Chapter 12: Unexpected * Past

16 6 0
                                    


My other Extraordinary Encounter

Written by Don Roman T Co

Markus' POV


Mula sa loob ng aking silid, nag-decide akong lumabas pababa sa living room. Nakahinga ako ng maluwag nang madatnan kong wala ni isang tao. Finally, I can execute my initial plan smoothly. I thought to myself. Pagdating ko sa area kung saan nakalagay ang cordless handset phone, hinablot ko ito kaagad nang walang pag-aalinlangan. Then I snatched the piece of paper inside my pocket, and dialed the President's office number that I wrote a while ago.

I took a deep breath. "Hay, ang tagal naman. May balak ba silang sagutin ang tawag ko?" reklamo ko habang nagta-thump ako ng floor using my right foot.

Pagkatapos ng ikaapat na ring, sa wakas narinig ko na rin ang boses sa kabilang linya. "Thank you for calling President's Office. Good afternoon. How may I help you?" isang babae ang sumagot ng tawag ko.

"Hello?" I cleared my throat. "I want to talk to the school president." I said candidly.

"Ugh. May I know Sir who's on the line?"

"Tell her this is Marcus Villamor."

"May I know the reason for calling?"

"Ba't ba ang dami mong tanong?! Are you going to pass the line or not?" Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"I'm sorry. Sumusunod lang po ako sa protocol. Kailangan ko pong malaman, hmmn... kung anong business nyo kay Madam President?" she explained while stuttering.

"I said I need to talk to her as soon as possible!" bulyaw ko na may kalakasan ang boses. Arg! Nakaka-high blood siya. Ang dami nyang tanong!

Biglang natahimik ang kausap ko. Ang paghinga niya ay dinig na dinig ko. Sinubukan kong mag-inhale at exhale para kumalma. Hindi muna ako nagsalita ng ilang segundo. Binigyan ko siya ng pagkakataon na makapagsalita yung hindi siya natataranta.

"Ho-ld on, one-second..." she put me on hold.

D*mnit! Don't tell me paghihintayin na naman niya ako.

Pagkalipas ng dalawang minuto, finally may narinig ko na rin ang boses ng school president. I felt the relief crawling up in my whole body. Then I sighed heavily.

"Ikaw pala iyan Marc-Marcus? It's good to hear you again." Ang tono niya kagaya pa rin ng una naming pag-uusap - mahinahon at relax lang.

"Pasensya na po Madam President sa istorbo." I tried to sound as calmly as I could.

"It's there something going on?" pagtataka niya.

"Wa-wala naman po. Busy ba kayo ngayon? Pwede na po ba natin ituloy ang naputol nating usapan last time?" To be honest, hindi ako masyadong sanay sa paghingi ng favor o request sa kahit na kanino.

"Ah iyon ba? Hindi na masyadong busy so far, at saka by five magko-close na rin ang office. So, I will be free then." Tiningnan ko ang wall clock. I just found out na isa't kalahating oras pa bago mag-five 'o clock.

"Kung ganon, pwede po ba tayong magkita mamaya after nyo sa school?"

"No problem Marcus! That's a good idea. Magkita tayo ng six sa café malapit sa school."

I grinned. "Sure Maam. I'll see you later!"

Pagkatapos ng conversation namin ng school president, hindi ko mapigilang mapatalon sa tuwa. Lumingon muli ako sa orasan, umaasang mag-a-alas-singko na para matapos na itong kalokohan ko. Although nasasabik na ako sa pag-alis ko ng mansyon, on the other hand hindi ko maiwasang hindi kabahan. I'm sure hindi magugustuhan ni Rebecca at dude kapag nalaman nila ang ginagawa ko. I was convinced na ayaw na din niyang hungkatin ang mga nakaraan - dahil gusto nilang kalimutan ang masakit na nangyari kay dad - pero naniniwala ako na may mga bagay pa rin na hindi malinaw. I'm not trying to re-open the closed case of my dad, what I want is to find out about the real story ten years ago.

MY SAVING GRACEKde žijí příběhy. Začni objevovat