CHAPTER 19

19K 639 83
                                    

[Miyukie’s P.O.V.]

“Brilyante ng lupa lamunin mo ako ngayon na!” Paulit-ulit kong binibigkas sa aking isip. Nagbabaka-sakaling may kapangyarihan na lumabas at lamunin ako ng lupa pansamantala para lang makaalis sa kahihiyaan na ito.

Ano bang naisip ng bwiset na John Axle na ‘yan at ang hilig niya akong ipahiya sa maraming tao. Gustong-gusto siguro niya akong manghiram ng mukha sa kambing, baka, aso at kalabaw dahil sa mga pinagsasabi niya. Nakita pa lang nga nila akong kasama si John Axle. Abugbug berna ang beauty ko how much more sa sinasabi niya ngayon. Hindi na ako magtataka kung may biglang hihila ng buhok ko at babaril sa’kin. Hu-hu-hu! marami pa akong pangarap pero sinira lang ng devil na 'yan

“Ayy!” Sigaw ng mga kaklase kong nagulat nang biglang sipain ni Gerald ang upuan ni John Axle. Tumayo si Gerald at lumapit sa’ming dalawa. Nakakaramdam ako ng away sa pagitan nilang dalawa. Parehong natiklom ang kamao nila at seryosong nakatingin sa isa’t-isa.

“Guys! Kanino kayo pupusta? Santiago or Nicolas?” Sabi ni Keil na tumayo pa sa gitna.

Ibang klaseng kaibigan ito ni John Axle, imbes na awatin nagpustahan pa.

Hinawakan ni Gerald ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "Come with me."

“Stay with me.” Hinawakan din ni John Axle ang kaliwang kamay ko.

“P-Pwede naman siguro tayong tatlo na mag kape.” Sabi ko pa.

Kanina nahihiya akong nakikita kaming dalawa na nag kiss. Pero mas malala pa ang nararamdaman kong hiya, kaba at takot sa dalawa. Oo, alam kong maganda ako pero wag naman nila akong pag-awayan.

“Manahimik ka!” Sabay pa nilang sabi sa’kin.

Yumuko ako. “Galit na galit nag suggest lang naman.”

“Santiago, binabastos mo na si Miyukie.” Sabi ni Gerald kay John Axle.

“Oo nga binabastos mo na ako. Hinalikan mo ako sa maraming tao.” Sabad ko.

“Bakit nagseselos ka ba dahil ako ang boyfriend niya at nagagawa kong halikan siya kahit kailan ko gusto?” Sarcastic na sagot ni John Axle.

Binaling ko ang tingin kay Gerald. “Oo nga, nagseselos ka ba?” Sabad ko uli.

“Kahit sinong lalaki ang makakakita sa ginawa mo masasabing hindi maganda ang ginawa mo kay Miyukie. Sabihin nating girlfriend mo siya. But she have the right to say No. Pero hindi mo naririnig dahil ang gusto mo ang sinusunod mo.”

Pang-asar na tumawa si John Axle. “Nagseselos ka nga? Kailan pa? Ang bilis mo naman magkagusto samantalang ngayon lang kayo nagkita.”

“Hindi ako nagseselos dahil wala naman akong dahilan para magselos.” Sarcastic na sagot ni Gerald.

Umalon-alon ang adams apple ni John Axle sa galit kay Gerald.

“Wag kang makialam sa’min Gerald.” Mariin sabi ni John Axle.

Hinila ni Gerald ang kamay ko dahilan para mapasubsob ako sa kanya. Napansin naman iyon ni John Axle kaya hinila niya rin ang kamay ko. Para akong lubid na hinihila ng magkabilaang panig.

“Arraayyy!” Malakas kong sigaw. Sabay silang napatingin sa’kin. Binitawan nila ang kamay ko.

Tumingin ako sa kanilang dalawa. “Ang sakit-sakit ng pagkakahila niyong dalawa hindi ako lubid. Kung gusto niyong mag-away mag suntukan na kayong dalawa. Letche kayo!” Sabay pihit ko patalikod at tumakbo palabas.

“Miyukie, sama ako sa’yo!” Tawag ni Keil at sumunod sa’kin.

Nakakainis ginawang lubid ang braso ko. Kulang na lang matanggal ang braso ko. Parang mga babae ang daming kuda bago mag-away.

My Guardian devil is a Playboy (MANEBKSERIES10) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon