF ACHILLES

THE FALL OF ACHILLES

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Fall of Achilles (BL Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon