Chapter 38

5.8K 200 20
                                    

Thirdy's POV

"When you find someone who can make you laugh, smile, grow, lust, want, crave, feel, and make you mad but happy. Keep that. That's euphoria...." napapailing na si Menard pagkatapos basahin ang status update ko kaninang paggising ko, ako naman dito nakatayo lang na kunwaring hindi siya naririnig habang nakatanaw sa tapat ng hindi kalayuang Blue Eagle Gym dito sa Katipunan Avenue.

"Aaaaaaaah, whew! Uhmmmmm.....sarap magpapawis!" nakangiting nakapikit ang mga mata habang inuunat ko ang aking mga kamay sa ere. Maganda rin pala ang magpalit ng hairstyle, mabuti maagang umakyat ng penthouse ang personal stylist ko at inunat nito ang buhok ko.

Nahuli naman ng dating dito sa pagitan ng McDonalds at Shakeys along C5 and Rosa Alvero ang labing dalawa kong bodyguards na isinama ko, kita kong paparating na sila. "Ang kukupad niyo! Hahahahaha!" pangangantyaw ko sa kanila para ma-divert ang sinasabi nitong si Menard.

"Bro maganda yata ang gising natin ngayong umaga ah? Kitang-kita sa status mo sa Facebook fanpage mo, saan mo nakuha 'yon??? Hahaha," napangiti lang ako sa sinabi ni Menard matapos akong mag-unat-unat ng katawan bago kami magsimulang umikot ulit sa ang buong university sa pagjo-jogging. Haaaay, talaga hindi mo 'to maililiko ng direksyon!

"Wala 'yan kinuha ko lang 'yan sa internet, nang may ma-status lang sa umaga," pagdadahilan ko.

"Whoa! Hindi ako convinced bro... tignan mo oh bentang-benta, may 58K shares na magtatatlong oras pa lang....." inilapit nito ang kanyang mukha sa aking mukha, at pinagmasdan ang hitsura ko, "in love ka ano?????"

"Lumayo ka nga sa akin," itinulak ko ito, "mukha mo, hindi ako in love....." at lalo siyang hindi convinced sa naging tono ng salita ko.

Napailing si Menard, "aabangan ko kung sino ito....." at bigla siyang tumawa habang bina-browse ulit ang kanyang smart phone, "bro mukhang kawawa 'yang babaeng natitipuhan mo, nagkaroon agad ito ng instant haters," si Menard sabay pakita ng isang comment sa status update ko.

"Who's that lucky girl???" ang comment ng isa sa mga followers ko, at sa kanyang comment ito ang reply ng isa sa mga taga university...... "Kung sino man siya, ibabaon ko 'yan sa gabundok ng basura!" from Jariel of Blue Babble Battalions at andaming nag-like sa re-comment niya, baka gusto niyang mapadalhan ng red knuckles? Hahaha.

"And wait, what's with your hairstyle??? Nasaan na 'yong parang pinya mong buhok??? Ahahaha! Anyway, mas maayos kang tignan ngayon, mahihirapan na naman akong pansinin ng mga babae kapag kasama ka," napansin pa ng babaerong ito ang buhok ko kahit sa mga balingkinitang volleyball babes na naglalakad nakatuon ang kanyang mga mata.

"Tumahimik ka nga Menard, sinisira mo ang mood ko!" napangiti na lang ako sa tatlong babae na kumakaway sa akin na siyang kabababa lang ng overpass, "hahahaha, ako pala itong pinapansin nila hindi ikaw, tsk, tsk! Sabihin mo nga sa akin bro, may masama ba sa pagbabago??? Eh sa gusto ko nang magbago!" giit ko sa kanya.............lalo na kung para kay Damo na itong ginagawa ko, napapansin kong tila hindi rin nito gusto ang hairstyle ko, kaya maiba na nga. At may sinumpaan kasi ako sa kanilang apat noon, na kapag nag-iba na ako ng hairstyle, ititigil ko na ang pagpapadala ng red knuckles sa mga bumabangga sa aming lima. Dahil ayaw ni Damo nitong hairstyle ko, wala na ring red knuckles.....ngayon ko lang na-realize na isang malaking kalokohan pala ang mga pinaggagagawa kong mga katarantaduhan, haist!

Bigla-biglang na lamang natawa sa aking tabi itong si Menard, "hahaha, kung para sa akin bro mahirap 'yang pagbabagong sinasabi mo lalo na ang maging stick to one sa babae," bigkas ni mighty Menard, ginagawa kasi niyang badge ang bawat babaeng nakukuha niya, napapailing na lang ako sa kaibigan kong ito. "Ano bro, change is coming na ba talaga, wala nang red knuckles? Baka naman change scamming 'yan??? Hahahaha."

The Fall of Achilles (BL Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon