Chapter 11: New Friends * Old Memories

27 2 0
                                    


My other Extraordinary Encounter

Written by Don Roman T Co

Gabrielle's POV


Hindi pa sumisikat ang araw ay gising na ko. Ang mga gamit ko na inayos ko kagabi ay nakahanda para sa pag-alis ko ngayong araw. Ang ginawa kong farewell letter na naka-address kay Linus ay handa na rin. Nilapag ko ito sa side table para madaling makita ng sinuman papasok dito mamaya.

Pasensya na Linus kung hindi na ako nakapagpaalam sa'yo ng pormal. Alam kong galit ka pa rin sa akin hanggang ngayon. At naiintindihan kita kung anong nakakaramdaman mo. Wala pa akong mukhang maihaharap sa ngayon dahil nagi-guilty pa rin ako sa ginawa ko sa inyo. Sana dumating ang araw na mapapatawad mo rin ako. Salamat sa friendship at sa lahat-lahat ng tulong na ginawa mo para sa akin...

I have a teary eyes nang lumabas ako ng room ko. Hila-hila ko sa kanang kamay ang luggage ko, habang kabila ay accompanied pa rin ng crutch. It's a good thing na may improvement na sa kalagayan ko at medyo nakakalakad na rin ako ng maayos. I guess – this is the right time para magpaalam na sa pamilya Talavera.

"Patawarin nyo ako Mrs. Talavera, mukhang hindi ko magagawa ang favor na hiningi nyo sa akin." I whispered to myself.

Nang mapadaan ako sa harap ng door ng room ni Linus, natigilan ako sa paglalakad. I took a deep breath. As much as possible ayokong makagawa ng ingay para hindi sila magising. Mabuti na lang ay napakiusapan ko si Manong driver na maging kakontsaba ko sa plano kong ito, kahit tutol siya sa pag-alis ko.

"Linus, I'm really sorry for being a burden to you. Gusto ko pagkaalis ko, bumalik na ang dating Linus ah. Yung Linus na kilala kong masayahin at pala-ngiti. Sana huwag mong pababayaan ang studies mo. Pasensya na mukhang hindi ko magagampanan ang role ko bilang personal tutor mo. Cheer up ka lang lagi, okay?" parang akong baliw na kausap ang pintuan at pinipilit ngumiti.

After a second, sumimangot muli ang mukha ko. Tinuloy ko na ang paglalakad habang nakayuko na parang nagluluksa. Hindi pa ako nakakalayo sa hallway, nang biglang lumiwanag ang paligid. The light was turned on.

"Ah?!" pagtataka ko nang bigla akong napatigil muli sa paghakbang. "Paano sumindi mag-isa ang ilaw?" Nakatingala ako at tinitingnan ang puting ilaw.

Oh, it's creepy here. Its give me a goosebumps. Don't tell me pati multo pinipigilan akong umalis? Tsk.

"O baka sensored light?" I sighed. Hindi ko na pinansin ang nangyari. Hinakbang ko na ang kanang paa, kasunod ng crutch. Kaya lang biglang kong naramdaman ang pagbigat ng hinihila kong malate.

"Arg!" I turned my back slowly, at nagulat ako sa nakita ko.

"Huwag ka ng umalis." sabi ni Linus habang hinahawakan ang malate. "Please?" lumingon na rin siya sa mukha ko. Sa tingin ko hindi din siya nakatulog ng maayos katulad ko – dahil sa itsura niya.

"Linus, Ikaw pala iyan." I blinked my eyes with my jaw dropped. "Pero paano mo–?" Paano mo nalaman na aalis ako?

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil nagsalita siya kaagad. "Huwag ka ng umalis, Rocky. Hindi ba pumayag ka na maging personal tutor ko?"

A long silence came, para akong na-speechless sa narinig ko. I can't believe this – ayaw nya akong umalis kahit may kasalanan ako sa kanya. Am I dreaming? Totoo ba ang sinasabi niya?

"Hindi ka na galit sa akin? Paano iyong natuklasan mo... tungkol sa akin?"

"Sshhh..." he put his index finger on his lips. "Hindi naman ako galit sa'yo. Nagtampo lang ako, pero wala na iyon. Akala ko kasi katulad ka rin nila."

MY SAVING GRACEWhere stories live. Discover now