Chapter 16: Sunday * Family Day

24 2 6
                                    


My other Extraordinary Encounter

Written by Don Roman T Co

Markus' POV

Kinabukasan pagkatapos kong mag-breakfast mag-isa, dumiretso ako agad sa labas at pinuntahan ang cage ni Brave. Katulad ng inaasahan ko, natutulog na naman ang alaga ko. What an indolent tiger.

"Sir Markus, mabuti na lang lumabas ka na. May sasabihin sana ako sayo." Sinalubong ako ni Jared na may pananabik sa kanyang tono.

Hindi ako kumibo, humarap lang ako kay Brave na parang wala akong kausap.

"Sir. I guess I need a day off, tutal Sunday naman ngayon. Maaari po ba?" He told me straight to the point.

Hindi pa rin ako nagsalita. Siryoso akong pinagmamasdan ang bawat angulo ng leeg ni Brave. Ini-imagine ko kung babagay sa kanya ang regalo kong dala ko.

"Nami-miss ko na po ang pamilya ko. Nami-miss na rin nila ako. Gusto ko na silang makita..." Natigilan siya sa pagdadrama nang mapansin niyang nasa tigre pa rin ang atensyon ko. "Sir. Sir Markus? Hello?"

I put my right hand inside my pocket, and then I seized the small stuff – it's the bell that I snatched in the tiger stuff toy yesterday. Wala anu-ano, binato ko sa kanya ito at nasalo naman niya. Nawala ang lungkot sa kanyang mukha. Napalitan ng pagkagulat nang maalala niya ang bagay na iyon kung para saan.

"Huwag mo kong pangunahan Jared. Akong magsasabi kung kalian ka pwedeng mag-day off, okay?" I crossed my arms over my chest. "Tama ang iniisip mo. Ano pang hinihintay mo? I want to see the result asap!"

"Wow Sir, sinunod mo nga ang suggestion ko. I feel I'm a kind of flattered in a way." Now he was on cloud nine. Such a dork guy! Tsk.

"I'm just being considerate on the idea you mentioned."

Pagkatapos niyang bukasan ang cage, he took advantage while tiger is in a deep slumber. Maingat niyang nilagay ang bell sa suot niyang neck belt kung saan nakalagay ang name tag niya. After a while, ni-locked niya ulit ang cage habang hawak-hawak ang chain nito. Tuwang-tuwa ang pet handler sa mga oras na iyon kasabay ng pagbatingting ng bell sa tuwing makikilos si Brave.

"Perfect..." unang salitang lumabas sa bibig ko nang ma-amaze ako sa nakikita ko.

"Tama kayo Sir Markus, bagay na bagay nga sa kanya."

Pinabukas ko ulit kay Jared ang cage at inagaw ang chain na hawak niya. All of a sudden, inilabas ko si Brave sa kulungan niya. Wala ng nagawa pa ang pet handler kung hindi lumayo at umiwas sa amin. Humupa ang maaliwalas niyang mukha sa ginawa ko. Hindi niya na-predict na ganon ang gagawin ko – lalo na nang makita niya ang paghila ko kay Brave patungo sa exit gate.

"Sir, hindi nyo gagawin ang iniisip ko, tama ba?" he yelled at me while the tension is rising.

"It's bonding time," I smirked at him. "Huwag kang mag-alala, hindi naman kami lalayo ni Brave. We just need a fresh ambience."

Nang makalapit na kami ni Brave pagkatapos ng mahabang lakaran sa main exit gate. Ang mga bodyguard at driver na nagkakagulo at natataranta, kahit anong pagpipigil niya sa akin ay wala silang nagawa. Ang iba sa kanila ay nagtangka pang i-block kami at ayaw buksan ang malaking gate.

"Are you going to open the gate? Or you want me to do this." I threatened them that I will let go of the chain in my hand. "Isa... dalawa..."

Mas lalo pa siyang nasindak nang mag-snarl si Brave sa harapan nila. Roar! Wala na silang nagawa pa. Sinenyasan ng head bodyguard ang naka-assign na tauhan niya sa gate house. Saka niya binuksan ang malaking automatic na exit gate. Hindi na ko nagdalawang isip na hilahin ang tigre palabas. Their eyes are wide opened, while their jaws dropped in a trance.

Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: May 25, 2019 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

MY SAVING GRACEHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin