Chapter 8

115 30 32
                                    

Chapter 8
Chat

Naalimpungatan ako sa ingay ng kwarto. Kahit nakapikit ay kinuha ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko at tinignan ang oras. Alas tres pa ang nakalagay 'don, bakit ang ingay naman yata?

Napaupo ako sa aking higaan, napahilamos ako sa aking mukha at tumingin sa paligid. Madalim pa naman eh, bakit ang ingay?

Tumayo ako at nakita kong wala sa higaan sina Janice at Ysa. Nanlaki ang mata ko at namamawis ang aking kamay. Saan ba sila?

Narinig kong umingay uli sa 'di kalayuan. Tinakbo ko ang cr at nadatnan kong nasa labas si Ysa na nakatalikod at pilit pumapasok sa loob.

"Ysa?"

Lumapit ako sakaniya at hinawakan ang balikat nito, lumingon ito saakin na namumula ang mata.

Lumamlam ang ekspresyon ko bigla pilit pinapaharap sakin. "Anong nangyari?" I pleaded, baka may masamang nangyari kay Janice sa loob.

"Hindi ko alam, Casey. Bigla nalang siyang umiyak at pumunta sa cr." She sounded really tired at the same time ay nag-alala din ito, nakikita ko din na naiiyak din ito dahil sa pamumula ng mata niya.

Napabuntong hininga ako at mahinang kinatok ang pintuan. Kahit sa labas ay rinig na rinig namin ang iyak niya sa loob.

"Janice? Can you come out? Pwede ba pag-usapan natin 'yan?" Napakagat ako sa aking labi nang hindi ito tumigil at tinignan ko si Ysa sa tabi na nag-alala na talaga ito.

"Nandito kami, makikinig kami sayo. We are the howling hyenas right?" Napatingin saakin si Ysa pagkasabi ko sa howling hyenas at nakita kong napangiti ito.

Howling hyenas, iyan ang tawag saming tatlo. Si Janice ang nagpasimuno sa lahat. It's just a team name, but still malaking effect na iyon saamin. Hyenas are known for fierce and loud kaya ito ang tawag saamin. We are not loud sa iniisip ng iba. But with my friends, we act some kind of lunatics.

Narinig naman na unti unting tumigil ang ingay sa loob kaya nagkatinginan kami ni Ysa. Kakatok na sana ako pero bumukas na ito, kitang kita ko ang lalim ng mata ni Janice at ang pamumula nito.

Tumingin lang ito saamin at maya maya ay yinakap kaming dalawa ni Ysa. "We broke up!"

Kumunot ang noo ko. "Darren?"

Narinig ko na naman ang iyak niya kaya nataranta ako at hinihimas ang kaniyang likod.

Pinaupo namin siya sa study table naming tatlo, katabi ko si Janice at nasa harapan nakaupo si Ysa. Iniabot ni Ysa ang tubig kay Janice at agad niya naman iyon ininom.

Nagkatinginan kami ni Ysa at nahihiyang sino ang unang magsalita. Napapikit ako at napabuga ng hangin. Humarap ako kay Janice na nakatulala sa kaniyang baso.

"Hindi na kami magtatanong sa problema, pero isa lang masasabi ko—" huminga ako ng malalim at hinawakan ang kamay niya na may hawak na baso at ramdam ko ang panlalamig nito. "Hayaan mo muna ang sarili mo na magalit, umiyak, at lumungkot, tapos pakawalan mo na." Ningitian ko ito para mawala ang kaniyang lungkot.

"Oo nga, it's his loss not yours." Ika ni Ysa na nakangiti na din.

Tumango ako bilang sang-ayon sa sinabi ni Ysa. "Ito lang sasabihin ko sayo, ang break-up ay isang proseso dahil sa isang apak mo lang ay makikita mo na ang tamang relasyon na para sayo talaga."

Tumayo ako para makapaghanda na sana sa pagkain namin pero bigla nagsalita si Janice. "Pero he's the one for me, kakausapin ko siya uli. I will treat him more than—"

Tinignan ko siya at bumuntong hininga. "Nag-usap na kayo diba? Ayaw na niya? I know he is a jerk, malaki ang ulo niya dahil madaming nahuhumaling sakaniya pero, hindi mo trabaho ang kumbinsihin ang isang tao na mahalaga ang pagmamahal mo sakaniya."

The Bad Boy wants Me 😸Where stories live. Discover now