TNG: Chapter 44

1.9K 53 0
                                    

Tryshianne POV°*


Nakain kami ngayon sa cafeteria ng makitang dadaan si Haynae sa pwesto namin at napakunot ako ng noo ng makitang namamaga yung mata n'ya. Parang kagagaling lang n'ya sa pag-iyak. May ginawa ba si Aux sa kanya?

Tatanungin ko pa sana s'ya kung anong problema pero tinapunan n'ya ako masamang tingin. "Bitch!" Lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ya. Alam kong ako yung sinabihan n'ya dahil sakin lang s'ya tumingin. Balak ko pa sana s'yang tanungin pero mabilis na itong lumayo sa akin.

"I told you Andrialle. She's a plastic. Trying to be a good example but a bad personality!" Rinig kong sabi ni Eylense kay Andrialle.

"Yeah."

"Hoy ikaw, Trysh. Wag na wag kang magpapakabait don. Tinawag ka ba namang bitch! Eh s'ya nga yon eh." Sabi sa kin ni Andrialle.

"Wag mo na lang pansinin yun." Sabi ko.

"But seriously Shanne, kailangan mong mag ingat sa kanya, tama si Eylense. Gagawin nya ang lahat para sa sarili nyang kagustuhan." Sabi ni Ephraime.

Tumango na lang ako at tinuloy ang pagkain ko. Maya maya lang dumating na si Aux at umupo sa tabi ko.

"Bakit umiyak si Haynae?" Tanong ko. "Nothing." Maiksing sabi n'ya.

"Hey. Alam mo bang sinabihan n'yang Bitch si Trysh." Sabi ni Eylense pero umigting lang ang panga ni Aux at tumahimik na.

Tutal uwian na rin naman, napagdesisyunan naming tatlo ni Ate Ashlinth na bisitahin muna si Lola sa hospital.

"Nakilala ka na rin pala ni Lola,?" Tanong ni Ate.

"Yes, sinama ako ni Aux nun." Sabi ko. "Alam din ba ni Lola yung pagkatao mo?"

"Yeah. I told her nung ako lang ang pumunta doon mag-isa." Sabi ko.

Sinabi ko din kay Lola nun na alam na ni Aux yung totoo kaya wala na dapat isikreto. Napatango-tango naman na lang s'ya.

Maya-maya huminto na ang elevator sa 14th floor at pumasok na kami sa room ni Lola.

Naabutan namin syang nagbabasa ng libro. Bookworm pala si Lola. *shrug*.

"LOLAAA!!" Napatalon ako sa gulat dahil sa sigaw ni Ate na may kasamang pagtili. Muntik na akong matumba kanina, buti na lang nahawakan ako ni Aux.

"Aish! Stop shouting!" Saway n'ya kay Ate ng makatayo na ako ng maayos. Tumawa lang si Ate at lumapit kay lola saka yumakap.

"I miss you La." Sabi ni Ate habang nakayakap kay Lola. Lumapit din ako kay Lola at nagmano na lang.

"Hello La." Bati ko at ngumiti. "Hello din, hija." Sabi n'ya. Tumango na lang ako at umupo na sa couch.

"Kumain na ba kayo?" Tanong ni Lola. "Yes po. Lola. Dun na kami sa school kumain " Si Ate na ang sumagot.

Mukhang na-gets naman ni lola yun kaya tumango-tango na lang sya.

"Ba't nga pala kayo napadalaw?" Tanong n'ya.

"Wala lang La. Masama bang dalawin ka?" Nakangusong sabi ni Ate. Napapangiti na lang ako pag ginagawa ni Ate yun. Mukha kasi s'yang bata. Tingin ko nga mas bata pa sya kesa kay Aux eh. Hahaha.

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan hanggang sa lumipas ang oras at kinakailangan na naming umalis dahil kailangan ko na ring umuwi.

"La. Alis na po kami." Paalam ko kay Lola. Dito daw muna matutulog si Ate dahil babantayan n'ya muna si Lola hanggang hindi pa s'ya umaalis ng bansa.

Bumaba na kami ng floor at dumiretso sa parking lot. Habang nagbya-byahe naisip ko ang mga tinanong ni Aux sakin kagabi.

"Aux?"

"Hmm?"

"Why did you asked me that?"

"Asked what?" Tanong n'ya. Siguro di n'ya na matandaan.

"Wala. Just continue driving." Nasabi ko na lang.

Pero malayo-layo pa kami kaya nagsalita na ako.

"You won't leave me. Right?" Natanong ko sa kawalan. Ramdam kong napatingin s'ya sa akin.

"What are you saying?" Tanong n'ya.

"About what you asked yesterday. You won't leave me right?" Tanong ko ulit.

"Of course. Trysh. Why did you ask?" Napayuko na lang ako at huminga ng malalim.

"I have this feeling tha--" He cut me off.

"Shh. Stop thinking that. Okay? I won't leave you. Never. I'll promise that." Sabi n'ya.

"But promises are meant to be broken." Sabi ko.

"I won't break it. I promise that I won't leave you and I'll do what i promised to you." Nakapasok na kami sa subdivision namin at malapit-lapit na kami sa bahay.

"I'll give you my trust, Aux. Don't lose it." Sabi ko ng makatapat na kami sa bahay.

"Thanks for giving me your trust. Promise, I won't lose it." Sabi n'ya at niyakap ako saka hinagkan sa noo.

"Go on. Baka hinahanap ka na ng Mommy mo." Sabi n'ya.

"Hindi ka papasok?" Tanong ko. Umiling lang s'ya. "Nope. Pinapatawag din kasi ako ni Daddy eh." Sabi n'ya. Tumango-tango na lang ako.

May naalala ako. "Aux. When will i meet your parents?"

"Anytime soon, baby. Just wait. Ipapakilala kita sa kanila." Nakangiti n'yang sabi kaya ngumiti na lang din ako sa kanya.

Nagpaalam na s'ya sa akin kaya pinaalis ko na s'ya dahil baka importante rin ang sasabihin ng daddy n'ya sa kanya.

Pumasok na ako sa loob at nadatnan ko naman silang nakaupo sa sofa. Sila Mommy lang at Ate. Umalis na naman kasi si Kuya kasama si Daddy.

"Hi Mommy. Hi Ate." Bati ko at lumapit sa kanila. Bumeso lang ako kay Mommy at hinalikan ko sa pisnge si Ate.

"How was your day?" Tanong ni Ate. "As always. Okay naman eh. Maayos." Sabi ko at tumabi sa kanila.

"Wait. How was your modelling?" Si Mommy naman ang nagtanong.

"Good. Tsaka leave kami for 1 month. Pahinga lang dahil nga sa next month summer narin. Kakailanganin din kami for their magazine cover and etc." Sabi ko.

"Kayo?" Ako naman ang nagtanong.

"Always busy. Haggard." Sabi nilang dalawa. Sabay pa.

Iniwan ko na sila doon dahil baka mamaya makaistorbo pa ako sa kanila. Kaya sinabi kong sa kwarto muna ako. Tutulog na. Gabi narin kasi eh.

The Nerdy Girl [COMPLETED]Where stories live. Discover now