Chapter 6

140 42 47
                                    

Chapter 6
Get ready

"Totoo nga, I saw it." Tinignan ko sila ng masama dahil hindi parin ito naniniwala.

Kinwento ko sakanila ang nakita ko kahapon, pero hindi ito naniniwala. They even laughed at me. Totoo ko ba silang kaibigan?

"The great Zachariah? No way. Alam kong hindi ito naglalaro sa mga ganiyan, he loves to—" pinutol ni Janice ang sasabihin ni Ysa.

"Fooling some girls?" Ngumisi si Janice while sipping her juice.

Napahawak ako sa aking ulo dahil kahit anong gawin ko ay hindi sila naniniwala. Dahil how come a great Zachariah talks to me? Isa lamang akong hamak na ordinaryong estudyante.

And about doon sa mall, akisedente lamang daw iyon kaya huwag ko na raw pansinin dahil parang wala lang daw 'yon kay Zach.

"Ayaw niyo maniwala, edi huwag." Ngumuso ako at tinignan ang pagkain ko sa lamesa. Nawalan ako ng gana. Nandito kasi kami ngayon sa cafeteria dahil lunch break na.

I still don't get it. Tama nga naman sila, bakit nag lalaro si Zachariah nun? He loves to fool girls, basketball, at higit sa lahat he is the president of our department! Kahit bad boy image ito, ay hindi din maitago ang katalinuhan niya. He is running for Valedictorian sa school. Hindi biro ang talino niya. Isang taon ang pagitan naming dalawa, graduating na ito ngayon.

Naalala ko bigla sa laro na may kaibigan din ito na nakalaro ko sa Kingdom Quest. Meaning, nandito din sila diba? Hindi ko pa nakikita ang mga kaibigan ni Zachariah dito sa campus dahil minsan ko lang makikita siya sa campus. 

Napahalumbaba ako sa lamesa nang naubos ko ang pagkain. "Ugh, dual sports mamaya diba?"

Tumingin saakin si Ysa at tumango. "Kaya nga eh, dapat sapat na ang physical activities natin. Tulad nung jogging, diba?"

Tinignan namin ni Janice si Ysa at nakaramdam ito kaya ngumuso ito sa harapan namin. "I'm sorry, okay? Ako na tamad."

Hindi ko mapigilan kaya napahalakhak ako. "Right, kami nalang ni Janice ang sumasalo sa slip mo."

Nakanguso parin ito at umiwas ng tingin. "Ayoko kasing pawisan, ew!"

We all laughed dahil sa kaartehan ni Ysa. Ysa is really a girly type of person, siya ang palaging nakakaisip ng kabaliwan. Lahat ng Valderama ay ganiyan, I already met her family at makikita ko din ang kakulitan nilang lahat.

When it comes to bravery, there is Janice Lopez. Girly type din ito, pero unlike Ysa. She's a daredevil. Nagawa na niya ang lahat ng kalokohan.

But both of them? They are very intelligent, and a true friend. Kahit napakayaman nilang dalawa ay nakikita ko na napakahumble nito. Akala ko noong unang punta ko dito at nalaman ko na roomates ko sila ay hindi nila ako papansinin, but I was wrong.

Tumayo kaming tatlo at nagpaalam sa isa't-isa. We parted our ways para makabalik sa rooms namin. Iba ang subjects naming tatlo sa oras na ito. Pero sa dual sports mamaya ay magkaklase kami.

"New look, huh?" Napahinto ako dahil nakita kong palapit saakin si Riley. With her angelic face that gives me shivers dahil sa evil personality nito. How come an angelic face may ganiyang personality?

"Bakit?" Takang tanong ko, I need to go to my room baka malalate ako.

"Homecoming Party is coming, don't you dare enter as a candidate for a Queen." Tinignan niya ako ng masama, she check out her nails at nakita kong kulay red ito with some glitter. Napangiwi ako dahil ang haba nito, nakakatakot kapag makalmot ka panigurado ay dudugo talaga ito.

