TNG: Chapter 14

2.9K 75 3
                                    

Tryshianne POV°*


"Sorry. I'm late.."

Di na ako titingin sa taong nagsalita, kilala ko naman kung sino yun ehh.

Ahh. Trysh. Di ko alam kung bakit bad mood ako ngayon...

"Oh. San ka ba galing, Tol?" Tanong ni Alex.

"Nothing. I just teach someone a lesson." Sabi nya at tumingin sa akin. Umiwas naman ako ng tingin.

Ano bang nangyayari sa akin? Ginulo ko ang buhok ko.... "Shanne. Okay ka lang ba?" Narinig kong tanong nina Yuan.

Napatigil ako sa pinaggagawa ko at inosenteng tumingin sa kanila. "Ah. Oo. Okay lang ako." Sabi ko at ngumiti.

Narinig ko namang tumawa ang bruhilda kong mga kaibigan. Hindi ko na lang sila pinansin.

"Waiter.." Tawag ko sa waiter ng dumaan sya sa harapan namin.

"Yes Ma'am.." Tanong nya.

"Can I have some vodka,.." Sabi ko.

"Sure Ma'am" Sagot n'ya at umalis na.

"Hey. Seryoso ka? We're not allowed to drink, right?" Bulong ni Eylense sa akin.

"Ngayon lang naman ehh." Sabi ko.

Napatango na lang s'ya... Maya-maya dumating na ang waiter at binigay sa akin ang vodka na inorder ko.

Nagsimula akong uminom ng isang bote. Waahh ang sarap talaga ng lasa nito.

"Uy. Baka naman malasing ka n'yan. Shanne." Narinig kong sabi ni Yuan.

"Hindi 'yan. Ako pa" Pagmamayabang ko..

*A few hours later*

Auxcez POV°*


Ilang oras na ang nakalipas at lasing na ang mga kasama ko. I mean yung mga babae lang pala. Lalo na si Panget.. Psh.

May problema ba to? Wagas kung uminom ehh. Ang yabang yabang pa kanina na hindi daw sya malalasing pero nalasing naman. Hayy.

"Hey. Ihatid nyo na nga ang mga yan." Sabi ko.

"Tatlo lang kami.." I cut them off... "I take care of that ugly nerd girl. Ako na ang maghahatid sa kanya." Sabi ko.

Tumango naman sila. Binuhat nila ang mga babae na yun at lumabas. Alam naman siguro nila kung saan nakatira ang mga 'yun. Di ko na aalamin kung bakit alam nila. Obvious naman ehh.

Tinignan ko ang babaeng naiwan dito. Paano s'ya nakakainom ng ganoon? Baka mamaya magkasakit pa to sa baga ehh----

Wait. What? Why do I even care? She's just nothing. Yeah. She's nothing.

Napa-iling na lang ako at napagdesisyunan s'yang buhatin at ilabas..-----

Where's my car? Damn that boys! Naglakad na lang ako papuntang condo ko, malapit lang naman ehh.

Wait... bakit sa condo ko? Sh*t!! Inalog-alog ko itong babaeng to para magising, pero ayaw magising ehh. Bahala s'ya pag nagising s'ya at magtaka kung bakit naandun s'ya sa condo ko. Hindi ko naman alam kung saan s'ya nakatira ehh, nagpababa lang naman s'ya nung nakaraan sa labas ng subdivision nila.

"Tadhana nga naman ohh.." Napa-angat ang tingin ko sa nagsalitang iyon.

Sh*t!! Not now!!

"Sumasang-ayon yata sa akin ang tadhana...kakasabi ko lang na magkikita tayo ngayon, At ...nangyari nga.." Sabi n'ya at tumawa. Damn! Ang pangit pakinggan ng tawa n'ya.

"At sino 'yang babaeng yan? Chickz ahh." Sabi n'ya at tinitignan ang babaeng to mula paa pataas.

Sh*t! Bakit ba kasi ang ikli-ikli ng palda nito, naka-uniform pa. Psh

"Ibalato mo na lang s'ya sa amin." Dagdag pa n'ya.

"F*ck you!!!!!"

Binaba ko muna s'ya sa bandang likod ko at hinarangan para hindi malapitan ng mga unggoy na toh.

Alam kong susugod na sila...kaya humanda na ako.

Sa bawat suntok at sipa na ginagawa nila, iniiwasan ko lang sila. Paano ba naman, baka pag pinatulan ko ang mga to, matamaan pa ang babaeng ito.

"Naduwag ka naba at hindi ka na lumalaban?" Nakangising sabi nung leader nila.

Ngumisi din ako at sinabing..." Gago! Baka sabihin mo, pag nilabanan kita, siguradong hindi ka na magigising pa." Nagbago naman ang expression ng mukha n'ya at parang nagagalit na.

Iba talaga ang unggoy na to ehh noh? Ang lakas manghamon, pero ang daling mapikon. *smirk*.

Hindi na ako nagulat ng may tumulong sa akin, kilala ko na rin naman.

"Kami nang bahala dito, Tol. Ihatid mo na lang yan." Sabi nila Ephraime.

Binuhat ko ulit ang babaeng to at naglakad na paalis dun. Kayang-kaya na nila 'yun.

"Hey. Bhakit tayo umalish doon?" Nagising pala ang babaeng to.

"Don't speak. Ang baho ng hininga mo." Sabi ko. That's true. Dahil sa alak na nainum n'ya, ang lakas ng amoy ehh.

"Hindi kaya.." Sabi n'ya ng ibaba ko sya. Bakit ko pa s'ya bubuhatin eh gising naman pala tsaka kaya n'ya naman nyang maglakad.

"Alam mo bang....gushto ko 'yung shuntukan. Bakit tayo umalish?" Hindi pa straight 'yung lakad n'ya. Aish inalalayan ko na lang s'yang maglakad baka mamaya madapa. Madagdagan pa ang pang-aasar ko sa kanya. Psh.

"Tsk"

"Gangshter ka ba? Kashi kung oo, pashali naman ako oh." Ibang klase ang babaeng to pag nalalasing. Nakakahiyang kasama.

"No"

"Waaah!!!" What the--!!! Pinagtinginan tuloy kami ng mga tao. Ano ba naman tong babaeng to?

"Stop being childish. Okay." Sabi ko. Kaunti na lang at makakarating na rin ako sa condo.

"Kashi naman ehh..ayaw....ayaw mo akong ishali.....Shige kung ayaw mow. Akow na lang gagawa. Magiging gangshter din ako. Pangakow kow."

Hindi ko na lang pinansin ang sinasabi n'ya at tuluyan nang pumasok sa building ng condo. Kilala na ako ng guard dito kaya hindi na 'yan magtataka kung basta basta na lang akong papasok dito.

Nang makapasok ako sa condo unit ko agad ko s'yang dinala sa kama ko at inihiga.

"Aray kow..ang shakit naman ehh." Sabi n'ya habang nakapikit.

Paano ko to bibihisan? Aish bahala na nga. Wala pa naman akong damit na pangbabae dito. Yung damit ko naman, sa tingin ko kakasya 'yun sa kanya.

Dumiretso ako sa walk in closet ko at kumuha ng damit. Pagkabalik ko, ay napa-iling nalang ako. Para s'yang batang gumugulong sa kama ko.

"Hey. Tumayo ka muna. Bibihisan kita. Wag kang mag-alala hindi kita sisilipan." Sabi ko agad ng makita ko s'yang parang nagtataka.

"Owkey. Shabi mow ehh." Sabi n'ya. Tumayo naman s'ya mula sa pagkakahiga at itinaas ang dalawa n'yang kamay na parang handang-handa nang hubaran ng damit.

Tumalikod ako at handa nang hubaran s'ya ng damit pero nagulat na lang ako bigla n'ya akong hilahin sa damit at----

"D*M!!! ARRGGGHH!!!" Sigaw ko. Nag peace sign naman s'ya at pinunasan ang bibig n'yang may bakas pa ng suka n'ya saka humiga. 'W-wag naman sana pati higaan ko.'

Napatingin naman ako sa loob ng sandong suot ko. F*ck! Ang baho!!.

Agad akong dumiretso sa banyo at naligo ng sampung beses. I swear. Ayaw ko ng mag-alaga ng isang lasing at isang tulad n'ya.

The Nerdy Girl [COMPLETED]Where stories live. Discover now