Chapter 13: Flashback * Story

15 2 5
                                    



My other Extraordinary Encounter

Written by Don Roman T Co

Chapter 13: Gabrielle's POV


Sabado ng umaga, masasabi kong maaliwalas ang panahon at malamig pa rin ang klima sa Guioba City, pero kabaliktaran ang nararamdaman ko. Although wala pa akong one week simula nang makabalik ako sa lugar na ito pagkalipas ng sampung taon - pero feeling ko masyado ng marami ang mga nangyari. I was still preoccupied since last night. Until now I'm trying to move on for what happened yesterday. But the more I think about it - the more I feel in distressed.

Hindi ako masyadong nakatulog kagabi at ngayon naman, hindi ako nakakain ng maayos sa breakfast. I went outside for a while and stayed in front of the porch. But then I ended up walking in the backyard. Kailangan ko makalanghap ng sariwang hangin.

"Rocky nandyan ka lang pala." Narinig ko ang boses ni Linus na bigla na lang sumulpot from nowhere. "I'm sorry kung nagulat ka sa ginawa ko." Naka-peace sign pa siya gamit ang kaliwang kamay niya.

"Ah, okay lang iyon." I showed my force grin to him.

"Hindi ka ba natutuwa, mukhang malapit ka ng magpaalam sa crutch mo?" biro niya nang mapansin niyang hindi na ko nahihirapan sa paglalakad. Alam ko iyon Linus, pero hindi iyon ang gumugulo sa utak ko ngayon. I wish I could tell you what's on my mind right now.

Umupo kami sa may bench. Napansin kong naging siryoso ang mukha ni Linus nang ma-realize niya na iba ang mood ko ngayon. Iniwasan ko ang tingin niya. Binitawan ko ang hawak kong crutch at yumuko ng bahagya.

"I just noticed Rocky simula nang pumunta tayo sa mansyon nina Joey, hindi na kita nakitang ngumiti. Meron bang problema? I'm here. Linus is always ready to listen."

Nilalaro ko ang mga darili ko, habang hindi pa rin ako makatingin ng diretso sa kanya.

"Linus, since from the start you've already proven how helpful you are to me. I am truly grateful - at ikaw ang unang naging kaibigan dito sa Guioba City. Ayokong ma-involve ka sa mga personal na problema ko. Enough na sa akin na malaman na may isang nag-aalalang kaibigan para sa akin."

"Ano ka ba Rocky? Ano pa't naging kaibigan mo ako kung hindi mo naman isi-share ang mga problema mo sa akin. Hindi ba ang mga magkaibigan, nagdadamayan during good and bad times?"

Hindi ako nakaimik sa narinig ko. Tiningnan ko siya sa mata, at ngumiti siya.

"Thank you talaga Linus sa concern mo."

"Sabi ko naman sa'yo, handa akong makinig dito." He moved forward at tinanggal niya sa pagkakasandal ang katawan niya. "Don't tell me may kinalaman kay Joey ang problema mo? Hay, inaasahan ko na itong mangyayari! Pinagtripan ka nga ng taong iyon no?" He narrated, and then he grimaced.

Ano bang sinasabi niya? Bakit naman si Joey ang naisip niyang may kinalaman sa problema ko? Mabait naman sa akin si Joey kahit first time lang naming magkakilala. Ang totoo ay may similarities silang dalawa. Pareho silang cheerful, at may pagka-childish din.

"Ah? Pinagtripan ba ang sabi niya?" bulong ko at napaisip sa sinabi niya.

"Wow, Joey ang ganda ng room mo. Ang dami mong collection ng anime figures and other cool stuffs." Naalala ko bigla ang nangyari kahapon, ang araw nang dinala ako ni Joey sa loob ng kwarto niya. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon sa stranger na kagaya ko. Is she trying to sound cool? Or is she just bragging about?

"So naniniwala ka na sa akin na nagco-cosplay din ako?" she emphasized.

"Ano ka ba Joey, kahit hindi mo ko dalhin dito sa loob kwarto mo, naniniwala naman ako sa sinasabi mo."

MY SAVING GRACEWhere stories live. Discover now