Tumaas ang kilay ko. Not again. "Why?" I'm teasing her, at nakita ko itong kumunot ang noo.

"Just don't!" She stormed out.

Napailing ako. Here she goes again by blackmailing me.

Naalala ko na naman noong Myunghei Contest for the Queen bee, sasali sana ako para candidate sa Department namin. Pero binantaan niya ako, if sasali ako sabi niya ay she will make my life ruin.

Riley Boston from Arts and Sciences department, she won as a Queen bee. She's also the Arts and Sciences princess, the face of their department. She's really popular, unang punta ko dito ay siya agad ang napansin ko.

I'm still the face of our department, hindi ko alam sino ang nagboto sakin but thanks to them. They just call me princess, hindi ko alam ang lahat na ito kundi dahil kay Ysa. Pinakita niya ang ranking saakin.

Pagkatapos ng major subject ko ay agad ako nagbihis para sa dual sports namin. Pagkalabas ko ng cr sa gym ay nakita ko na agad ang iilan sa mga kaklase ko na mag stretching pero agad itong nahinto dahil may pumasok na ibang section.

"Wala sa record ko na may ibang section din gagamit sa gym ah?" I heard Coach Nathan said.

Naramdaman kong tumabi saakin si Ysa at Janice na kakabihis lang din at nagtataka sa pumasok.

"Fourth year?" Takang tanong ni Janice nang namataan namin ang kaniyang boyfriend.

Boyfriend ni Janice ay graduating na rin, isang engineering ang boyfriend nito. Nakita namin itong lumingon saamin kaya kumaway si Janice.

May lumapit saamin na isang coach sa kabila at kinausap ang coach namin. Nang natapos na ang usapan nila ay lumapit ito saamin.

"Class, panuorin muna natin sila. Sila muna gagamit sa gym, pagkatapos ay tayo kaagad." Aniya sa seryosong boses.

We all agreed at umupo sa bleachers. Dahil may game daw ang basketball boys sa school namin, biglaan daw kaya ito nagoapractice. Habang nanunuod kami sa laro ay may napansin ako.

"Is it me, or talagang nakatingin sa banda natin si Zachariah?" Bumulong saamin si Ysa.

Tumingin ako sa laro at nakikita kong sumusulyap ito sa kinauupuan namin habang naglalaro. Bigla itong ngumisi nang napatingin ito saakin kaya umiwas ako ng tingin.

Baka hindi ako ang tinignan niya, napakaassuming ko naman.

I heard their coach whistled at tumigil na ang laro nila. My dual sports classmates cheered on them, pumalakpak lang ako.

"Oh my!" Tumili sina Ysa at Janice kaya agad akong nagpanic.

"What?"

Tinuro nila si Zachariah na papunta sa bleachers namin. Lumingon ako sa paligid at namataan ko si Erich, isang engineering princess. Nakita ko din na inaasar din siya ng katabi niya dahil nakita itong papalapit na si Zachariah. Naeexcite ako, dahil hindi ko mapigilang kiligin. Aaminin ko, I have a small crush on Zachariah dahil sa kaniyang looks and brains. Pero paghanga lang iyon. And pakiramdam ko ay baka may gusto ito kay Erich.

My excitement fades at napalitan ito ng kaba nang unti unti itong lumapit sa kinauupuan ko. He locked me between his arms. Ang kamay nito ay nakahawak sa upuan sa likuran ko. Napalunok ako ng tumingin ito ng seryoso saakin.

"Casseopia, right? Get ready, because I want you."

I heard everyone gasp.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, ano raw? Ang tagal mag sink-in sa utak ko ang pangyayari.

Lumapit ito saakin lalo. "Get ready." He whispered on my ear.

----

Gagawin ko itong short story, maybe 15-20 chapters I think?

Enjoy reading. Be a fan.

The Bad Boy wants Me 😸Kde žijí příběhy. Začni objevovat