Kakarating lang namin dito sa probinsya namin buti nga hindi masyadong traffic kaya ang bilis naming makarating,,
"Sheeeyyyn nako kang bata ka! Bakit ikaw ang nag bubuhat niyan? Nako diyos ko po bitawan mo iyan!!" Saway sakin ni lola .
"Lola kaya ko naman to eh malakas kaya ko hehe " sagot ko naman at maglalakad na sana ako ulit kaso kinuha na ni peejay yung maleta ,
"Ako na dito sheyn sige na" sabi ni peejay sakin kaya naman napatitig muna ako sa kanya ng 5 seconds
"Uy? Sige na punta ka na dun kaya ko na to" sabi nya ulit kaya naman natauhan ako ,
"Hele e seg--sige haha sige una na ko salamat" .
Halata na ba ko? Oo siguro nga pero kasi sino ba namang hindi matutulala kay peejay ni halos lahat nga ng babae dito sa baryo namin pinag papantasyahan sya ,
Pagkapasok ko sa bahay ni lola deretso cr na ko dahil na wiwi wi na ko , hindi ganun kalaki tong bahay ni lola pero masasabi kong okay ako dito , okay kami dito ..
"Sheyn bilisan mo riyan at kakain na muna tayo" tawag sakin ni mama mula sa labas.
"Oho,lalabas na ho" nag hugas muna ko mg kamay bago ako lumabas , nakita kong nakaupo na sila peejay pati yung dalawa nya pang kaibigan siguro ay makikikain sila rito , isa rin ito sa namiss ko , yung pwede kang kumain sa ibang bahay , dahil hindi sila madamot ..
Halos tabi tabi na kasi ang bahay dito kaya parang isang buong pamilya kayo, pero malayo ito sa syudad , galing dito sasakay ka ng trycicle papuntang terminal tas sasakay ng jeep papuntang city na mas madaming mga buildings roon, dahil dito samin wala na halos puro bike o kaya mga pedicab kaya sariwa ang hangin ..
"Iha kumain ka pa , hindi ka ba kumakain ng maayos ha? Bakit napaka payat mong bata ka?" Sabi ni lola ,
"Ma,nag dadiet kasi yan lumubo na nga iyan nung nakaraang buwan pero buti nalang nagawa nyang mag bawas ulit ng timbang" sabi ni mama kay lola , and yeah tama si mama tumaba nga ko nung nakaraang buwan halos lumaylay yung bilbil ko at yung pisngi ko ,. Tambay lang kasi ako sa bahay nun wala kong mahanap na trabaho ,
"Eh ano na nga bang kurso na kinuha mo? Ano nang trabaho mo?" Sabi ni lola , at ito ang isa sa mga ayaw ko pag pumupunta kami dito , masyado syang straight to the point mag salita kaya hindi nya alam na medyo nakakahurt sya ng feelings..
"Ah eh lola nag hahanap pa po ako , mahirap po kasi makahanap ngayon gusto po kasi nila mga galing sa matataas na paaralan ang pinanggalingan" oo wala parin akong mahanap na trabaho ngayon kasi masyadong mapili yung mga airline's na pinupuntahan ko ,
At oo isa akong flight attendant pero hindi pa sure yan kasi wala talaga kong mahanapan na airline's na pwede kong pasukan .. tapos ako sa kursong iyan ngunit lumipas yung araw wala pang kumukuha saming airline's nag aantay kami kasi sabi din samin na i iinform nalang daw nila kami pero lumipas na yung dalawang buwan wala pa rin akong trabaho ..
Sinubukan kong mamasukan muna bilang call center pero hindi ko din nakayanan kasi anemic ako nung time nayon kaya nung pauwi ako ng umaga nahimatay ako sa bus , at pauwi nako samin nun.
Kaya naisipan namin ni mama na umuwi muna kami dito kila lola ,
"Ito ngang si peejay ang kinuhang kurso ay ang pag pipiloto sa barko. Kelan nga ba ang alis mo peejay?" Sabi ni lola kaya naman napatingin agad ako kay peejay,
"Sa oktubre pa ho" sabi ni peejay sabay tingin sakin at ngiti. Ngumiti naman ako ng pilit pabalik..
"Ah ganoon ba? Edi hindi ka rito mag papasko ?" Tanong ulit ni lola
"Parang ganun ho siguro" sabi naman ulit ni peejay ,
So may dalawang buwan at isang linggo pa sya rito.
Pag katapos namin kumain , pumunta muna ko sa balkonahe para mag pahangin ,
"Anong mas maganda? Airplane o barko?" Napalingon naman ako kay peejay ,
"Bakit? Ibibili mo ba ko?" Sagot ko sa tanong nya
"Asa ka no, pero di nga ano nga?" Nakatingin sya sakin pero nakatingin lang din ako sa kanya.
"Airplane syempre, F.A ako remember?" Mataray na sagot ko sa kanya
"Sus Hindi pa nga eh haha " problema ba netong peejay nato
"Ikaw porket aalis kana ginaganyan ganyan mo nako" kunyare nag tatampo kong sabi sa kanya
"Sabi ko kasi sayo dati culinary nalang kunin mo edi sana may chance na sabay tayong aalis diba , alam mo namang hiring yung barko na sinasakyan ko kulang na kulang sila ng taga luto " mahabang pahayag ni peejay , actually naisip ko narin yan , kung hindi man ako makapasok sa airlines na pinasahan ko ng resume ko siguro baka mag trabaho nga ko bilang cook sa barko .. pero putsa paasa rin kasi yung airlines na yun eh akala ko ako na yun pala sa iba rin binigay , kaasar..
"Hayaan mona siguro intay intay muna ko , " may panghihinayang na sabi ko ,
"Oh pano uuwi na ko, nga pala bukas susunduin kita dito , pupuntahan natin sa airport si andeng " nagulat naman ako sa sinabi nya , simula ng umalis si andeng nung nakaraang taon ngayon ko nalang ulit sya makikita , nag trabaho kasi si andeng bilang isang fashion designer sa paris bukas pala ang dating nya dito..
"Oo sige sigee haha ingat ka baka marape ka " natatawa kong sabi sa kanya ,
"Ha? Baliw kana" naguguluhan na tanong nya ,
"Madaming kemerut dyan haha" sabi ko sabay pasok sa loob,
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa totoo lang namiss ko talaga ang mga kaibigan ko rito .
A/n: ayan na muna haha enjoyy🌷🌷🌷
CZYTASZ
THE BOOK OF HILARY
Dla nastolatków"kUNG HINDI MAN AKO PAPALARING MAGING FLIGHT ATTENDANT EDI MAG AASAWA AKO NG PILOTO HAHA BAT KO PA PAPAHIRAPAN BUHAY KO KUNG KAYA KO NAMAN PADALIIN?" -HILARY SHEYN SAMONTE
