Chapter 3: Red Broccoli Girl * Skateboarder Guy

19 2 2
                                    


Gabrielle's POV

Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog dahil sa naririnig kong malakas na ingay mula sa may di kalayuan. I'm sure there are bunch of people outside, na nag-uusap sa labas ng silid na ito. Sinubukan kong iangat ang ulo ko, at sinunod ang upper body ko. Aw! Hindi pa man ako nakakagalaw nang husto ay may naramdaman na akong sakit sa bahagi ng likod ko. Bumulaga na lang sa akin ang nakakaawang kalagayan ko sa mga oras na ito. Ugh!

I never thought na ganito ang magiging itsura ko na walang pinagkaiba sa isang paralyzed person. Kung ide-describe ko ang sarili ko, may mga bandages ako in different parts of my body. Ang kaliwang binti ko ay naka-elevate at nakapatong sa isang malambot na bagay sa hinihigaan ko. Sinubukan kong igalaw ito pero nakaramdam ako ng matinding sakit. Napunta ang direksyon ng mga mata ko sa isang first aid kit at ice pack bag sa may table doon.

Wait, hindi ito ang room ko! Nasaan ako? Anong lugar ito?

"Oh my God, what happened to me?! Why I can't remember anything?" nasambit ko na lang na may tonong pagkadismaya.

Pinilit kong tumayo sa bed, at saka sinubukang makapaglakad with my barefoot ng ilang hakbang sa abot ng aking makakaya. Naghahanap ako ng crutch or any staff na magagamit kong pang-suporta, kaso wala akong nakita.

Sh*t! Ang malas ko naman talaga! Nasaan na ba ang mga taong nagbabantay dito?

Nang nasa pintuan na ko, binuksan ko kaagad ito para makalabas. Ngunit hindi ko pa nabubuksan ng maigi ang pinto ay napatigil na naman ako, hindi pa rin pala tapos ang diskusyon na naririnig ko mula kanina. Kaya kahit hirap akong maglakad at paika-ika, pinilit kong makalabas agad sa lugar na hindi ako pamilyar.

I'm pretty sure this is not a hospital, but instead a health facility, or just a simple clinic of someone else. I have to ask someone para malaman ko kung nasaan ako, at kung bakit ako nandito. Nakapaglakad ako sa hallway at may nakita akong lost and found section kung saan nanggagaling ang malakas na ingay.

"Paano naman makakapag-rest ang isang pasente sa lugar na ito kung banda rito ay may ganitong set-up?" I murmured while I'm still trying to pace forward.

"Sinabi kong sa akin ang skateboard na yan. Mananiwala kayo!"

"Kung sa'yo nga ito bata, paano namin malalaman na nagsasabi ka nga ng totoo?"

"Ano bang gusto nyong ipahiwatig? Sinasabi nyo bang nagsisinungaling lang ako?"

"Hindi naman sa ganon bata. Ang sa amin lang baka may maghanap din ng bagay na ito, kaya naniniguro lang kami."

"SOP na rin as a part of our job kaya naming ginagawa ito, bata. Okay?"

Tumambad sa akin ang limang lalaki na nagtatalo nang makasilip ako sa pintuang bahagyang nakabukas. Yung isa sa kanila ay isang teenager na malamang kasing edad ko, samantalang ang apat ay mga may edad na. Hindi ko alam kung anong pinagtatalunan nila. I believe it has something to do with the skateboard na hawak-hawak ng isang lalaking may edad, na nakapang-security officer ang suot na uniporme.

Oh I see. I knew it. Nandito pa pala ako sa airport. Pero paano ako naaksidente nang ganito at dinala sa clinic?

Mag-isip kang mabuti, Gabrielle Grace... Isipin mong mabuti kung anong nangyari sa'yo kanina. C'mon. Think. Think! Think!

"Sir, nagsasabi po ng totoo ang amo ko. Sa kanya po talaga ang skateboard na iyan. Nakalimutan lang niya iyan sa passenger's lounge." Nagbutt-in ang isang lalaking naka-attire na katabi ng lalaking umaangkin ng skateboard.

MY SAVING GRACEOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz