TNG: Chapter 45

1.8K 57 0
                                    

Nagising ako dahil sa alarm ko. Dahil na rin siguro sa isang text messages. Kaya inabot ko ang phone ko at tinignan kung sino ang nagtext.

Aux...

From: Aux
    Sorry. Baby. Di na ako nakapagpaalam sa iyo. Si Daddy kasi. Basta sorry dahil umalis agad ako ng bansa dahil may ipapasa daw sa akin si daddy. But i have someone na magpoprotekta sa iyo d'yan. Babalik ako as soon as possible. Take care Baby. I love you.

Kanina pang 1:44 am yung message n'ya. So 5 hours na ang nakalipas. Siguro nakarating narin s'ya sa pupuntahan n'ya doon.

To: Aux.
     It's okay. Don't worry. Take care too. I love you.

Yun lang ang sinabi ko. Gaya nga ng sinabi ko, baka importante nga ang papagawa sa kanya ng daddy n'ya kaya okay lang. Tsaka nagtataka ako kanina sa 'But i have someone na magpoprotekta sa iyo d'yan.' Ba't n'ya naman nasabi 'yon?

Tumayo na ako sa kama at nag stretch. Nawala na din ang antok ko eh kaya maaga na lang akong papasok sa school.

Ginawa ko na ang daily routines ko at pumasok na sa school. Pagdating ko sa school, di ko inaasahan na ang dami nang estudyante ang pumasok.

And once again, i felt the same feeling that i felt before. Pagpasok ko kasi sa gate, everyone's staring at me. Disgust, hatred and others.

Hindi ko na lang pinansin 'yon pero habang naglalakad ako papasok sa room, humarang sa daan ko si Haynae at may kasama s'yang apat na babae.

Deja vu..

Here we go again.

"Oh hi. Tryshianne Aicyll Lopez. Welcome to HELL." Sabi n'ya sabay tawa. Napakunot nalang ang noo ko.

"Ngayon wala ng Auxcez Aian Smith na magliligtas sayo. Pwede na kitang apihin. Tama ba?"

Nababaliw na s'ya...

"Haynae." Sabi ko.

"Eww. Stop calling my name like that. It's disgusting. Only Aux can call me like that. Understood?" Parang nandidiring sabi n'ya.

"Crazy " bulong ko pero di ko akalaing narinig n'ya pala 'yon.

"W-what?" Tanong n'ya.

"Wala." Sabi ko. "Sinabi mong baliw ako eh." Sabi n'ya. Naiinis na s'ya.

"Narinig mo naman pala eh. Tinatanong mo pa." Sabi ko. Mas lalo s'yang nainis sa sinabi ko.

"May tapang ka pa pala?" Sabi n'ya.

"Oo. Di katulad mo, maghahanap pa ng kasama para lang magmukhang matapang sa taong haharapin n'ya."

"How dare you!"

"Bakit? Di ba totoo?" Ngisi kong sabi.

"Leave it to me girl." Sabi n'ya at sumugod sa akin saka ako sinabunutan.

Di ko napaghandaan to kaya nabitawan ko ang gamit ko. Pero pilit ko s'yang tinutulak, hindi ko magawa. Lalo lang n'yang hinihigpitan ang pagsabunot sa buhok ko. Feeling ko matatanggal na ang buhok ko sa anit ko.

"Hey. Stop!" Rinig kong sabi ng isang babae pero ayaw paring tumigil ng kaharap ko. Nanghihina na ako eh. Hindi ako marunong lumaban.

"Wag kang mangialam dito!" Sigaw ni Haynae--oh wait. Wag na daw s'yang tawaging ganun eh.

"Ayaw mong tumigil ah."

Biglang na lang bumitiw sa akin si Maldita at nagsisigaw sigaw.

"Ano ba! Stop. Masakit." Sigaw n'ya. Dun ko lang nalaman na hinila pala n'ya ang buhok ni Maldita at sinabunutan. Hindi naman makapalag si Maldita dahil mas malakas si Babaeng sumasabunot sa kanya.

Maya-maya lang, natapos na ang palabas. Oo palabas, ang daming nanood eh. Nawalan ng malay si Maldita, kaya dinala s'ya sa clinic.

Umalis na yung babae kaya sinundan ko s'ya. Gusto kong magpasalamat sa kanya. Tsaka naalala ko s'ya. S'ya yung babaeng bumubully sakin nung first day ko dito. Kasama n'ya yung dalawang babae. Pero bakit n'ya ako tinulungan?

Nang maabutan ko s'ya, hinawakan ko ang braso n'ya kaya napatigil s'ya sa paglalakad.

"Salamat." Sabi ko. "Salamat dahil pinagtangg--" Pinutol n'ya ang sasabihin ko at humarap sa akin.

"Stop. Hindi kita pinagtanggol. Sinabi ko lang ang pinapagawa ni Aux sakin."

Napakunot naman ang noo ko. Pero biglang pumasok sa isip ko yung text messages ni Aux sakin. So, yun yon.

"Stop smiling. It's gross." Sabi n'ya at kinuha na ang kamay n'ya sa kamay ko at naglakad palayo.

Napangiti na lang ako. Ganun din naman yun eh.

Pumasok na lang ako sa room ko, buti wala pa silang anim at ako pa lang ang nandidito.

Maya maya lang dumating na sila at umupo sa tabi ko yung tatlo.

"Hi Trysh.." Bati sa akin ni Yana. Binati nila ako, kaya binati ko rin sila pabalik.

Hindi ko na inisip pa ang nangyari kanina, iniisip ko kung kailan kaya babalik si Aux.

*Lunch*

Sabay sabay kaming lumabas ng room at pumuntang cafeteria.

Bigla naman ang pagsulpot ni Maldita sa harap namin.

"Hi boys. Tara sabay na tayo." Nakangiti n'yang sabi. Magsasalita na sana ang mga lalaki kaya lang naunahan na s'ya nina Eylense.

Kumapit sila sa braso ng mga lalake at umalis. "Sorry. Sabay kasi kami eh." Sabi Eylense at hinila si Ephraime.

"Kami din." Sabi naman ni Alex at hinila si Andrialle. Ganun din sina Yana at Yuan.

Napatawa na lang ako ng palihim dahil sa itsura ni Maldita. Pero nang humarap s'ya sa akin ay s'ya naman ang napangisi.

"Aww. Wala syang partner." Sabi n'ya na nang-aasar. Napangiti naman ako.

"Aww. Wala rin syang partner." Ginaya ko ang sinabi n'ya. Nanggigigil na s'ya.

"May boyfriend ako. Inagaw mo lang s'ya." Sabi nya na nakangiti. So ngumiti din ako.

"Don't assume. Di bagay sayo." Sabi ko at umalis na. Sumunod ako kayla Eylense na di ko alam na nanonood pala sa amin.

"Nice." Sabi nila. Ngumiti lang ako at naghanap na kami ng mauupuan.

Narinig ko pa ang pagsigaw n'ya. Tsk.

'Try me!'

The Nerdy Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon