CHAPTER 6

20.9K 786 92
                                    

[Miyukie’s P.O.V.]

I have a dream, a song to sing
To help me cope with anything
If you see the wonder of a fairy tale
You can take the future even if you fail
I believe in angels
Something good in everything I see
I believe in angels
When I know the time is right for me
I'll cross the stream, I have a dream.

Nakapikit pa ako ng mariin habang sinasabayan ang kantang iyon. Ito ang unang kanta na narinig ko sa unang umaga ko sa mansiyon ng mga Santiago. Suot  ko ang damit ng pang maids habang nagwawalis sa sala. Ala sais na ngunit wala pang gising sa mga amo ko kaya naman malaya akong kumakanta habang ang ibang mga katulong ay nasa kusina at garden.

“Miyukie!” Tawag ni manang Ludy sa’kin mula sa kusina. Agad naman akong nataranta sa tawag niya kaya nagmadali akong pumunta sa kanya dahilan para mataman ang walis tambo ang naka display sa labas.

“Ayy!” Sigaw ko.

Laking gulat ko nang makita ko sa sahig ang basag-basag na puting bote at may laman sa loob na maliit na larawan.

“Ang tanga mo talaga self. Paano na ‘yan!” Parang baliw kong kausap sa sarili. Ang bilis ng kalabog ng dibdib ko dahil sa kaba at takot. Hindi ko kasi alam ang dapat gawin.

“Anong ginawa mo Miyukie?!” Sabad ni Manang Ludy.

“M-Manang…” naluluha kong sabi.

Lumapit siya sa’kin upang tingnan ang nabasag.

“Lagot ka kay John Axle na ginawa ‘yan.”

“H-Hindi ko naman sinasadya.” Mahina kong sabi.

“First project niya ‘yan noong nasa grade 1 siya family picture nila ‘yan.”

“Huhuhu! Lord help me.”

Dahan-dahan kong pinulot ang nakakalat na basag-basag bote ingat na ingat akong wag masugatan ngunit sadya siguro akong tinamaan ng kamalasan dahil nasugat ako.

“Aray!” Mabilis kong pinisil ang kamay ko.

“Naku namang bata ka! Hala kunin mo ang gamot at linisin mo ‘yang sugat mo.” Sabi ni Manang Ludy.

“Malayo naman po sa bituka.”sabi ko.

“Manang!”

Nagkatinginan kaming dalawa ni Aling Ludy nang marinig namin ang boses ng isa sa amo namin si John Axle. Namutla ako sa sobrang takot. Tumayo ako at tinakpan ko ng walis tambo ang nabasag ko. Umalis naman si Manang Ludy para salubungin si John Axle. Ngunit bago pa niya iyon gawin nasa sala na ito habang nakapameywang ang dalawang kamay niya at salubong ang kilay na nakatingin sa’min.

“S-Senyorito.” nauutal na sabi ni Manang Ludy.

Pabaling-baling ang tingin niya sa’min ni Aling Ludy. “Manang, nakapagluto na po ba kayo ng almusal? Maaga akong papasok dahil may laban po kami ng basketball ngayon.” Sabi niya ngunit habang ang mga mata ay nakatingin sa’kin. Umiwas ako ng tingin sa kanya habang nararamdaman ko ang pawis kong nag-uunahang tumulo sa mukha ko. Ang hirap magtago ng kasinungalingan.

“Opo! Senyorito, nakapagluto na po kami. Halina po kayo at ipaghahanda ko kayo ng almusal.”

Tumango naman si John Axle. Muli itong tumingin sa’kin bago siya sumunod kay manang Ludy. Nakahinga ako ng maluwag ng umalis na ito.

“Grabe! Nakakatakot talaga siya.” Winalis ko ang mga bubug na nabasag at agad kong itinapon sa basurahan. Sana lang hindi nila mapansin na nawawala ang nabasag ko.

My Guardian devil is a Playboy (MANEBKSERIES10) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon