TNG: Chapter 46

2K 56 4
                                    

Kinabukasan...

Papasok na naman ako sa school. Hays. Nag ayos na ako at nagpaalam kay Mommy at Ate.

Pagdating sa school. Kakapasok ko pa lang sa building ng may biglang may nagbato na sa akin ng maraming itlog.

Anong resulta? Basa ang damit at buhok ko. Amoy na amoy ko pa ang malansang amoy nito. Napabuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nakakadalawang hakbang palang ako ng harina naman ang binuhos sa akin.

*sigh* Para na akong multong naglalakad dito.

"Hey Nerd. Ang baho mo. Maligo kana." Kilala ko kung kanino boses yun. Maya maya lang tubig naman ang naramdaman ko.

Rinig na rinig ko ang tawanan ng lahat ng nanonood. Napakuyom ako ng kamao ko. Pero pinigilan ko lang ang sarili.

Dinudumihan nila ang school ni Mommy.

Di ko na lang pinansin yun at dumiretso sa locker room. Buti na lang at marami akong stocks na uniform dito. Thanks kay Mommy.

Nagpalit na ako at narinig ko naman ang bell kaya oras na ng klase. Lumabas na ako ng locker room at naglakad na papasok sa room ko.

Shit....ayan napamura na ako.

"Ooopps. Sorry, sinasadya ko." Sabi n'ya at umalis na. Demonyo ka talagang Maldita ka. Sa susunod ikaw naman ang papatidin ko para yung mukha mo ang sumubsob sa sahig.

"Trysh."

"Shanne."

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Ayan na. Alam na nila ang nangyari. Tsk. Napapikit na lang ako.

"Anong nangyari?" Tanong ni Yuan.

"Nadapa ako." Wala sa sarili kong sagot. "Pinatid ka nung Bitch na yun eh. Nakita namin." Sagot n'ya.

"Nakita mo naman pala. Ba't ka pa nagtanong!"

"Sorry na hehehe." Sabi n'ya at nagpeace sign sa harap ko.

Tumayo na ako at naglakad papasok. Nakita ko pa ang pag-ngisi n'ya. Psh. Ngumisi ka lang. Sana masira yang ngipin mo para di ka makangisi o makangiti man lang. Tsk. Nademunyo ka naman.

Umupo na lang ako sa upuan ko at nakinig sa teacher sa harap. Hayss. Eto ang mahirap eh, wala namang pumapasok sa isip ko eh.

Hanggang sa umabot ng lunch, nakatungo lang ako. Niyaya na ako nilang mag-lunch kaya tumayo na ako at inayos ang gamit ko saka sumama sa kanila.

Pinauna ko muna sila sa cafeteria dahil may naiwan pa ako sa room kaya bumalik ako. Nang makuha ko na ang phone ko ay tumalikod na ako at humarap sa pintuan para lumabas pero ganun na lang ang gulat ko ng makita ko sa pintuan sina Maldita at yung apat na kasama nya.

"Akala mo tapos na ako sayo?" Sabi nya. "Hindi. Kaya nga nandito ka diba?" Sabi ko naman. Napipikon na naman s'ya.

'Bat't ang dali n'yang mapikon?'

"Nakakainis ka. Alam mo yun." Sabi n'ya.

"Halata nga eh." Sabi ko. "Excuse me. Kailangan ko ng umalis " Sabi ko. Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng higitin n'ya ang buhok ko.

"Ahh. Ano ba? Hindi mo talaga ako titigilan ano?" Sabi ko. Pilit kong inaabot ang buhok n'ya pero hinawakan ako ng dalawa n'yang kasama sa magkabilaang kamay. Kaya wala na akong laban.

"Hindi talaga. Never. Inagaw mo sakin si Auxcez. Ang kapal naman yata ng mukha mo.!!" Patuloy parin n'ya akong sinasabunutan.

Walang makakarinig ng sigawan namin dito dahil ang lahat ay nasa cafeteria tsaka malayo ang room sa cafeteria. Kaya tingin ko walang dadaan dito para tulungan ako.

"Hindi ko s'ya inagaw sayo. S'ya ang lumapit sa'kin." Sabi ko. Bumitaw naman s'ya sa pagsabunot n'ya sa akin kaya ngayon kaharap ko na s'ya. Buti na lang hindi natanggal ang salamin ko.

"Malandi ka kasi!. Kung hindi mo lalayuan si Aux, mananagot ka sa akin!" Sabi n'ya. Bago sila lumabas, sinuntok n'ya muna ang sikmura ko. Kaya napaubo ako at nanghina.

Demonyo ka talagang hayop ka. Grrr.

"Ms. Vergara!!" Napatingin kami sa pintuan at nakita ko dun si Ma'am Perez. Ang terror teacher namin.

"What!!" Sigaw n'ya. Nagulat naman si Ma'am Perez don pero isinawalang bahala na lang n'ya.

"Go to principal's office." Utos n'ya at umalis na.

"Go to principal's office." Bulong n'ya. Psh. Demonyo talaga. Lumabas na s'ya ng room at sumunod kay Ma'am Perez.

Biglang may lumapit sa akin, kita ko ang pag-aalala n'ya sa akin kaya napangiti ako.

"Salamat." Nakangiti kong sabi.

"Huh? Anong sinasabi mo?" Naguguluhan n'yang tanong.

"Salamat. Alam kong ikaw may gawa non. Salamat sa pag-aalal--"

"Hindi kita tinulungan." Sabi n'ya at umiwas ng tingin.

"Sus." Pangungulit ko.

"Hindi nga. D'yan ka na nga, okay ka naman pala eh." Sabi n'ya at akmang aalis ng biglang kumirot ang sikmura ko dahil sa lakas ng suntok ng demonyong yun.

"T-teka.." Pigil ko sa kanya. "What?" Tanong n'ya.

"Masakit yung sikmura ko. S-sinuntok ako diba?" Sabi ko sa kanya.

"Psh. Anong pake ko." Sabi n'ya at akmang aalis ulit ng pigilan ko s'ya.

"Susumbong kita kay Aux." Bigla naman s'yang humarap sa akin. Napangisi ako.

"Ano naman?!" Mataray talaga to eh noh. "Wala akong pake." Sabi n'ya.

"Edi wala." Bulong ko. Lumakad na s'ya paalis pero napahinto s'ya ng mag-vibrate ang phone n'ya.

Binasa nya ito at umirap na lang. Lumakad s'ya palapit sa akin.

"Bilisan mo. Tara na." Sabi n'ya at hinila ang kamay ko patayo.

Parang ano naman to oh. Ayaw magdahan dahan.

Napahinto ulit s'ya dahil tumunog ulit ang phone n'ya, binitiwan naman n'ya ako at binasa uli.

"Damn you." Bulong n'ya pero rinig ko naman.

Hinawakan n'ya ulit ako at inalalayan. This time. Gentle na ang pag alalay n'ya sakin.

Anong nangyari? Binabasa n'ya lang naman yung message n'ya tapos bigla s'yang aayos.

Dumiretso kami sa clinic at ginamot lang ang ilang galos ko.

The Nerdy Girl [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz