Ang tula ito nagawa ko siya nong nasa 4th year high school pa lang ako. Dahil malungkot ako at nami miss ko talaga yong boyfriend ko na nasa malayo. Sana magustuhan ninyo ito.
"Mga Gabing 'Di Ka Kasama"
I.
Maraming mga gabing malungkot
Na pilit kong winawaksi at nililimot
Gabing 'di ka kasama
Ni pagsilay sa iyo'y di ko magawa.
II.
Tumitingin ako sa kalangitan
Kung saan maraming bituin, ang aking nasilayan
Bituing kasing-liwanag ng iyong mukha
At buwang nagbibigay ningning sa aking mga luha.
III.
Oo, luha ng kalungkutan
Sa tuwing naaalala ka't di man lang masilayan
Hanggang matapos ang gabi
At oras ng aking paghikbi.
IV.
Sa aking pagtulog
Ika'y kasali sa 'king dalangin, o aking irog
Naway lagi kang gabayan ng Diyos
At maiparating sa iyo ang aking pagmamahal na taos.
V.
Sa kaloob-looban ng aking puso
Ika'y mahal ko at gustong makasalo
Sa init ng gabi at lamig ng simoy ng hangin sa umaga
Hanggang 'di na magkakahiwalay sa mga araw na darating pa.
YOU ARE READING
Tula
PoetryTula ng pag ibig. Sa minamahal,magulang,kalikasan at sa bansang sinilangan. Sa walang hangganang pagmamahal ng Diyos .