Chapter 1: One Step Closer

Start from the beginning
                                    


"Naku po! Yan ka nanaman Caroline! Pinairal mo nanaman ang pride mo, 30 pesos nalang tuloy ang pera mo! Paano ka pa kakain bukas?" bulong niya sa kanyang sarili.




~SA AUDITORIUM~

Manghang mangha si Caroline sa laki ng auditorium. Pwede ka na sigurong mag-bike sa stage. Sobrang laki. Habang nag-sisimula  ang mga na-unang auditionees, nag-iisip siya ng paraan kung paano i-maximize ang performance niya mamaya.


Ilang minuto ang nakalipas... 

"Ms. Caroline Dizon?" tawag ng isang matandang judge na babae. Ngunit hindi siya kumibo.

"Ms. CAROLINE Dizon!!!" medyo lumakas at napa-tayo siya ng may kabog sa dibdib.

"Opo, Mam!" Caroline.


Pag-akyat sa entablado, isa-isa niyang tiningnan ang mga judges. Simula sa kanan, Mrs. Andres, Mr. Greene, Mr. Amos. Pamilyar siya sa binatang nasa gitna. Oh my! Si Beethoven Greene! Lalong lumakas ang kabog sa dibdib niya, dahil alam niya na isang nota lang ang mag-sharp o mag-flat, ay siguradong mahahalata ng binata.


"What are you going to perform?" Mr. Amos.

"I dreamed a dream po, Les Miserables."

"Good choice! You may start."

Isinilid niya ang rosaryong hawak sa kanyang bulsa. Huminga ng malalim at nag simula...


*There was a time when men were kind

When their voices were soft

And their words inviting

There was a time when love was blind

And the world was a song

And the song was exciting

There was a time

Then it all went wrong...

Sabay lakad sa kanan nang entablado....

Luhod sa gitna...

Tingin sa taas, tingin sa judges... 

Patak ang luha... 

*So different from this hell I'm living 

So different now from what it seemed

Now life has killed the dream I dreamed... 


Nag-tinginan ang mga judges ng walang reaksyon sa kanilang mga mukha. Sabay harap sa kaniya. 

"Iha, saang music academy ka nag training?" Mrs. Blanco

"Naku, self-taught po ako. Wala po kaming pera pambayad sa music school." Caroline. 

Bahagyang lumaki ang mata ni Beethoven sa narinig mula sa dalaga. Ngunit biglang binawi ang reaksyon. Nahalata ito ni Caroline. Ganda points kaya iyon??? 

Lalong lumakas ang tibok nang dibdib nito dahil parang hindi man lamang namangha ang ibang mga hurado. Hindi katulad kapag kumakanta siya sa mga contest, nag-papalakpakan ang mga tao. Pero dito, parang normal lang sa kanila ang maka-kita at makarinig nang magagaling. 

Meeting Mr. GiftedWhere stories live. Discover now