Chapter 4

135 43 40
                                    

Chapter 4
Pulled and clicked

"Finally! Exam's done."

"Ayun oh! Kain tayo sa labas?"

I grinned at tinignan silang dalawa. "Libre niyo ako." Nakita kong lumingon sila saakin na nanlalaki ang mata at umiiling. I saw Janice crossed her arms like a wakanda tribe.

Ngumuso ako at tinignan sila, I blinked my eyes cutely. "Why?-" napahinto ako at napaisip. "Gusto niyo girl's out?"

In just a snap of fingers ay nakalapit na ito saakin at yinugyog ako. Nakahawak na sila saaking braso. Ngumisi ako at iniiwas ang tingin nila.

"Woah, totoo ba ito?"

"Am I not dreaming?"

Binitawan ko silang dalawa at pilit lumayo. "Basta, libre niyo ako!"

Nakita ko silang nagkatinginan at napapaisip. Napanguso ako sa reaksyon nilang dalawa. Ano na naman kaya iniisip nila?

Ilang segundo ay hinawakan uli ako sa magkabilang braso at agad kaming naglakad.

"Libre na namin ito, since first time lang namin marinig galing sa bibig mo." Ysa said with full of excitement on her face.

Kumunot ang noo ko. "Hindi kaya."

Umiiling silang dalawa at agad kaming lumabas sa school. Nakikita ko sa mukha nila ang excitement dahil sa girl's out namin.

'Girl's out' is their favourite things to do. They go shopping, buying dress and make ups and even doing some make over. Sinasamahan ko sila lagi, pero ako na mismo ang mababagot. I don't even buy stuffs, masasayang lang pera ko.

But right now? I want to enjoy first. Bibili ako ng damit ko dahil luma na at hindi pa ako makakauwi sa probinsya namin.

Nang marating na namin ang Mall ay kitang kita ko ang pagkislap ng mata nung dalawa. I don't understand, pero bakit natutuwa sila? Saakin kasi nakakapagod.

Our first destination ay kumain muna kami sa isang fast food dito sa mall, nagutom utak namin sa exams kanina. Inubos ang lahat ng subject since konti nalang dahil third year na ako sa college as a computer science student.

"Diba siya si Casseopia? Ang ganda niya sa malapitan 'no?"

"Oo nga, maganda talaga siya. Dapat sumali siya sa Myunghei Contest eh."

Uminit ang pisngi ko ng marinig iyon at pilit hinahanap kung sino ang nagsalita. Nakita ko din ang pagngisi nina Janica at Ysa, dahil alam kong narinig din nila iyon.

"Ang popular mo talaga, Casey." Janice commented.

Hinawakan ni Ysa ang pisngi nito at nagpapacute saamin. "Am I not that cute?" She blinked her eyes.

"Cute ka naman-"

Someone interupted me nang may isang nakita akong kamay na may papel sa aking mukha kaya napatingin ako sa may-ari 'nun.

Nakita ko ang isang juniors sa school namin kaya napataas ang kilay ko. "Ano 'yan?" Tinuro ko ang papel.

Nakita ko ang pagpula ng pisngi nito at yumuko. "Ate, pwede humingi ng number mo?"

Hindi ko mapigilang ngumiti dahil ang cute niya. Kinuha ko ang papel at narinig ko ang pagsinghap niya dahil sa gulat. Napanguso ako at sinusulat ang number at agad binigay sakaniya.

"Thank you, Ate! Ang ganda niyo po."

Magpapasalamat sana ako kaso tumakbo na ito palayo. Grabe naman 'yun, biglang biglang aalis. I just shrugged my shoulder at bumalik sa kain.

The Bad Boy wants Me 😸Where stories live. Discover now