Chapter 7

121 35 29
                                    

Chapter 7
Handa

"Ano ba ang gusto mo?" Sinundan ko ito at hinila ang braso niya, lumingon ito saakin na nakangiti. With his arrogant face ay kitang kita ko na nasasayahan ito sa pangyayari.

He crossed his arms at tinignan ako. "Hey, retard. Gusto mo ako diba? Then I want you."

Napanganga ako sa sinabi niya. What the hell? Ano ba ang pinagsasabi niya? Aaminin ko gusto ko siya— hindi yung gusto kundi namamangha lang ako sa katalinuhan nito at sa mukha.

Tumalikod uli ito saakin at pumunta sa likuran ng gym. Sinundan ko uli ito.

"Makinig ka nga saakin." Nakita ko itong huminto pero nakatalikod parin parang may ginagawa 

Napanguso ako at hinila ang braso niya. "Zachariah Mike!"

Pagkaharap nito ay nanlaki ang mata ko at napatitig sa hawak niya. "The heck?"

Kinuha ko ang sigarilyo sa kamay nito at tinapon, inaapakan ko ito upang mawala ang apoy. "Alam mong bawal ang maninigarilyo dito!"

Tinignan ko siya ng masama nang nakita ko na kumuha uli ito ng isang stick ng sigarilyo sa bulsa nito. Kukunin ko sana uli ito pero itinaas na niya para hindi ko makuha uli. He is so tall, kaya hindi madaling kunin ang hawak niya.

"What's your problem?" Kunot noong tanong nito saakin habang nakataas parin ang kamay niya upang hindi ko maabot ang sigarilyo.

Binigyan ko siya ng matalim na tingin at tumatalon para lang maabot ang hawak niyang sigarilyo. "Ano ba, nakakasama 'yan sa katawan."

"Really? Kailan pa nag alala ang isang prinsesa namin?" Narinig ko ang pag ngisi nito at parang natutuwa.

Napabuga ako ng hangin at tumigil. I give up, ang tigas ng ulo nito. Napahalukipkip ako at tinignan siya, malinis parin ito tignan kahit nakapag-jersey lang ito. Basa pa ang buhok nito sa pawis at kita ko ang pamumula ng ilong nito at dibdib niya dahil kakagaling lang nito sa practice.

"What do you want?" Tumaas ang isang kilay ko at kumawala ng isang tikhim.

Napatingin ako sa hawak na sigarilyo na wala pa itong sindi pero itinapon na niya ito kung saan. "Well, I want you." Ika niya at kitang kita sa mukha nito na seryoso ito.

Napalunok ako at umiwas ng tingin. "What want?"

Kinakabahan ako, hindi ko alam anong tumatakbo sa isip niya. I heard some rumors says na, mahilig itong maglaro ng feelings ng babae. He will play his little tricks, at kapag hulog na hulog na ang babae ay tsaka niya lang ito iiwan.

"I want you to be my secretary, my assistant—" huminto muna ito at lumapit saakin, sa bigla ko ay napalayo ako. Inilapit nito ang mukha niya sa tenga ko, napasinghap ako nang maamoy ko ang pabango niya na hindi rin nakakasakit sa ilong ko.

"I want you," dagdag nito.

Nanlaki ang mata ko, pagkarinig ko sa sinabi niya ay parang may kung anong humaplos sa batok ko and I felt goosebumps.

Tinulak ko ito ng malakaas upang makalayo, napakagat ako ng labi ng mahawakan ko ang dibdib niya at narinig ko ang pagkawala ng munting halakhak niya.

"Damn you!" I screamed at buti walang taong dumadaan sa likod ng gym kundi nakikita na ang pagwawala ko.

Tumalikod ako and I marched my way out, with my closed fist ay kanina pa ako nanggigigil. I want to punch him, pero may natira naman akong kabaitan sa katawan ko. But with him? Lumalabas ang other side ng isang Casseopeia.

Nang nakabalik na ako sa loob ng gym ay bumungad saakin ang kanilang mga tingin na may halong pagtataka at panunuya. Napatingin ako kay Erich na kanina pa ako binibigyan ng matalim na tingin. What's with her?

The Bad Boy wants Me 😸Where stories live. Discover now